Chapter Fifteen

1.7K 66 7
                                    

"Why are you calling my Dad 'Daddy'?!"

Nawala ang pagkabigla ng lahat nang itulak ni Am si Marcus palayo kay Elmo.

"Ouch!" Marcus whined.

"Marcus!" Sigaw naman ng ina ng bata saka ito tinulungang tumayo.

"Am, why did you pushed him?!" Biglang saway ni Elmo sa anak.

"Miguel.." tanging nasabi lang ni Julie. Hinahaplos niya ang likod ng bata. Nabaling ang tingin niya sa braso nito na mahigpit na hawak ni Elmo.

"D-daddy.." takot na sambit ni Am. Tila nawala ang pagiging matapang niya nang makita ang galit sa mg mata ni Elmo dahil sa ginawa niya.

"E-elmo, you're hurting him." Pilit na tinanggal ni Julie ang pagkakahawak ni Elmo sa anak. Tiningnan niya amg mister. Maging siya ay kita ang kakaibang reaksyon nito. Ngayon niya lang nakita na ganito si Elmo.

Nahimasmasan naman agad lalaki. Agad niyang binitawan ang braso ni Am. "B-buddy.." tawag niya sa anak. "Baby, i'm sorry." He carried his son. "I'm sorry.. nabigla lang si Daddy.."

Nagsimula nang humikbi ang bata.

"Shh.. Baby.." pagpapatahan ni Julie. Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa likod nito, gayon din si Elmo.

"Hush, Buddy. I didn't mean it." Napatingin si Elmo kay Stephanie na yakap naman ang sariling anak. Sa totoo lang, no'ng pagpasok pa lamang niya sa silid na iyon at nakita niya si Stephanie ay kinabahan na siya. Lalo na noong yakapin siya ng bata.

Pinagmasdan niya si Julie na inaalo pa rin ang panganay nila. He saw how her eyes became teary.

"Daddy.." tawag ulit ni Marcus.

Napatingin ulit ang lahat sa mag-ina.

"Marcus, he's not your dad!" Pagalit ni Stephanie sa bata. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Marcus.

"B-but you said--" his mom cut him off.

"He's not, okay?! Kamukha lang siya ng daddy mo. Do you understand?" Halata naman sa mukha ni Stephanie ang pagkahiya at galit.

"But Mommy--"

Hindi na ulit pinatapos pa ni Steph ang anak sa pagsasalita. Tinakpan niya ang bibig nito saka sila umupo sa pwesto ni Marcus kanina.

"Sweetheart, come here." Kinuha niya ni Julie ang anak mula sa pagkakabuhat ni Elmo saka ulit sila naupo sa tabi ni Rashid. Kararating lang din ng mga magulang nito.

Nailing nalang si Elmo. Kailangan niyang magpaliwanag mamaya kay Julie. Ang problema, hindi niya alam kung ano ang ieexplain. Hindi niya rin naman alam ang mga nangyayari. He needs to talk to Stephanie.

Tumikhim ang principal. "Good afternoon, Parents." Panimula nito. "Hindi na natin pa patatagalin amg usapan na ito. Siguro naman alam niyo na ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag diba? Base na rin sa mga itsura ng mga bata."

Napayakap ng mahigpit si Julie sa anak dahil sa kasungitan ng ginang.

Napatingala naman sa kaniya si Am. "Mommy.. Daddy's cheating on you." Mahinang sambit nito habang humihikbi pa din.

"Shh.. he's not, okay? Let's talk about it later, Anak. I'm sure Daddy has an explanation." Pagpapakalma niya sa anak saka muling itinuon ang atensyon sa nagsasalitang punong-guro. Kalmado ang itsura niya ngunit sa loob-loob niya ay gusto niya nang kumprontahin pa ang asawa. Gusto niya na rin masampal ito kahit isang beses lang kaso ayaw naman niyang dagdagan ang mg eksena na nangyari kanina.

Nagkakaroon na rin siya ng palaisipan eh. Sobrang aksidente naman na matawag si Elmo na 'daddy' ng anak mismo ni Stephanie na ex nito at kaklase pa ng panganay nila ang bata. Meaning- halos magka-age lang ang dalawa.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon