Chapter Twenty-nine

1.3K 55 19
                                    

Walang imik na pumasok si Julie sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Agad na hinanap ng paningin niya ang mga anak. Ang kambal lamang ang naroon kasama ang mga magulang niya pati na si Kyle. Wala roon si Am at hindi niya alam kung saan ito nagpunta matapos masaksihan ang pag-uusap nila ni Elmo.

"Where's Am, Ma?" Tanong niya sa ina.

"He followed you po, Mommy." Jayanne butted in. Tumigil ito sa pagkain. "Can I talk to Daddy na po?"

"Mommy, ako rin po." Singit naman ni Ej.

Salitan niya namang sinulyapan ang mga magulang at nagkibit-balikat lang si Marivic samantalang seryoso ang aura ni Jonathan.

"Finish your food first." Utos ng ama niya sa mga bata.

"Yes!" Masayang tugon ni Ej habang ang kakambal naman nito ay sumimangot lamang at nahalata iyon ni Julie. Saka niya naalala na marahil ay nagdaramdam ito sa ginawa ni Jonathan.

Lumapit siya kay Jayanne. "How are you feeling, Baby?" She asked, softly.

"Mommy, are you and Daddy fighting?" The little girl asked, her lips are trembling.

Hindi naman agad nakaimik si Julie.

"M-mommy.. Please stop fighting.."

"I said finish your food, Jayanne!" Sigaw ni Jonathan saka pa nahampas ang mesa.

Ang lahat naman ay nagulat. Tuluyan nang naiyak si Jayanne at ang kambal naman nito ay nakaramdam rin ng takot sa lolo.

"Pa, you don't have to shout.." Mahinahong saway ni Marivic sa asawa.

"Eh sinabi nga kasing kumain muna!" Sagot ng matandang lalaki. "Napakatigas ng ulo ng batang yan!"

Umiiyak namang bumaba sa inuupuan si Jayanne saka nagpakarga kay Julie.

"Pa, sorry.. Ako na pong bahala." Pagpapaumanhin ni Julie. Binalingan naman niya ang anak na babae. "Shh.. Stop crying, Baby.." Pag-aalo niya. Hindi niya naman masisi ang tatay niya kung bakit nito nasigawan si Jayanne. Mainit kasi ang ulo nito dahil kay Elmo. Nadamay lang ang anak niya.

Hindi sanay ang mga anak niya na sinisigawan. Hindi naman kasi sila ganoon ni Elmo. Bihira lang nilang mapagalitan ang mga bata.

"M-mommy.. Let's go to Daddy.. Let's go home." Jayanne cried.

Matapos marinig iyon ni Jonathan ay bumuntong hininga siya saka tumayo at lumabas ng dining room.

"Ellery, tahan na.." Sambit ni Marivic.

"Mommy, why is he mad?" Takot na tanong ni Ej kay Julie.

"Twins, pagod lang si Papa Jonathan kaya niya kayo napagalitan. Don't mind him. Okay? Let's just say sorry later kapag okay na siya." Paliwanag ni Julie sa mga anak.

"Let's go to Daddy na po.." Yaya ni Jayanne na humihikbi.

"Baby, ubusin mo muna 'yung dinner mo para hindi na magalit si Papa ha? Don't worry, makakausap mo naman si Daddy eh." Pangungumbinsi niya.

"Ayaw.." Tanggi ng bata.

Nagkatinginan naman sina Marivic at Julie. Maya-maya pa ay tumango na ang ginang.

"Sige na. Let's go. Huwag ka nang umiyak ha?"

Agad na tumango naman si Jayanne at pinunasan ang mga luha. Tumayo na rin si Ej saka sila lumabas ng bahay.

~~

Naupo si Elmo sa sidewalk malapit sa gate ng bahay ng kaniyang mga biyenan. Balak niyang manaliti lang roon at hindi uuwi gaya ng sinabi niya kay Julie. Ano pa bang daratnan niya sa bahay kung uuwi siya? Wala. Wala roon ang pamilya niya.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon