NIGHT Of DESIRE - 19

177 4 0
                                    

Kaninang pag-alis namin sa kanila ay pinigilan pa ako ni Tita na pumasok.

Nakalimutan ko pa lang sabihin na may pasok ako ngayon.

“Baby, let me fetch you later after your class, please.” ani Third.

Napalingon akong muli sa kan'ya. Diretso lang ang mata niyang nakatingin sa kalsada.

Kanina pa namin ito pinaguusapan. Actually, kagabi pa. Haynako.

“I told you it's fine. I'm fine. I can go home with Ssen. At isa pa, hindi mo naman alam kung anong oras matatapos ang shoot niyo.” ani ko.

Saglit niya akong sinulyapan saka muling binalik ang tingin sa daan.

“I can ask them to take mine, first. I can make them take mine, first. I can also ask Kurt, if you want. He's my friend. You met him, right? I can ask him if you want. Just please.” pakiusap niya.

Ganoon ba ka big deal at kailangan niya pa akong sunduin? I'm with Ssen and Alelie naman, e.

“Baby, please.” pakiusap niyang muli nang hindi ako sumagot.

Tumango ako. Like I have a choice, right? Hindi rin naman siya mapipigilan.

“Just take your time, Third. I can be with Ssen and Alelie naman while waiting for you. Baka ano'ng isipin ni Kurt dahil lang sa kaibigan mo siya ay okay nang ganoon. Okay?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

He nodded. “I won't be late, I promise.” aniya.

Umiling agad ako. “It's okay to be late, Third. Kasasabi ko lang na h'wag kang magmadali, di'ba?. Hayy. You're not even listening to me.” iling ko.

He sighed. “Okay. Okay. I will. I'm sorry, Baby.” aniya saka hinawakan ang kamay ko gamit ang isang kamay niya.

I smiled. “I'm not a baby, Third. I'm a woman. A woman who's carrying your child. And my name is Charisse Allessana.” I chuckled.

He laughed. A cute one.

“Yeah, My woman.” He laughed. “My woman whose name is Charisse Allessana.” He said, laughing. I pouted.

Inirapan ko siya.

“We're here.” aniya saka hininto ang kotse.

Nakita ko agad si Ssen at Alelie sa gate. Nakita ni Ssen ang kotse ni Third at nakilala niya siguro ang kotseng tumigil kaya kumaway ito.

Nilingon ko si Third.

“Look. Ssen and Alelie's here. Sasabay na ako sa kanila. H'wag ka ng bumaba ng kotse mo.” ani ko at nginitian siya.

Ngumuso siya na para bang gusto niyang mag-protesta sa gusto ko pero hindi niya ginawa. Tumango na lang siya.

“I'll fetch you later.” aniya. Tumango ako.

Tatalikod na sana ako sa kan'ya para lumabas pero pinigilan na agad niya ako.

“Why?” tanong ko nang mapansin kong hindi mapakali ang mga mata niya. Palipat-lipat ito.

Hinawakan ko ang baba niya para matigil ang tingin niya sa akin.

Problema ba nito?

“Hey.” ani ko.

Saglit siyang nakipagtitigan sa akin.

“Fuck.” aniya at nagulat ako ng atakihin niya bigla ako ng isang malalim na halik.

Oh sheez. My crazy hormones is back.

Agad ko siyang inilayo mula sa akin.

Habol naming pareho ang hininga matapos ng ginawa niya.

NIGHT Of DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon