Prologue

4.1K 65 6
                                    

Saturday morning..

"Mommy.."

"Hmm.."

"Mommy, wake up." Gising ng isang bata kay Julie.

"Babe, it's still early. Go back to sleep. Please. Inaantok pa si Mommy." Niyakap niya ng mahigpit ang anak.

"But mommy.. Your phone's vibrating.. I think it's daddy." Ungot muli ng anak.

"H-huh?" Napadilat siya't kinapa ang cellphone sa bedside table.

Hubby calling..

"Mommy, who is it?" Tanong ng bata. Sinilip nito ang cellphone na hawak ng ina upang malaman kung sino ang tumatawag. "Daddy!!" Tili nito't nanlalaki pa ang mga mata. Tumayo ito at tumalon-talon sa kama. "Mommy, answer it! Answer it! Go!"

Julie couldn't help but laugh at her daughter's reaction. Umupo siya't isinandal ang likod sa headboard. "Stop jumping, Baby or else I won't answer this call."

"Okay. I'll stop now." Umupo ito at niyakap ang ina. "Answer it na, Mommy.."

"Ito na nga po oh." Sabi ni Julie saka sinagot ang tawag.

"Goodmorning, Honey!" Bati sa kaniya ng asawa.

"Hi, Hon." Malambing na tugon niya. Tiningnan niya ang orasan at nakitang alas syete na ng umaga.

"Daddyy!" Sigaw ng bata.

"Is that my princess?" Excited na tanong ng asawa.

Pilit namang inaagaw ng bata ang cellphone kay Julie. "Yes, Hon.. Sino pa ba ang laging excited na kumausap sayo maliban sakin? Jusko. My phone's in silent mode. Siya pa yung nanggising sakin nang magvibrate 'to." Natatawang kwento ni Julie.

"Haha. God! I miss her. Can I talk to her, Hon?"

"Sure. Here." Inabot niya ang cellphone sa anak. "Babe, daddy wants to talk to her princess."

"Yehey!" Kinuha nito ang cellphone. "Daddy! I miss you!" Masayang sambit niya sa ama.

"I miss you too, Baby. How are you?"

"I'm good." Nakangiting sabi nito as if her dad's seeing her reaction ngunit agad na napasimangot nang maalalang may ipinangako sa kaniya ang ama. "Daddy.."

"Oh? Why are you sad? Kanina lang ang saya mo akong binati ah. What is it?"

"You promised me. Us." Malungkot na sambit ng bata.

Naalala naman ng lalaki ang ipinangako niya sa anak. "Ohh.. Daddy's not breaking his promise."

"Eh bakit hindi ka pa uuwi? You said you'll be home REAL SOON." The little girl said. Ipinagdiinan pa talaga ang last two words na binanggit.

Nakikinig lang si Julie sa usapan ng kaniyang mag-ama dahil inilagay niya sa loud speak ang mode ng cellphone bago pa iabot sa anak. Natatawa siya sa itsura ng anak dahil nakanguso ito't nakahalukipkip. Magkasalubong pa ang mga kilay. Kamukhang kamukha ng kaniyang asawa ang kanilang anak.

"I will, Sweetheart. I'll be home in two weeks."

"Two weeks?!" Tumingin ito sa ina na sinusuklay ang kaniyang buhok. "Mommy, how long is it?"

"Fourteen days, Babe. Why?" Takang tanong niya.

"Daddy will be home in fourteen days!!" Bulalas nito sa ina.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Julie. Wala naman kasing binabanggit ang asawa niya tungkol sa pag-uwi nito. "Princess, can I talk to Dad muna?" Malambing na sambit niya sa bata.

"Ehh. Mommy, I wanna talk to him pa.." Angal nito.

"Sige na, saglit lang si Mommy."

The kid let out a sigh. "Okay." Malungkot na sabi nito at muling kinausap ang ama. "Daddy, Mommy's gonna ruin our conversation." Sumbong nito.

Muling natawa si Julie sa pagsusumbong ng anak. Niyakap niya ito at pinanggigilan. Cute!

"Haha. Let her, Sweetie. Tatawag nalang ulit si Dad." Narinig niyang sabi ng asawa. "I love you, 'kay?"

"I love you, Daddy." Lambing nito sa ama. Binalik niya ang cellphone kay Julie. Bumalik ito sa pagkakahiga at tumalikod sa ina.

"Hon, ano yung sinasabi nitong anak mo?" Tanong agad niJulie. Hinalikan niya ang ulo ng nagtatampong anak.

"You heard it right, Hon. I'll be there in two weeks." Ramdam niya ang saya ng asawa.

"Really? I thought magsasign ka ng another contract?"

"Nah. Nakiusap ako sa agency na babalik nalang ako dyan. Tell the boys that I'll be home."

"I will. We missed you so much."

"I know. I missed you too, honey. Namimiss ko na kayo ng mga bata."

"Please take--" napatigil siya sa pagsasalita nang marinig na may nag-aaway sa labas ng kwarto nilang mag-asawa. "Hon, I think I should go. Yung mga barako nag-aaway na naman ata." Naiiling niyang sabi.

"Haha. Be patient, Honey. Di bale, next time tayong dalawa na ang sasaway sa kanila."

"Can't wait, Honey. Take care okay? Text me the exact details of your flight."

"I will. I love you, Julie."

"I love you too, Elmo."

Tbc ❤

~~

AN: Hiii! Hindi ko alam kung tama bang prologue yung part na 'to. Nahahabaan kasi ako haha. Sana po magustuhan niyo itong second JE FF ko.. Please vote or comment po 😊😘❤ Thank youuu 😁

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon