Chapter Ten

2.5K 55 3
                                    

Today is friday. Kasalukuyang nasa San Jose Trading Co., Inc. si Elmo. Ito ang pangalan ng kumpanya ng mga magulang ng kaniyang asawa.

Balak nila ni Julie na maggrocery ngayong tanghali dahil kinabukasan ay fieldtrip na ng kambal.

Diretso siya sa opisina ni Jonathan upang saglit na makakwentuhan ito bago sunduin si Julie.

"Hi, Pa!" He greeted his father-in-law.

"Oh, Moe!" Napatayo naman si Jonathan upang salungin si Elmo. He gave him a manly hug. "Napadaan ka?"

"I'm here para po sunduin ang pinakamaganda mong anak, Pa." Sambit niya saka sinundan ng mahinang tawa.

Naupo siya sa sofa samantalang si Jonathan ay bumalik sa kaniyang mesa.

"Haha. Parang ganyan yung mga litanya mo no'ng nanliligaw ka palang sa anak ko ha." Biro ng CEO.

Napakamot naman ng ulo si Elmo. "Hanggang ngayon naman po, nililigawan ko pa rin eh."

"Yan ang gusto ko. Kaya botong boto ako sayo eh." Natatawang sambit ni Jonathan. "Anyway, may lakad ba kayo?"

"Uh.. Susunduin po namin yung kambal then maggogrocery for their fieldtrip tomorrow."

"Eh si Miguel?" Nagtatakang tanong ng matanda.

"Two o'clock pa po ang labas eh. Magrereview daw with his teacher for quizbee and next week pa yung fieldtrip nila."

"Sino maiiwan sa bata bukas?"

"Kinausap na po ni Julie si Kyle."

"Ahh." Tumango-tango si Jonathan. "Oo nga pala, magkaayos na ba kayo ng panganay mo?"

Lumipat si Elmo sa swivel chair na nasa harap ng mesa ng biyenan. "Yes, Pa. We're okay." Nakangiting sambit niya.

"Good. Akala ko lalala pa yang tampo ni Miguel sayo eh. Sobrang matampuhin ng batang 'yon. Manang-mana sa mommy niya." Saka ito napangisi.

Saglit pa silang nagkwentuhan saka napagpasyahan ni Elmo na sunduin si Julie.

Habang naglalakad sa hallway ng ikatlong palapag ng gusali ay palinga-linga siya. Nagbabaka-sakali na makita ang lalaki na kasama ni Julie dati. Nasapit niya na ang opisina ng asawa ngunit hindi niya nasumpungan si Sam.

Pagpasok niya ay nakita niyang nagliligpit ng personal na gamit ang misis.

"Hi, Honey!"

Napaangat ng tingin si Julie. "Hi, Hon!" Ngiti ni Julie sa asawa. She went close to him saka ito hinalikan.

"Let's go?" Tanong ni Elmo.

Napatingin naman si Julie sa wristwatch. Saktong alas dose na ng tanghali. "Tara. I'm sure, nasa waiting area na yung kambal. Baka magreklamo na pagdating natin. Haha."

"Yea. Napakamainipin. Mana sayo."

"Sa akin na naman?" Irap ni Julie.
"Sino kaya sa atin?"

"Haha. Sige na nga, Hon. Sa akin na nagmana." Pagsuko ni Elmo.

After fifteen minutes ay narating nila ang eskwelahan ng mga bata. Hindi naman kasi traffic at hindi rin ito gaanong malayo sa opisina ni Julie.

Habang ipinaparada pa lang ni Elmo ang sasakyan ay tiningnan na agad ni Julie ang waiting area ng paaralan. Tanaw niya ang kambal na tahimik na nakaupo. Napangiti siya nang madako ang tingin ni Jayanne sa kanilang sasakyan. Agad na sumigla ang mukha ng bata. Kinalabit pa nito ang kakambal at itinuro silang mag-asawa.

Hindi na siya pinababa ni Elmo. Ito na ang sumundo sa dalawa. Patakbong lumapit at kambal sa daddy nila. Elmo carried them both. Matapos iyon ay agad na sumakay si Ej sa backseat ng sasakyan.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon