Chapter One

2.7K 53 2
                                    

"Why did you break my toy?!" Rinig ni Julie na sigaw ng bunsong lalaki nila ni Elmo.

"I did not!" Ganti naman ng panganay.

"You did! I saw you!"

"Ang kulit mo! Sinabi na ngang hindi ako eh!"

Pinagmamasdan lang ni Julie ang dalawa na nag-aaway. Tila hindi napansin ng mga bata na pinanonood na pala ng ina nila kanilang bangayan.

"Isusumbong kita kay Mommy!"

"Edi magsumbong ka!"

"Ehem!" Parinig ni Julie. Nakasandal siya sa gilid ng pinto at nakasuot ng robe.

Gulat na napatingin sa kaniya ang dalawang bata.

"M-mommy.." Bulong ni Earl Justine.

Si Earl Justine ang bunsong lalaking anak nila, he's five years old. Sa tatlong anak nila, si Ej ang pinakamalambing at kamukhang kamukha nito si Elmo. Kuhang kuha nito ang mga mata ng ama, ilong, pati na rin ang mga labi. Mahilig ito sa RC Cars.

"What's the problem, boys?" Tanong ni Julie na nakahalukipkip.

"Si Ej, Mommy." Sumbong ni Aldrei Miguel.

He's seven years old at siya ang panganay. Sa magkakapatid, si AM/Em ang pinakapasaway at pinakamainitin ang ulo. He looks like Julie so much. Sabi nga ng iba, boy version daw ni Julie si Am.

"Mommy, si Kuya po." Sumbong din ni Ej. "He broke my toy oh." Ipinakita niya sa ina ang maliit na RC Car na medyo may sira na.

Lumapit si Am kay Julie. "Mommy, hindi ko po sinira. Nakakalat po sa room yung RC Car niya tapos natapakan ko. Muntik na akong madulas." Sabay yakap sa bewang ni Julie.

Hindi naman nagpatalo ang batang maliit. Lumapit din ito sa ina at niyakap ang mga binti nito. "Mommy, sinira niya talaga. Nung natapakan niya yung RC Car, nagalit siya tapos binato niya yung remote nun." Nakatingala ito kay Julie at nakanguso. "C'mon, Mommy, I'll show you."

Hinatak ni Ej si Julie papunta sa kwarto nila ni Am. Magkasama ang dalawa sa isang kwarto ngunit magkaiba ang kama ng mga ito.

Pagkapasok sa kwarto ng mga bata ay bumungad agad kay Julie ang napakagulong mga kama at nagkalat ang mga laruan sa sahig.

"Mommy, here." Iniabot ni Ej ang remote ng kaniyang toy car. Putol ang isang stick ng controller. "Naputol na. Tito Frank gave that to me pa naman." Nakangusong sambit nito.

Umupo si Julie sa kama ni Ej samantalang katabi niya ito. Pinalapit naman niya sa kanila si Am. "Miguel.." Tawag niya sa panganay.

Lumapit ito sa ina nang nakayuko.

"Why did you throw this one?"

"Eh mommy kasi eh.. Naiinis ako, nakakalat lahat ng toys niya."

Napabuntong hininga nalang si Julie. Ayaw niya namang pagalitan ang dalawang bata. Alam niyang parehong may kasalanan ang dalawa.

"Alright. Ej, say sorry to Kuya Migs." Hinawakan niya ang likod nito.

"Huh? And why would I say sorry?" Takang tanong ng bata. Magkasalubong ang kilay nito at nakatingin ng masama sa kuya niya.

"Justine, don't look at him like that." Saway ni Julie. "Nakakalat yung toys mo kaya niya natapakan. Muntik pa siyang madulas diba? May kasalanan ka rin." Paliwanag ni Julie at ibinaling naman ang paningin kay Am. "You too, kuya. Please be more patient ha? Say sorry to Ej."

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon