Chapter Thirty-one

1.5K 55 7
                                    

"What?!" Sabay-sabay na sambit nina Frank, Pia, at Elmo.

Agad na lumapit si Julie sa asawa. "K-kanina pa daw nila hinahanap si Am." Nanginginig na pahayag niya. "Wala daw sa buong bahay, Hon.. Nag-aalala na rin sila Mama. Ang akala nila kasama ko si Am."

Bumangon naman si Elmo at tumayo. Napangiwi siya nang makaramdam ng sakit ng ulo. "Let's find him." Seryosong sambit nito ngunit piniit siya ni Pia.

"Son, hindi ka pa okay. You need to stay here hanggang bukas." Pag-aalala ng ginang.

Umiling naman si Elmo. "No, Ma. Kailangan kong tumulong sa paghahanap kay Miguel. Hindi pwedeng tutunganga lang ako dito.."

"Hon, h-hindi pa naman nacoconfirm nila Mama. Hahanapin pa nila sa village si Am. Baka kasi nagbabike lang or skateboard at hindi lang nakapagpaalam sa kanila. Huwag ka muna masyadong mag-alala." Sambit ni Julie saka hinawakan sa balikat si Elmo. Sa totoo lang ay sobra na ang nerbyos na nararamdaman niya at ayaw niya iyon ipakita kay Elmo.

Hindi naman ugali ni Am ang umalis na hindi man lamang nagpapaalam sa kahit na kanino. Iniisip niya tuloy na baka sa sobrang bigat ng nararamdaman ng panganay nila ay naglayas ito basta-basta.

"Pero Julie, kailangan na nating siguraduhin. I need to get out of this fcking hospital to find my son!" Elmo raised his voice.

Nabigla sina Julie at Pia sa pagsigaw ni Elmo. Namumula na sa galit ang lalaki.

"Bro, calm down. Hindi makakabuti sayo kung aalis ka agad dito." Frank said.

"Lalong hindi makakabuti sa akin kung magi-stay ako dito at hindi ako tutulong sa paghahanap kay Am! Damn! Pano kung.." He paused. Napaisip siya sa sasabihin niya. Huminga siya ng malalim bago harapin si Julie. "P-pano kung naglayas siya? L-lagi nalang niya tayo nakikitang nag-aaway. Baka sobrang sama na ng loob niya satin kaya siya umalis."

Ramdam ni Julie ang pag-aalala ni Elmo. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. Hindi niya akalain na pareho lang pala sila ng iniisip nito. "Hon, tatawag muna tayo kay Mama. Okay? I know.. Alam ko na nagtatampo na satin si Am dahil sa mga nangyayari at pwede niya nga gawin 'yung iniisip natin. Pero kasi Moe, you need to rest. Kami na'ng bahala dito. I'm sure hindi
naman lalayo si Am eh."

"Honey.. I need to help. I want to. Please, let me help you." Pagmamakaawa ni Elmo.

Nagkatinginan naman sina Julie at Pia. Ilang saglit pa ay tumango ang ginang.

"Fine. Kakausapin ko muna ang doktor mo para macheck ka na ngayon. Tatawagan na rin ni Julie si Ivic para malaman kung nawawala talaga si Am at kapag naconfirm iyon, papayag kami na sumama ka."

"Tatawagan ko na rin sina Maqui, Maxx and Saab para malaman nila para matulungan tayo." Singit ni Frank.

Tumango naman ang mag-asawa. Niyakap ni Julie ng mahigpit si Elmo.

"Mahahanap natin siya, Honey." Elmo whispered to her.

~~

"Mommy!"

"Daddy!"

Ang kambal ang sumalubong sa mag-asawa pagdating sa bahay nila Jonathan. Naroon si Marivic kasama si Shin na asawa ni Ian.

Binuhat ni Elmo si Jayanne pagkalapit nito sa kaniya. Si Ej naman ay yumakap kay Julie.

"Daddy, what happened to you?" Pag-aalala ng batang babae. Pinagmasdan kasi nito ang noo ni Elmo na mag bandage pa.

Noong tumawag si Julie sa kaniyang ina noong nasa ospital pa sila ay sinabi nito sa kaniya na hinanap na nila sa buong village si Am ngunit hindi nila ito nakita. Matapos ang pag-uusap nilang mag-ina ay napakiusapan nila ang doktor ng asawa niya na kung pwede ay ngayon na ito madischarge. Pumayag naman kaagad ang doktor ngunit nagtagal pa sila ng halos tatlong oras dahil sa iba pang tests na ginawa sa lalaki.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon