"My wife wants to meet Marcus." Diretsong pahayag ni Elmo kay Stephanie.
Kararating niya lang sa firm kung saan siya nagtatrabaho at sakto namang nakasabay niya sa elevator ang dalaga.
"W-what?" Gulat na sambit ng babar na ngayon ay nakalingon na kay Elmo.
"I said, Julie wants to meet your.. I mean, our son.." Sambit ulit ni Elmo na diretso lang ang tingin.
"Sa tingin mo ba papayag ako?" Stephanie raised her voice.
"And why would you not?" Pagtataka ni Elmo. "Marcus is my son at gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko. Sa asawa ko at sa mga kapatid niya. Masama ba?"
"Elmo, look.. Natatakot ako. Okay? Hindi ko alam kung ano pwedeng gawin ng asawa mo sa anak--"
"Teka, teka." Pigil ni Elmo. Sakto namang tumigil na ang elevator sa floor kung nasaan ang opisina niya. "Follow me." Tuluy-tuloy lang siyang naglakad papunta sa opisina. Pinakikiramdaman niya rin si Stephanie na nakasunod sa kaniya. Pagpasok nila ay agad niyang isinara ang pinto. "Sa tingin mo ba sasaktan ng asawa ko si Marcus?"
"Aba malay ko!" Stephanie reacted.
"My wife loves kids, Stephanie. Mahal na mahal niya ang mga anak namin. Ni hindi niya nga magawang saktan 'yung mga bata eh." Kalmadong paliwanag ng lalaki.
"'Yun na nga eh!" She blurted out. "Anak niyo, Elmo! Eh paano kung nag-away 'yung mga bata? Lalo na 'yung classmate ni Marcus? Sino kakampihan ni Julie? Syempre 'yung mga anak niyo! Ayaw kong maging kawawa ang anak ko, Elmo!"
Nagpantig naman ang tainga ni Elmo sa narinig. "Ayaw mong maging kawawa?!" Galit na tanong niya. "Ayaw mong maging kawawa pero inilayo mo siya sa akin! Kung sinabi mo lang sana noon pa, edi may kinikilala na siyang pamilya ngayon!"
Napangisi naman si Stephanie saka nailing. "Bakit? Kung sinabi ko ba sayo noong pinagbubuntis ko palang siya, iiwan mo si Julie Anne? Elmo, nalaman ko ang tungkol kay Marcus noong buntis na rin ang asawa mo. Pipili ka ba ha? Pipiliin mo ba ako?"
Nilapitan ni Elmo ang babae at hinawakan ang magkabilang braso nito. His jaw clenched. "You wanna know the truth? Of course not! Bakit ko pipiliin ang babaeng iniwan ako before our wedding?!" Hinigpitan niya pa ang paghawak sa braso ni Steph. "I am happy with my family, Steph, at hinding hindi ako magsasawa kahit pa araw-arawin kong sabihin sa iyo na masaya ako ngayon. You've made a decision on your own at ang malas ng anak natin dahil siya ang nagmumukhang kawawa ngayon."
Bigla na lamang tumulo ang mga luha ni Stephanie. Nasasaktan siya sa mga binibitawang salita ni Elmo.
"Let me introduce him to my family and I assure you na hindi mangyayari kay Marcus ang mga iniisip mong gagawin ng asawa ko sa kanya." Unti-unti niyang binitawan si Stephanie. "Now, you can get out of my office. Ako na ang magsusundo kay Marcus at sa bahay na rin siya magdidinner. Ihahatid nalang namin siya sa bahay mo." Malumanay niyang sambit. Tinalikuran niya si Stephanie saka pumwesto sa office table niya para simulan ang trabaho.
"Let me talk to my son first bago mo siya iuwi sa bahay mo. Hindi pwedeng ipakilala mo siya agad nang hindi niya pa naiintindihan--"
"Leave it to me, Stephanie. I can handle it." Tipid na sagot ni Elmo.
"I am his mom--"
"And I am his father. Kung may itatanong or ibibilin ka pa, sabihin mo na. I have a lot of things to do." Hinintay niyang magsalita si Stephanie ngunit ilang segundo na ag nakalipas ay hindi pa rin niya naririnig ang boses nito. "Get out." Striktong utos niya. Narinig niya pa itong nagbuntong hininga sa naglakad paglabas ng opisina niya.