Sakto ang dating ni Julie sa eskuwelahan ng mga anak. Naghalfday lang siya sa opisina dahil ngayong araw ang dating ni Elmo.
Ipinarada niya sa gilid ng kalsada ang montero sport na minamaneho at sinalubong ang mga anak na kasalukuyang palabas na ng gate.
"M-mommy?!" Gulat na sambit ng dalawang batang lalaki nang makita ang ina na papalapit sa kanila.
"Mommy, you're here!" Sabi naman ni Jayanne. Iniwan nito ang trolley bag kasama ang lunchbox at tumakbo papunta kay Julie.
"Surprise!" Masayang sambit ni Julie. Kinarga niya si Jayanne at pinaulanan ng halik sa mukha.
Hindi alam ng mga bata na siya ang susundo sa mga ito ngayon. Madalas kasi na si Mang Jun, ang driver nila, ang nagsusundo dahil buong araw ang pasok niya sa opisina.
"Mommy, why are you here?" Takang tanong ni Am. Hila niya ang sariling bag pati ang bag ni Jayanne.
Nakasunod naman sa panganay si Ej. "Mom, don't you have work today?"
Napalabi naman si Julie. Nagkunwari siyang nagtatampo. "Bakit parang ayaw niyo na si Mommy ang magsundo sa inyo?"
"Of course not!" Sabay ulit na sambit nina Ej at Am. Pareho pang umiiling ang dalawang bata.
"We're just uh.. Surpised." Kibit-balikat na sabi ni Am.
"Now, where are we going?" Tanong ni Jayanne. Karga pa rin ito ng kaniyang ina.
"We're going home."
"What?!" Sambit ng tatlong bata.
"Haha. Why? C'mon. Mommy's tired." Biro niya sa mga ito.
Hindi alam ng tatlong bata na ngayon ang uwi ng daddy nila.
Nauna siya papunta sa sasakyan. Binuksan ni Julie ang pinto sa backseat at isinakay si Jayanne. Isinuot niya ang seatbelt sa bata. Napansin niya na nakanguso at nakahalukipkip ito. Lumingon siya sa dalawa pang anak na parehong malungkot ang itsura habang hinihila ang mga bag na dala.
Natatawa siya sa reaksyon ng mga anak. Alam niyang umaasa ang mga ito na may pupuntahan sila ngayong araw. Nakasanayan na kasi ng mga bata na kapag si Julie ang susundo sa kanila ay automatic na, na aalis silang mag-iina.
Hinintay niyang makalapit ang mga ito sa kaniya. She kissed their foreheads. Sumakay si Am sa unahan at si Ej sa tabi ni Jayanne. Kinuha niya ang bag ng mga ito at inilagay sa hulihang bahagi ng sasakyan.
~~
"Is that Daddy?" Nakakunot-noong tanong ni Am pagbaba ng kotse.
Nasa NAIA sila ngunit hindi pa rin sinasabi ni Julie ang tungkol sa pagdating ni Elmo.
Napalingon naman siya sa tinuturo ng anak. Nagulat siya nang makita ang mister na nasa labas ng arrivals area. Nakahawak ito sa cart at panay ang tingin sa relo.
Mahina siyang natawa at nailing dahil naisahan siya ni Elmo. Ang sabi ng asawa ay 3pm pa ang lapag ng eroplano na sasakyan nito pero mag-aalas dos pa lang.
"Daddyy!" Sigaw ng kambal. Tumakbo ang mga ito papunta kay Elmo.
Napalingon si Elmo sa dalawang bata na sumigaw. Agad siyang napangiti nang makita ang mga ito na halatang sabik sa kaniya. Bumitaw siya sa cart at sinalubong ang kambal.
"Babies!" He said as he carried them.
Hinalikan niya ang mga ito at pinanggigilan."Daddy, we miss you!" Sambit ni Jayanne. Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ama sa leeg.