AN: Para sa mga nangungulit na dapat na talagang mangulit dahil ang tagal kong mag-update. Haha. Salamat sa paghihintay! Enjoy :)
~~
"Daddy arrived early today!" Tuwang tuwang sambit ni Ej. Hindi pa siya nakakababa ng sasakyan ay kita niya na ang kotse ng ama na nasa garahe.
Nabigla naman si Julie. Hindi naman kasi nagsabi si Elmo na uuwi ito ng maaga. Hapon na nang dumating sila sa bahay. Dinala pa kasi ni Julie ang mga anak sa isang burger shop at nagmeryenda.
Why is he early? She asked herself.
Nagkanya-kanyang takbo ang mga bata paglabas pa lamang ng sasakyan. Nilapitan naman siya ng isa sa kanilang mga kasambahay upang tulungan sa kanyang mga pinamili.
"Yaya Gie, kanina pa ba si Moe?" Tanong niya kay Virgie.
"Umm.. Mga ala-una po dumating si Sir, Ma'am." Sagot nito.
"Talaga? Anong ginagawa niya ngayon?" Isinara niya na ang compartment nang makuha ng kasambahay ang lahat ng plastic bag na naroon.
"Ahh.. Ano po, Ma'am Julie.." Nag-alangang ngumiti ang kasambahay sa kanya. "Umiinom po si Sir Elmo."
"Umiinom?" Pagtataka nya.
"Opo, Ma'am. Pagdating na pagdating niya po, kumuha na siya ng beer sa ref saka po pumasok sa kwarto niyo."
"Ahh.." She nodded. "Ya, pakiayos nalang yan ha? Ako nang bahala sa dinner." Nginitian niya si Virgie saka dumiretso sa kwarto nilang mag-asawa.
"Dad, Tito Sam said- he'll buy me new toys ulit next time. Tapos sila kuya din, Daddy. He has puppies din daw! He'll give us one kapag pumayag ka."
Nanlaki ang mga mata ni Julie habang papalapit sa kwarto nila. Sa labas palang ay rinig niya na ang daldal ng anak niya kay Elmo. Nakabukas ng kaunti ang pinto kaya naman tumigil siya saglit at pinakinggan pa ang mga anak.
"Dad, I'll ask Tito Sam to buy me new--"
"Daddy, I'll ask him too if he could--"
"Hey!" It was Ej. "Kuya, you're rude! I'm still talking to Daddy!"
Napakagat labi nalang si Julie. Paano kaya siya mag-eexplain sa asawa niya?
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niyang nakaupo sa may carpet si Jayanne habang nilalaro nito ang laruan na binili ni Sam. Ang dalawang batang lalaki naman ay nakaupo sa magkabilang gilid ni Elmo na ngayon ay nasa couch at may hawak na bote ng alak.
"Kids, from now on.. Uh.. Bawal na kayo makipagkita kay Tito Sam."
"But Daddy, why? He's very mabait po. He wanted to buy me an ice cream pa nga kanina pero po ayaw ni Mommy." Sambit ni Jayanne.
"Daddy, we want to meet him pa." Sabi naman ng bunsong lalaki.
"I said no, Kids." Matigas na sambit ni Elmo saka nalipat ang tingin sa may pinto kung nasaan ang asawa. "That guy did something bad to me. Hindi kayo dapat lumapit sa kanya."
Nag-init naman agad ang ulo ni Julie sa nadinig. Habang sinasabi iyon ni Elmo ay matalim itong nakatitig sa kanya saka ininom ang laman ng bote.
"Kids, go to your room and change your clothes." Nagmadali siyang lumapit kay Elmo at inagaw ang bote ng beer. Nagpunta siya sa cr at tinapon ang alak.
"Hey. Julie, what's your problem?" Tanong ni Elmo.
Palipat-lipat naman ang tingin ng mga bata sa parents nila.
"Mom.. Dad.. What's wrong?" Naguguluhang tanong ni Am.
"Sige na, Babies. Go to your room. Gawin niyo na rin yung homeworks niyo. I'll check it later after dinner." Isa-isa niyang nilapitan ang mga anak at pinatayo ang mga ito.