"Good morning, Ma'am Julie!" Nakangiting bati ng guard pagpasok ni Julie sa lobby ng kanilang kumpanya.
"Good morning." Nakangiting balik niya sa lalaki.
Bumaling siya sa may reception area, nakita niya ang ina na nakaupo sa isa sa mga sofa. Tila may hinihintay si Marivic kaya't naisipan niya itong lapitan.
"Good morning, Ma!" She greeted as she kissed her. Umupo siya sa tabi ni Marivic.
"Good morning, Jules! You ready for your meeting?" Tanong nito sa anak.
"Yeah." Maikling sagot ni Julie. "Sino pong hinihintay mo, Ma?"
"Si Kyle. May naiwan akong documents sa bahay and I need those papers later. Pinahatid ko sa kaniya dito."
"Ahh.." she replied, nodding her head. "Si Papa?"
"He's in Pampanga for a meeting. May bagong client eh. Si Dad mo na ang nakipag-usap."
"Really? Nasa Pampanga rin si Moe, Ma."
"What is he doing there? May project na ba?" Ibinaling ni Marivic ang atensyon sa cellphone.
"Yep." She answered. "Occular lang sila nung partner niya today eh. And then gagawa na ng proposal for that hotel."
Bigla namang napatingin si Marivic kay Julie. "Hotel, 'Nak?"
Julie nodded, hinihintay pa ang susunod na sasabihin ng ina.
"Is it a Thai Hotel? It's our new client. Sa atin kukuha ng supplies ng other furnitures."
"Uh.. I don't know if it's a thai hotel. Wala pa siyang nasasabi sa akin eh."
"Saan ba sa Pampanga?"
"I think it's in Clark-"
"Freeport Zone?" Julie nodded at her mom. "Well.. I guess magkikita si Moe and ang Dad mo ngayon." Pahayag ng ginang. "Sa tingin ko, ibibigay sa'yo ng Daddy mo yung project kapag nandun din si Moe since ikaw ang sales and marketing manager." Naiiling ngunit nakangiting sabi pa ni Marivic.
"Haha. Nako, baka hindi makapagtrabaho ng maayos si Elmo nyan." Julie said.
"Lalong gaganahan kamo." Natatawang sambit ng kaniyang ina. "Anyway, Anak, your Tita Helen texted me. She wanted us to have a lunch with her later. Pumayag na sina Ian and Innah."
Bigla namang nawala ang ngiti ni Julie. "Uhm.." Nag-aalangan siyang tumingin sa ina. "Pwede bang pass muna ako, Ma? Nakapagpromise na kasi ako sa mga bata na ako ang magsusundo sa kanila. Medyo maaga ang uwian nila mamaya eh."
"Bakit? Wala ba si Jun para sumundo?" nagtatakang tanong ni Marivic.
"Nandyan naman si Mang Jun, pero kasi sinumpong na naman yung mga bata." Sumbong ni Julie. "They wanted their dad to pick them up dahil paggising nila, nakaalis na si Elmo. Eh hapon pa yun makakarating, Ma, kaya ako naman yung kinulit." Nakalabi pang sabi niya saka nagbuntong hininga.
Tinopak na naman ang mga anak niya kaninang umaga. Pinupush talaga na si Elmo ang magsundo sa kanila. Paano ba naman kasi aayaw ang mga bata kay Elmo kung palaging dumadaan ang mga ito sa mall pagkatapos ng klase?
"Jules, tomorrow morning na ang flight ng Tita Helen mo papuntang Singapore. Tawagan mo nalang si Jun at ipasundo mo yung mga bata. Sabihin mo, dumiretso nalang dito sa office. Okay?"
Wala nang nagawa pa si Julie kundi ang tumango at sumang-ayon sa sinabi ng kaniyang ina.
Bahala na. Sambit niya sa sarili.
~~
"So.. what do you think?" Tanong ni Stephanie kay Elmo.
Kakatapos lang nilang libutin ang isang lumang gusali. Nakausap na din nila ang ilang construction worker na maggigiba maya-maya lamang ng building na iyon. 'Yong lugar na iyon ang pagtatayuan ng hotel na kanilang gagawan ng proposal.