Chapter Twenty

1.2K 52 13
                                    

Kanina pa hindi makapagconcentrate si Julie sa meeting. Panay kasi ang vibrate ng cellphone niya na nasa bag niya lang. Ramdam niya iyon dahil sa lap niya nakalagay ang bag.

Pinilit nalang niya na magfocus sa meeting kahit na kinakabahan dahil sa sunud-sunod na tawag ng hindi niya alam kung sino. Tumagal pa ng halos isang oras ang meeting na iyon bago niya nakita kung sino ang tumatawag sa kaniya.

"Fifteen missed calls from Kuya Ian.. Nine from Mommy.. Five from Dad.. May missed calls din si Ate Innah and Kyle.. Thirty-one from Moe? Damn! What's happening?" She asked herself while scanning her phone. Puro missed calls lang ang naroon ar walang new text messages.

Pumunta na siya sa parking lot. Dali-dali siyang pumasok sa kotse niya at inistart ang makina ng sasakyan.

She dialed her husband's phone number at agad namang nasagot ni Elmo ang tawag niya.

"Honey! What's--"

"Honey.. Julie.. I'm sorry.."

Kinabahan lalo siya nang marinig ang paghikbi ni Elmo. Hindi niya gusto ang naiisip niya kung bakit naiyak ito. Tumawag pa naman ang teacher ni Jayanne sa kanya at sinabing may sakit ang bata.

"Honey, anong.. Anong nangyari? Are you okay? Yung mga bata? Okay lang ba? Sina Mama?" Sunud-sunod niyang tanong.

"Julie, I'm sorry.. I should've said it to you. Dapat hindi ko tinago.. Dapat kasi--"

"H-hey.. Baby.. Honey, calm down. Hindi kita maintindihan eh."

"I'm sorry, Julie.."

Napakunot naman ng noo si Julie. "Moe, are you okay? Ano bang nangyayari? Okay lang ba si Jayanne?"

Saglit na hindi umimik ang asawa niya.

"Moe?"

"Y-yes, Hon.. We're okay.. Okay rin naman si Jayanne.." Hikbi ni Elmo.

"Eh b-bakit ka naiyak? Moe, kinakabahan ako sa'yo eh." Her eyes are started to fill with tears. "M-moe.."

Rinig niya ang pagsinghot ni Elmo. "Tapos na ba yung meeting mo?"

"Y-yeah. Bakit ba? Pauwi na ako. Nasaan ka?"

"I.. I'm here.. We're here sa bahay nila Mama Ivic."

"A-anong ginagawa niyo dyan?"

"We'll wait for you, Honey.. Drive safely. Okay? I love you, Julie. Mahal na mahal kita.. Mahal ko kayo ng mga anak natin."

"Moe naman eh.."

Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na kausapin si Elmo dahil pinutol na nito ang tawag.

Nagmaneho kaagad siya pauwi at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Halos tatlong na oras ang biyahe niya. Alas-sais na ng gabi siya nakarating sa bahay ng kanyang mga magulang.

Habang papalapit palang siya sa tapat ng bahay nila ay tanaw niya na agad si Elmo na nakakuyo at nakasandal sa kotse nito. Nag-angat ito ng tingin at agad na nag-ayos ng sarili. Hindi pa niya tuluyang naipapark ang kotse niya sa harap ng gate ngunit nakaabang na ito sa paglabas niya. Pagkapatay niya ng makina ay ito mismo ang nagbukas ng pinto.

"H-honey.." Mahinang sambit ni Elmo. Niyakap agad siya ng asawa pagkalabas niya ng kotse.

"Moe, ano ba talagang nangyayari?" Tanong niya habang hinahaplos ang likod nito. Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang mukha ni Elmo. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang sugat at pasa nito sa labi.

"My god! Sinong may gawa sa'yo nito? What happened?"

Bigla na naman tumulo ang luha ni Elmo. "I'm sorry, Julie.."

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon