-6 MONTHS LATER-
Simangot akong nakatingin kay Third ngayon.
Hindi ko rin alam kung bakit.
kahit na ako naman ang nang-a-away.
Kanina niya pa ako sinusuyo kahit na wala siyang ginawa.
Kasi naman, e.
Galing kami kay Doctora.
Hihintayin na lang sana namin na manganak ako, kaya lang inggitero itong si Third. Gusto rin na malaman ang gender ni Baby.
Kaya lang kasi nakakainis, e!
Kanina kasi habang nakikita namin si Baby sa screen at naririnig ang pagtibok ng puso niya.
Oo, masaya ako kasi nakita kong mahal ni Third ang baby ko!
Kaya lang pagtapos namin kay Doctora...
Paglabas namin may nakabungguan siya, e.
Maganda. Sexy. Tsk.
Samantalang ako. Mataba. Malaki ang tiyan!
Though, hindi naman niya pinansin sa una kasi nasa akin ang atensyon niya.
Kaya lang itong babaeng ito. Kainis.
“Xandre?” The girl.
Nilingon ko si Third. Nang una ako pa ang inalala niya no'n. Kung okay lang ba ako kasi medyo nasanggi niya ako.
Papansin naman itong babaeng ito, e! Sino ba ito?
Simangot kong nilingon ang babae nang makitang nilingon siya ni Third.
“Kana?” ani Third.
Napairap ako. So, she's Kana.
Gusto kong awayin si Third. Kasi tumingin siya sa sexy na ito!
Fine. Naiinsecure ako. Ang taba ko na kaya...
“Long time no see. It's been a year! Well, your wife?” tanong niya saka bumaling sa akin.
Atleast, you know!
Nakampante naman ako saglit kasi agad tumango si Third no'n.
“Yup. Kana, this is my wife, Alles. And my daughter, Aciel.” ani Third saka hinaplos ang tiyan ko.
Yup! Daughter! Natupad ang gusto niyang daughter!
But, ayoko na rito. Nakakainis ang tingin ng babae!
Fine! Ikaw na maganda at sexy!
“Uhh... That's great. Congrats?” patanong na sabi ni Kana.
Huh! Masama pa loob mo? Bakit? Kasi may anak at asawa na ang crush mo? Duh!
Nakasimangot na ako.
“Thanks. Excuse us, Kana. We need to go.” ani Third at walang alinlangan kaming umalis sa harap no'ng Kana.
Palayo kami pero nilingon ko ang babae.
Nakatingin siya kay Third. Yumuko at muling tumingin sa gawi namin.
Nahagip niya ang mata ko. Ngumiti siya at mabalis siyang tumalikod at umalis. Pumasok sa loob kung saan kami galing. Kay Doctora.
Pinagbuksan ako ni Third ng kotse. Wala ako sa mood.
Nagtataka siya dahil tahimik ako. Alam ko 'yon.
Nang makapasok na rin siya ay hinarap niya ako.
“What's wrong?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
NIGHT Of DESIRE
RomanceCOMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Charisse didn't know that the guy who took her innocence was also the guy she's been waiting for to come...