I'm happy to be with Tita Jamie again.
Gusto ko sanang magtanong kay Tita about me.
I mean, nakilala niya ako agad. Pero bakit si Third hindi?
Ni hindi ko naman sila nakikita ni Mommy na naguusap no'n.
Kahit noong hindi pa naalis si mama kila Lolo.
“Stay for tonight, Allessana. Please?” nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Tita Jamie.
“Oo nga, Ate. You can stay here naman as long as you want.” ani Jasmine saka bumaling kay Tita. “Di'ba masama rin para sa buntis Mommy ang palaging nagba-biyahe.?” tanong nito kay Tita.
Tumango si Tita. Dami yatang alam nitong si Jasmine about pregnancy. Haha.
“Jasmine's right, Matatagtag ka. Mula pa yata kahapon ay na-biyahe ka na.” ani Tita. “Stay here, Alexandre. Baka mapano ang mag-ina mo kung ba-biyahe pa kayo.” ani Tita kay Third.
Nabaling din ang atensyon ko kay Third. Tumingin siya sa akin na para bang may gusto pa siyang sabihin pero tumango na lang ako.
“Let's just stay. Pagod na rin ako e.” ani ko.
Gusto ko na lang talaga ulit mahiga. Haha.
Tumango siya. “Alright.” aniya.
Nakita ko ang pag ngiti ni Tita habang nakatingin kay Third. Why?
Nahagip niya ang tingin ko kaya ngumiti na lang din siya sa akin.
Nang matapos kaming kumain sa sala kami tumungo.
“Kailan kami pupunta sa bahay ni Don Aldaniel.?” agad na tanong ni Tita dahilan para masamid ako.
Natawa siya, “Of course, we have to follow the tradition. Hindi naman puwedeng ang mapapangasawa mo lang ang hihingi ng kamay mo, Allessana. As a parent and as a mother of Alexandre. I want to do that as well, hmm?” ngiti niya.
Napatango na lang din ako, “Hindi ko po kasi alam kung anong napag-usapan ni Lolo, Mommy at Third.” ani ko.
Nilingon namin si Third na kanina pa subo nang subo ng apple na hinanda ni Tita for me. Halos maubos na niya iyon.
Nasamid siya ng lumingon kami sa kanya.
“Son, that's for Allessana to eat. Bakit ikaw ang kumakain ng lahat? Hindi ka ba nabusog sa lunch?” kunot-noong tanong ni Tita.
Nagtataka rin ako at napanguso na lang.
Hindi pa nga ako nakakain no'n kahit isang hiwa no'n. Haynako.
Napatingin siya sa apat na pirasong hiwa na natira sa platito. Tumingin siya sa akin then kay Tita.
“I just want a taste. What's wrong?” tanong din niya pabalik.
A taste? Halos maubos na niya? A taste?
Napailing si Tita.
“Do you have to eat it all for you to say that you've already tasted it?” Tita asked then she smirked looking at Third.
We all laughed when Third rolled his eyes. Baliw.
“I just want a taste. Wala naman kasing lasa. Tsk.” giit ni Third.
What? Walang lasa? Ang apple walang lasa? Haha.
Kumunot ang noo ni Tita sa sinabi ni Third kaya tumikim ng isang hiwa.
“What are you talking about, Son? Matamis naman, a?” takang tanong ni Tita.
Ginaya ko si Tita at tumikim na rin ng isa.
BINABASA MO ANG
NIGHT Of DESIRE
RomanceCOMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Charisse didn't know that the guy who took her innocence was also the guy she's been waiting for to come...