Naalimpungatan si Elmo nang maramdaman na bumangon si Julie na nasa tabi niya. Hindi muna siya umimik at hinayaan lang ang misis. Alam niyang hindi maganda ang pakiramdam ni Julie mula pa kahapon nang makauwi sila mula sa mall.
Gusto niyang sitahin si Julie dahil alas-tres na ng madaling araw at hindi pa rin ito natutulog. Palihim niyang pinagmamasdan ang mga galaw ni Julie. Dahan-dahan itong tumayo at walang ingay na nagtungo sa veranda ng kanilang kwarto.
Napabuntong hininga siya nang maalala ang pagkikita nila ng pamilya ng kaniyang misis kahapon.
Flashback..
"Ganyan na po ba talaga kalaki ang galit ninyo sa akin?" Tanong ni Elmo habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Julie. Napunta sa kaniya ang atensyon ng buong pamilya maging ng kaniyang mga anak.
"Honey, stop.." pakiusap na bulong ni Julie.
Hindi naman pinakinggan ni Elmo ang asawa. "Mawalang galang na po. Hinding hindi ko hahayaan na bumalik si Julie sa kumpanya ninyo. Pa, nangako ako sa'yo at kay Mama nang maipanganak ni Julie si Am. Diba sabi ko, paninindigan ko ang pamilya ko? Sabi ko gagawin ko ang lahat huwag lang sila mahirapan. Ngayon, kung mahihirapan si Julie para lang makabalik sa inyo, huwag nalang po. Kaya ko silang buhayin. Kaya ko silang buhayin nang hindi humihingi ng tulong mula sa inyo." Matigas na sambit ni Elmo. "Let's go, Kids." Yaya niya sa mga anak.
Tahimik na lumapit ang tatlo sa mga magulang nila na para bang alam na may alitan ang mga ito pati na ang lolo nila.
Tumalikod na sina Julie at Elmo saka nagsimulang humakbang palabas ng nasabing restaurant. Ni hindi na nila pa hinintay na magsalita ang mga magulang ni Julie.
"Mommy, Dad, is everything okay?" Am asked worriedly.
Magkahawak kamay pa rin ang mag-asawa samantalang si Am ay nakahawak sa braso ni Elmo. Hawak ni Julie sj Jayanne at nakahiwalay sa kanila si Ej na tahimik na naglalakad papasok ng toy store.
"Everything's fine, Buddy, but kailangan na natin maglunch after natin bumili ng toys. After ng lunch, uuwi na tayo coz mommy needs to rest. Bawal siya mapagod diba?" Elmo smiled at his son.
Parehong tahimik ang mag-asawa. Wala ni isa sa kanila ang nagtatanong ng kung ano tungkol sa nangyari.
Matapos mamili ng mga laruan ay nagpunta sila sa isang restaurant saka nananghalian. Hindi na sila nagstay ng matagal pa sa mall dahil nagrason na si Julie na hindi maganda ang kaniyang pakiramdam.
Alam naman ni Elmo na hindi lang ang pagbubuntis ni Julie ang dahilan kung bakit sumama ang pakiramdam nito ngayon. Dahil rin iyon sa nangyari sa pagitan nila at ng mga magulang nito.
End of flashback..
Bumangon si Elmo mula sa kama saka dahan-dahang nilapitan ang asawa. Marahan niyang ipinulupot ang kaniyang mga braso sa baywang ni Julie na ikinagulat naman nito. "Why are you still awake? That's bad for you and for our baby. Mukhang marami ka nang nakalimutang rules ng pregnancy ah. Dapat pala every two years tayong magkaanak para wala kang makalimutan." Biro niya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Julie saka pa siya kinurot nito sa braso.
"Puro ka biro." Humihikbing sambit ni Julie.
"See. tapos umiiyak ka pa. What's bothering you?" He asked. Hinalikan niya sa leeg ang misis at hindi niya na inalis pa ang mukha niya roon.
Huminga ng malalim si Julie saka nagsalita. "T-tama ba yung ginawa natin?"
Alam ni Elmo kung ano ang tinutukoy ni Julie. "Hon.. I'm gonna ask you one question. Tama ba ang ginawa ni Papa?" Balik ni Elmo.
Hindi naman naimik si Julie. Hinawakan lang nito ng mahigpit ang magkabilang kamay ng asawa.