"Hon.."
"Hmm?"
"Uh.. Narinig mo naman siguro 'yung sinabi ko kay Elle kanina diba? I'll be gone for three days. Magpupunta ako sa Pampanga--" hindi na naituloy pa ni Elmo ang sasabihin niya dahil pinigilan na siya ni Julie.
"Y-yeah. Kailangan bang three days talaga?"
Nakahiga pa rin sila sa kama habang ang mga anak nila ay sa sahig pa rin nakaupo. Matapos ang masinsinan nilang pag-uusap kanina ay pinili nilang manatili sa loob ng kwarto at samahan ang mga anak nila sa panunood.
Elmo nodded. "M-mabilis lang naman 'yun eh. Uhm.. May kailangan lang talaga akong asikasuhin sa site bago ituloy 'yung paggawa sa building." Paliwanag nito.
"So.. Friday ang alis mo? What time?"
"3pm on Friday, Hon.."
"Eh saan ka tutuloy niyan?" Pagtataka ni Julie.
Iniayos naman ni Elmo ang pagkakaunan ni Julie sa braso niya. "N-nagpabook na ko sa isang hotel malapit sa site. Siguro by sunday afternoon, nandito na ko." He kissed her hair. "I'll miss you." Lambing niya sa misis.
Tiningnan naman ni Julie sa mga mata si Elmo saka ngumiti rito. "I'll miss you too, Honey." Saka hinigpitan ang yakap sa asawa.
"Kung pwede lang huwag na kong umalis eh." Elmo laughed softly. "Always remember, Hon.. I'm doing this for our family.."
Kita naman ni Julie na sincere ang asawa niya ngunit nagtataka siya kung bakit bigla na lamang nasabi ito sa kaniya ni Elmo. "May problema ba?" She asked as she caressed his right cheek.
Elmo shook his head and held her hand. "Wala. Mamimiss kasi kita." Pinagmasdan mabuti ni Elmo ang mukha ni Julie. Hindi kasi siya makapaniwala na pinapansin na siya nito ngayon. Hindi siya makapaniwala na sobrang swerte niya dahil may Julie siya na handang samahan siya sa lahat ng bagay. May mga pagkakamali siyang nagagawa pero para bang napakadali para kay Julie ang patawarin siya.
Hindi ka pwedeng sumablay ngayon, Elmo. Isip niya.
"Mommy, I'm hungry."
Parehong napatingin ng mag-asawa kay Ej.
"Me too, Mommy." Dagdag ni Jayanne na nakapout pa.
Nagkatinginan naman sina Julie at Elmo at sabay na natawa.
"Let's go downstairs." Yaya ni Julie. "Baka ready na 'yung dinner."
"Teka. Kaya mo na ba? Pwede naman na dito ka nalang magdinner. Ihahatid ko nalang dito 'yung pagkain--"
"Hon, kaya ko. Okay?"
"But Mommy.. Daddy's right." Sabat ng bunsong lalaki.
*toktok
Napatingin silang lahat sa pinto. Bumukas ito at sumilip si Yaya Virgie.
"Ma'am, Sir, nakahanda na po ang hapunan." Pahayag ng matanda.
"Yay!" Sabay na sambit ng kambal. Nag-unahan pa ito palabas ng kwarto.
"Twins! Don't run!" Saway ni Elmo ngunit huli na dahil nakalabas na ang kambal niya.
"Let's go, Mommy." Yaya ni Am sa mommy niya.
Muli na namang nagkatinginan ang mag-asawa.
Mukhang alam na ni Julie ang gustong mangyari ni Elmo. Tumango siya sa asawa saka nilapitan ang panganay. "Babe, Daddy wants to talk to you."
"Mommy, I'm hungry." Pag-iiba ni Am ng usapan.
"Miguel. It won't take long. Saglit lang naman kayo mag-uusap eh." Iyon lang ang sinabi ni Julie sa anak saka niya ito tinalikuran. Sinenyasan niya na rin si Elmo na lapitan na ang panganay nila. Nang tumango na sa kaniya si Elmo ay napagdesisyonan niya nang lumabas ng kwarto para bigyan ng sapat na oras ang mag-ama.