"Ano na, Moe? Pinag-iisipan mo pa rin ba ung offer sayo ng company? Pre, mas malaki yung kikitain mo kapag tinanggap mo yun!"
Napapailing nalang si Elmo sa mga pinagsasasabi ni Bryan- kapwa niya arkitekto na nasa London pa rin hanggang ngayon.
Ngayon lang ulit sila nagkausap thru social media. Naibalita nito na naghahanap ng isang magaling na arkitekto sa kumpanya kung saan siya nagtrabaho doon. Malaki nga raw ang kikitain pero malayo. Meaning, mahihiwalay ulit siya kina Julie at sa mga anak nila kapag tinanggap niya iyon.
"I don't know, Pre. Ayaw ko na ulit mawalay sa pamilya ko. Lalo na ngayon, my wife's pregnant." Tanggi niya.
Ayaw niya na ulit maranasan na mag-isa. Yung walang sasalubong sa kaniyang mga anak kapag uuwi siya ng bahay. Ayaw niya na maranasan ang araw-araw na wala siyang kasabay sa pagkain mula umaga hanggang gabi.
And this time, gusto nya kasama siya ni Julie sa pagbubuntis. Hindi yung sa pagbuo lang ng bata siya kasama.
"Exactly! Your wife is pregnant! Kaya nga tanggapin mo na. Tatlong taon lang naman ang contract, Moe."
"Three years?! Are you kidding me, Pare?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elmo. "Tatlong taon lang naman? Ano? Pagbalik ko dito naglalakad na yung bunso ko? Si Am graduated na from grade school? Tapos yung kambal-"
"Aish. Bahala ka, Moe. Ang akin lang, sayang yung opportunity. Bakit hindi ka bumalik dito and stay here for three years at mag-ipon ka? Pagkatapos, pwede ka na umuwi at huwag na ulit bumalik dito." Bryan said. "Think about it, Moe."
~~
Hindi mawala sa isip ni Elmo ang mga sinabi ni Bryan habang nagmamaneho siya pauwi.
Malaki-laki pa naman ang ipon niya. May mga project rin na inaalok pa sa kaniya ni Arch. Enriquez. Ang kaso, nanghihinayang siya sa kikitain niya sa London. Pero mas nangingibabaw ang panghihinayang na hindi muling makasama ang pamilya niya lalo na ang hindi niya masaksikan ang paglaki ng mga anak niya.
Hindi biro ang tatlong taon. Apat na buwan pa lamang ang nakalipas mula nang dumating siya dito sa Pilipinas, sanay na siyang muli na si Julie at ang mga anak nila ang kasama niya sa hapag-kainan. Sanay na siyang may hinahatid-sundo sa eskwelahan. Sanay na siyang every weekend ay aalis silang buong pamilya para maggrocery. Ayaw niyang mawala ang kinasanayan niya.
Balisa pa rin siya hanggang makarating sa bahay. Nadatnan niya ang kaniyang mga anak na naghahapunan.
"Hi, Kids!" Bati niya. Pilit siyang ngumiti sa mga bata.
Napatigil naman ang mga bata sa pagkain.
"Daddy!" sabay-sabay na tawag ng mga ito sa kaniya.
Nilapitan niya isa-isa ang mga bata saka hinalikan ang mga ito sa noo. "Daddy bought doughnuts for the three of you."
"Yehey! Thanks, Daddy!" Sambit ng tatlong bata.
"Dad, how about that cake? Para kanino po yan?" Tanong ni EJ.
"This is for Mom. For Mommy only. Where is she pala?" he asked. Naupo siya sa kaniyang pwesto.
"She's in your room, Dad." Am answered.
"Ohh.." patangong sagot ni Elmo. "Is she okay? Hindi naman ba sumakit ang ulo ni Mommy dahil sa inyo?"
"We were good, Daddy." Sagot ni Jayanne sabay ngiti sa Ama.