"You have to prepare the best proposal.." Bilin ni Arch. Enriquez. Nakaupo sa harap ng mesa ng matandang arkitekto sina Elmo at Stephanie na parehong tahimik na nakikinig. Kakatapos lang nitong ipaliwanag ang magiging bagong project ng dalawa. "..make sure na magugustuhan iyon ni Mr. Chua para makuha natin yung project."
Both of them nodded.
"Wala naman sigurong magiging problema kung kayo ang ipinagpartner ko diba?"
Nagkatinginan ang dalawa.
Huminga ng malalim si Elmo saka naunang sumagot. "Wala pong problema sa akin, Arch."
Tiningnan naman ng matanda ang babae. "Steph?"
"Wala pong problema, Tito." Sabay ngiti.
Arch. Enriquez knows her very much. Saksi siya sa pagmamahalan nito at ni Elmo dati. Doon na din kasi nagtrabaho sa firm niya ang dalaga dati. Alam niya ang pinagdaanan ni Elmo noong iwan ito ni Stephanie. Naawa siya sa inaanak ngunit laking tuwa niya nang mahanap ni Elmo si Julie.
Ayaw niya man pagsamahin ang dalawa ngunit wala siyang magagawa. Noong bago pa umuwi si Elmo sa pinas ay nagpunta sa kaniya si Stephanie at nakiusap kung pwede ulit sa firm niya magtrabaho. Hindi niya naman ito matanggihan dahil na rin sa kulang siya sa arkitekto kaya't tinanggap niya na ito.
"So.. On monday, I want both of you na pumunta sa Clark for an occular. After that, pwede na kayong gumawa ng proposal. You have two weeks for that. Understand?"
"Yes, Sir."
Matapos ang meeting ay nag-usap pa saglit ang matanda at si Stephanie. Si Elmo naman ay naghintay sa labas ng opisina para solong kausapin si Mr. Enriquez.
He startled when he heard his phone rang. Agad niya itong kinuha sa bulsa at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag.
Wifey calling..
"Hi, Honey!" Sambit niya pagkasagot ng tawag.
"Hi, Hon." Bati ng asawa. "I have a favor."
"Hmm.. What is it?" He went close to the window. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks.
"Pwede ka bang bumili saglit ng dessert for dinner? Kuya Ian and his fam will be here later, namimiss na daw yung mga bata."
"Alright. Anong dessert ba?"
"Yung mapait."
Natawa naman siya sa pagsusungit ni Julie. "Hon, be specific."
"Hay nako, Elmo. Ice cream and cake will do."
"Okay. Huwag na magsungit. Smile, Honey."
"Hindi ako nagsusungit and I am smiling."
"Haha. Convince me, My Love. C'mon. Smile." He heard her chuckled.
"Fine. Anyway, how's your meeting?"
Napahinto saglit ang lalaki. Paano niya nga ba maikukwento kay Julie ang tungkol sa project nila? "Uhm.. I.. I'll tell it to you later, Hon. Kakausapin ko lang muna saglit si Ninong then pupunta na akong mall."
"Alright. Ikumusta mo ko sa kaniya ha. Take care, Honey."
"I will. I love you."
"I love you too."
Matapos ang tawag ay saktong lumabas mula sa opisina ang matandang arkitekto kasama si Stephanie. Kapwa nakangiti ang dalawa habang naglalakad at nag-uusap.
"Si Arch. Magalona na ang bahala sa iyo sa monday. Just get his phone number at kayo na lang ang mag-usap. I trust both of you." Rinig ni Elmo na pahayag ni Arch. Enriquez.