"Mommy, I forgot my school bag.." Sabi ni Am.
Nagdadrive si Julie kasama ang mga anak papunta sa office niya. Nakaupo si Am sa passenger's seat at may hawak na PS Vita. Ang kambal naman ay nasa likod. Busy si Ej kakalaro sa ipad at si Jayanne naman ay busy sa kakalaro sa cellphone ni Julie.
"Huh?" Nilingon niya saglit si Am at muling bumaling sa dinaraanan. "You don't need to bring your school bag, Baby. Bukas na din naman kayo uuwi eh."
"But mommy.. I'm not yet done with my homeworks.." Mahinang sagot nito.
Agad namang nagseryoso ang mukha ni Julie. "Em, I told you to finish all your homeworks last night diba?" Tango lang ang isinagot ng bata. "What did you do last night?"
"Eh mommy.."
"Mom, he played video games after ng dinner.." Singit ni Ej.
Sinulyapan ni Julie si Am na nakayuko sa tabi niya saka napabuntong hininga. "Dapat pala talaga huwag na kayong pumunta kay Tita Maxx." Naiiling na sabi niya.
"Eh kasi mommy, si Tito Kyle. He downloaded a new game dito sa PS Vita ko." Katwiran nito.
Lihim namang natawa si Julie sa sinabi ng anak. "Sinisi mo pa talaga si Tito Kyle ha. Do you want me to confiscate that?"
Napalingon naman si Am kay Julie. "No. Mommy, please.. Promise, tomorrow night, I'll get all my homeworks done."
"'Nak, tomorrow night lang naman talaga ang time mo eh. We'll go to Antipolo bukas."
"Really?!" Sabay-sabay na sambit ng tatlo sa kaniya.
"Haha. Yes po pero mauuna kayo nila Tita Maxx then susunod nalang si Mommy."
"Yey! Mom, pupunta din si Tito Frank tomorrow sa Antipolo?" Tanong ni Ej na halatang excited.
Saglit niyang tiningnan ang anak sa rearview mirror. "Yes, Babe. Why?"
"Yes!" Sigaw nito. "I'll ask him if he could buy me a new RC Car."
"You don't have to ask him, Sweetie. Nagpabili ka na kay Dad diba?"
"Mommy.. Ang tagal pa ni Dad eh.." Angal ni Ej.
Napahinto naman si Jayanne sa paglalaro at nilingon ang kakambal. "Kuya Ej, daddy will be here in fourteen days." Irap nito na ikinatawa ni Julie.
Sungit.
Agad namang napatingin sina Ej at Am sa kapatid na babae.
"How did you know?" Kunot noong tanong ni Ej.
"He called earlier. I got a chance to talk to him but Mommy had to cut it agad." Nakangusong sabi nito.
"Mom, is she telling the truth?" Tanong ni Am sa ina.
"You think I'm lying?" Sagot ni Jayanne sa kuya niya.
"No. It's just that.. It's impossible.." Kibit-balikat na sagot ni Am saka itinuon sa hawak na gadget ang atensyon.
"Aren't you excited, Kuya?" Nag-aalalang tanong ni Julie.
"Marami na namang bawal." Mahinang tugon nito.
Alam naman ni Julie na may tampo ang panganay kay Elmo. Her husband is too strict. Nakakaintindi na kasi si Am nang umalis si Elmo kaya alam nito ang ugali ng daddy niya. Sa tatlong magkakapatid, ito ang pinakaclose kay Elmo but not now. She remembered those nights na iniyakan ni Am ang pag-alis ni Elmo, lagi nitong hinahanap ang daddy niya. Pero nung nagtagal, nagbago na si Am. Hindi na siya tinatanong tungkol kay Elmo at kapag tumatawag si Elmo or skype, laging nagkukulong si Am sa kwarto nila ni Ej.