Chapter Three

2.2K 48 3
                                    

"Have you called them?" Tanong ni Julie sa asawa na kausap niya through skype. Nasa kwarto siya at nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard.

"Sina Maxx?"

Julie nodded her head.

"Yeah. Our little boy keeps on telling me to buy RC Cars and helicopter." Elmo said.

"Cars?" Takang tanong ni Julie.

"Yes, Hon."

"I told him na tig-isa lang ah."

"Haha. May letter S yung car, Honey.."

"At ano namang sinabi mo? Hay Elmo.. Don't spoil him."

"Can't resist him, Hon." Sabi ni Elmo na nagpapacute pa sa cam.

Julie let out a sigh. "How about Jayanne?"

"Uh.. She wants uhm.. An iphone 6."

"What?!" Nawindang lang siya sa binilin ni Jayanne sa daddy nito. Siya nga iphone 5c lang eh tapos yung bunso, iphone 6?!

"That's what she said." Kibit-balikat na sagot ni Elmo.

"Don't tell me susundin mo?!"

"Uh.."

"Nako talaga, Elmo. Hindi ko na nga mapigilan yung pang-ispoil ng mga kapatid mo at ng mga kapatid ko tapos dadagdag ka na naman." Naiinis na sabi ni Julie. "At ano ang gagawin niya sa iphone 6?! Ang dami-dami na'ng gadgets dito eh."

"Hon, relax lang. Hindi naman ako bibili e." Pagpapakalma ni Elmo sa asawa.

Maya-maya'y may kumatok sa kwarto nilang mag-asawa.

"Come in." Sambit ni Julie na nakalingon sa pintuan.

Dumungaw si Am sa pinto. "Mommy, can I sleep here?" Sabi nito saka humikab.

"Sure, Babe. Come here." Hinawakan niya ang unan at laptop sa ibabaw nito saka umusog. Tinapik niya ang right side ng kama.

Lumapit sa kaniya si Am na may dala pang sariling unan. Yumakap ito sa kaniya at saka nahiga.

"Do you want to talk to dad?" She asked sweetly ngunit iling lang ang isinagot ng bata.

"Hi, Buddy!" Bati ni Elmo sa panganay.

"Hi, Dad." Sambit nito na hindi man lang tiningnan ang ama.

"What do you want? Yung twins nasabi na nila sakin kung ano yung gusto nilang pasalubong. Ikaw, Am?"

"Anything, Daddy." Mahinang sagot ng bata. Humigpit ang yakap nito kay Julie.

"Are you sleepy?" Tanong ni Elmo.

The kid nodded his head.

"Alright. Sleep well, Buddy. I love you." Lambing ni Elmo.

"I love you.." Sambit naman ni Am na nakapikit.

Bumaling naman si Elmo sa asawa. "Akala ko ba tatlo silang magssleep over kay Maxx?" Nagtatakang tanong niya.

"Uhh.." Tiningnan muna ni Julie ang anak at nang masigurado niyang tulog na ito ay muli siyang bumaling sa asawa. "Nagbago 'yong isip niya no'ng nandun na kami sa parking lot. He said, he'll stay with me nalang tonight."

Napatango naman si Elmo. "What was his reason? Diba excited pa yan kanina? Ej told me na nag-away daw sila ng kuya niya. Ayun ba yung narinig mo?"

"Yea. Nag-away sila nang dahil sa RC Car ni Ej." Pairap na sambit ni Julie.

"Why?"

"Sobrang gulo ng room nilang dalawa. Their toys were all over the floor. Lalo na yung mga rc car ni Ej. Naapakan ni Am yo'ng isa at sa sobrang inis niya, he threw the remote. Nasira yung isang stick kaya nagalit si Ej." Sumbong ni Julie.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon