Chapter Twenty-four

1.2K 56 14
                                    

AN: Sorryyyy...

~~

Dahan-dahang iminulat ni Julie ang mga mata niya. She's still not feeling well. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya at nahihilo siya. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto nila ni Elmo. Walang tao roon maliban sa kaniya. Napatingin siya sa alarm clock na nasa bedside table at nabigla nang makitang alas-nueve na ng umaga.

Dali-dali siyang bumangon at mabilis na naglakad palabas. Sakto namang nakasalubong niya si Elmo na may dalang tray na puno ng pagkain.

"Hon! Bakit bumangon ka na? Hindi ka pa--"

"'Yung mga bata?" Kunot-noong tanong niya.

"Kanina pa pumasok. Let's go inside our room."

She sighed. "Sinong nag-asikaso?"

"S-si Yaya Virgie. Ako 'yung naghatid." Sagot ni Elmo. "Let's go, Hon." Pumasok ito sa kwarto at inilapag ang tray sa kama ngunit nagtaka agad nang hindi man lamang sumunod si Julie. Pagtingin niya sa pinto ay naroon ang asawa niya na nakatingin lang sa kaniya. "Honey?" Nilapitan niya si Julie at inakay papasok.

"You don't have to do this." Sambit ni Julie saka inalis ang mga braso ni Elmo na nakaalalay sa kaniya.

Nagulat naman si Elmo sa narinig. Ang akala niya ay okay na sila dahil nagpaliwanag na siya kagabi at nag-agree sa na sa kaniya si Julie.

"Honey.. What.. What do you mean? I thought--"

"Sige na, Moe. You don't have to take care of me. May pasok ka pa at baka hinihintay ka na ng partner mo." Pagtataboy ni Julie Anne. Iginilid nito ang tray saka muling humiga patalikod kay Elmo.

"Julie, I'll stay with you." Pagmamatigas ni Elmo.

"Elmo, kaya ko naman ang sarili ko eh. You can go."

"Hindi mo ako pwedeng ipagtabuyan nalang bigla, Julie Anne. I am your husband." Pinipigilan ni Elmo na huwag tumaas ang boses niya. Pinipilit niyang huwag mainis sa pagmamatigas ni Julie. Kasalanan niya eh, at alam niya iyon. Pinipilit niya na ngang alisin na sa isipan niya si Marcus kahit na tawag pa ng tawag si Steph sa kaniya.

Noong hinatid niya ang mga bata kanina, ingat na ingat siya dahil baka matyempuhan pa siya ng mag-ina. Buti na lamang ay hindi siya naabutan ng mga ito lalo na ngayon na bad shot pa siya sa panganay niya. Hindi siya nito pinapansin kahit pa kinakausap niya ito.

"I know, Elmo. Hindi ko naman nakakalimutan. I just want to be alone. So please.. Pumasok ka na--"

"Gusto mo talaga akong umalis? Fine. Ikaw ang masusunod. Susundin kita." Naiiling na sambit ni Elmo saka dumiretso sa cr.

Ipinikit na lamang ni Julie ang kaniyang mga mata. Wala naman siyang ibang gagawin ngayon kundi ang matulog at magpahinga. Hinahanap hanap rin ng katawan niya ang pagtulog. Marahil ay nasobrahan siya sa kakatrabaho at sakit na ang naidulot noon sa kaniya.

~~

Nagising si Julie nang may maramdaman siyang humahaplos ng pisngi niya.

"Elmo, sabi ko layuan mo muna ak--"

"Si Elmo ba ang dahilan kung bakit ka may sakit ngayon?"

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ng kuya niya. Bigla siyang napabangon. "K-kuya.."

"How are you?" Tanong ni Ian.

Malungkot na ngumiti si Julie kay Ian saka yumakap dito. "I'm not okay." Pag-amin niya.

"I know." Sambit ni Ian saka yumakap pabalik sa kapatid. "Hindi kayo okay ni Elmo?"

Julie nodded her head.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon