"Mommy.. Dad.."
Napahiwalay si Julie sa yakap ni Elmo nang tawagin sila ni Ej. Nakahiga na kasi sila at handa nang matulog dahil maaga ang alis nila kinabukasan para sa field trip ng kambal.
"Is there something wrong?" ni Elmo.
"Can't sleep, Babe?" Julie asked.
Ej shook his head. "K-kuya AM is sick. He has a fever po." He said softly
"What?" Pag-aalala ni Julie. Mabilis siyang bumangon at nagsuot ng robe.
Elmo carries his son samantalang si Julie ay dire-diretso sa kwarto ng mga bata.
Naabutan ni Julie si Am na nakakumot at medyo nanginginig sa lamig. Pilit niyang inaalala kung bakit bigla na lamang itong nilagnat samantalang kanila lang ay masigla ito bago matulog.
"M-mommy.." sambit ni Am saka ito sinundan ng mahihinang ungol.
Julie sat beside him. Hinaplos niya ang noo at leeg nito at napailing dahil sa sobrang taas ng lagnat ng bata. "I'm here, Baby." She said.
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Am. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng kaniyang ina at ipinatong ito sa kaniyang tyan.
Nabaling ang atensyon ni Julie kina Elmo at Ej na kakapasok pa lamang sa kwarto. Inilapag ni Elmo ang anak sa kama nito at nilapitan ang asawa.
"What happened?"
"Ang taas ng lagnat niya, Hon." Nag-aalalang sambit ni Julie. "Will you please get his meds? Pati yung thermometer. Pakisamahan na rin ng towel and cold water. Please, Honey." Pakiusap niya sa mister.
Elmo nodded his head. Lumabas siya at sinunod si Julie.
"Baby.." tawag ni Julie kay Am. "Anong masakit?"
Umiling lang si Am saka naiyak. Ito ang ayaw niya kapag may sakit ang mga bata. Hindi niya malaman kung ano talaga ang masakit sa mga ito dahil puro iling lang ang isinasagot.
Bumaba sa kama si Ej at nilapitan ang kaniyang ina. "Mommy.. is he okay?"
Julie smiled at him. Niyakap niya sa beywang si Ej. "Yes, Sweetie. Don't worry about Kuya, okay?" She said while fixing his hair. "You should go to sleep."
The kid nodded at his mom. "Goodnight, Mommy. I love you." He kissed his mom.
"I love you, Sweetheart." Ganti niya kay Ej ngunit hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan.
Maya-maya'y pumasok si Elmo dala ang mga gamit na iniutos niya. Inilapag nito ang mga dala sa side table.
"Do you need anything else?"
Iling lang ang isinagot ni Julie. Tinanggal niya ang kumot ni Am at sinimulan itong punasan sa mukha pati na rin sa dibdib.
Natawa siya nang mapansin na seryoso siyang pinapanood ng mag-ama. Nakatayo ang mga ito sa gilid ng kama.
"Time to sleep, Justine."
Parehong napatingin sa kaniya sina Elmo at Ej. Hinawakan ni Elmo ang balikat ng anak. "C'mon, Bud. I'll tuck you in." Akmang aakayin niya na ito papunta sa kama ngunit pumiglas ito.
"Wait, Dad." Minadaling halikan ni Ej si Am sa pisngi. "Goodnight, Kuya. Get well soon."
"G-goodnight, Earl." Am smiled at him.
Napangiti nalang din sina Julie at Elmo. Kahit na halos araw-araw ay nag-aaway ang mga ito ay sweet pa rin sa isa't isa.
"Baby, you need to drink your medicine." Sabi ni Julie.