WARNING: Malabo. Magulo. Parang ewan. Basta magulo.
~~
"Daddy, can we buy this one? He's really cute." Sambit ni Jayanne.
Kagaya ng pangako ni Elmo sa mga anak, nandito sila sa isang petshop ngayon at bibili ng magiging alagang aso ng mga anak niya.
Sinuri niya ang chow chow na tinuturo ng anak. "You sure? You really want him?"
Jayanne nodded. "Yes, Dad. Please." Pagpapacute pa nito saka yumakap kay Elmo.
"Hmm.. Boys, what do you want?"
"I want a husky, Dad." Ej said. "I want this one." Turo naman nito sa isang siberian.
"Miguel?"
"I don't want a pet. I wanna go to our fieldtrip." Nakabusangot na sambit nito.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa.
"Babe, we've already discussed this right?" Julie asked.
Hindi na nila pinasama pa ang mga bata sa field trip. Sa totoo lang, si Elmo talaga ang may ayaw dahil nga daw bibili sila ngayon ng aso.
Dahilan lang iyon ni Elmo. Nagdesisyon siyang huwag nalang pasamahin ang mga bata sa school activity para na rin makaiwas kay Stephanie. Baka mag-away pa ulit silang mag-asawa kapag dumikit sa kaniya sina Marcus at magkaroon na naman ng sama ng loob ang mga anak niya sa kaniya.
Lahat ng mga bata ay nadismaya sa desisyon ni Elmo, pati na rin si Julie. Sobrang excited kasi ang mga ito lalo ang kambal. Pero mas excited sila sa pagbili ng pinangako ng daddy nila. Si Am lang ang hindi.
"Eh Mommy kasi.."
"Promise, we'll go out of town next weekend." She held his face. "Right, Daddy?" Sabay tingin kay Elmo.
"Of course. Babawi nga kami sa inyo ni Mommy eh."
"Promise?"
"Opo. Promise." Julie and Elmo said.
"So, what do you want?"
"Husky, Dad." Sumigla na ang aura nito.
"We'll get the two. Okay? Husky and chow chow. But please, Kids, walang mag-aaway." Paalala niya. "Be responsible ha?"
Sunud-sunod na tango ang ginawa ng magkakapatid habang nakangiti.
After they purchased those puppies at iba pang mga gamit ng mga ito, dumiretso na sila sa bahay.
They named their pets "Ruskin" and "Jill".
Habang nagmamaneho si Elmo ay tunog ng tunog ang cellphone niya. Sinilip niya ito at nakitang si Stephanie ang tumatawag. He ignored the call. Ayaw niya nang makipag-usap pa sa babaeng iyon maliban nalang kunt tungkol sa hinahawakan nilang project ang pag-uusapan.
"Aren't you gonna answer the call? Baka importante, Honey." Julie said.
He took a quick glance at her. "Uh.. It's not that important, Hon. Pwede ko naman kausapin mamaya. Saka si Andrew lang 'yon. He's an architech din sa firm."
Tumango nalang si Julie saka nito itinuon ang atensyon sa mga anak na panay ang kwento sa bawat kilos ng mga alaga nila.
Maya-maya pa ay nakareceive ng text si Elmo from Steph.
"You should've said na hindi ka makakapunta. Marcus is mad at you. Hindi ba pwedeng malaan ka man lang ng kahit kalahating oras para makasama ang anak NATIN?"
"Fvck." He said to himself. Paano niya ba magagawa iyon? Paano niya magagawa without his wife's knowlegde? Ayaw niya maglihim kay Julie pero ayaw niya rin ipaalam dito ang totoo.