Chapter Five

1.9K 51 2
                                    

Elmo went to their room. Nakita niyang palabas si Julie mula sa bathroom, nakasuot ito ng robe at nakabalot ng towel ang buhok. Sinalubong niya ang asawa ng isang mahigpit na yakap.

"Ngayon lang kita masosolo." Sambit ni Elmo.

Natawa naman si Julie sa inakto ng asawa. Kanina niya pa nga napapansin na humahanap ito ng tyempo na makapag-usap sila ang kaso, sobrang daldal ng kambal nila.

Ginantihan ni Julie ang yakap ni Elmo. "I know. Hindi tayo makatakas sa kambal eh." She chuckled.

"They are too talkative. Mana talaga sayo." Biro ni Elmo.

"Hindi kaya. Kina Ate Maxx, pwede pa." Natatawang sambit ni Julie. "You should take a quick shower. Ang baho mo na."

Lumayo ng kaunti si Elmo kay Julie at inamoy ang sarili. "Hindi naman eh.." Muli niyang niyakap ng mahigpit ang asawa. "But what if we take a shower.. Together?" Nakangisi niyang tanong.

Julie shook her head. "Kakatapos ko lang kayang magshower."

Napakunot-noo naman si Elmo. "Ano naman?" He grinned at her. "Edi huwag nalang pala akong maligo." Niyakap niya ng mahigpit ang bewang ni Julie at inangat.

Julie chuckled. Hinahayaan niya lang ang mister sa ginagawa nito.

Dinala siya ni Elmo sa kama. Pahigang ibinagsak nito ang katawan at siya ang nasa ibabaw.

"Dito nalang tayo all night.." He said. Hinalikan niya ang mga labi ng asawa.

Ginantihan naman ni Julie ng mga halik ni Elmo. She felt his hands squeezing her butt. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng asawa at tumigil sa paghalik dito.

"Magbibihis na ako." Paalam niya sa mister. She's biting her lips at nakatitig sa mga mata ni Elmo.

"You don't need to wear your clothes, Honey." Natatawang sambit ni Elmo. Muli niya sanang hahalikan ang asawa ngunit umiwas ito. Muli siyang napakunot-noo. Nagtataka siya kung bakit parang umiiwas ang misis niya sa kaniya. "May problema ba tayo?" He asked, seriously.

Julie nodded. "W-we have, Hon."

"W-what is it?" Kinakabahang tanong niya.

She rested her head on his neck before answering him. "I have my m-monthly period."

Hindi alam ni Elmo kung matatawa ba siya sa sinabi ng asawa. Akala niya kung ano na ang problema nila. Pero syemre, naiinis siya. Sobrang wrong timing lang period ni Julie.

He let out a sigh. Hinaplos niya ang likod ng asawa, signaling her to go ngunit hindi naman gumalaw si Julie.

"I-i'm sorry, Honey."

He laughed softly. "Not your fault, Hon. Badtrip lang yang period mo, sakto talaga sa home coming ko eh." Biro nito.

"Haha. Badtrip nga, Hon."

"Uh-huh. But it's okay with me dahil sure ako na hindi ka na magkakaroon next month."

Napaisip naman si Julie. Hindi niya maintindihan ang sinabi ni Elmo. Itinukod niya ang mga kamay sa balikat ng asawa at bahagyang inilayo niya ang kaniyang mukha upang makita niya ang mga mata nito. "What do you mean?"

"Uhh.. Nine months, Honey. Oras na para gawin si Baby Magalona Number Four." He said, grinning at her.

Nanlaki ang mga mata ni Julie. "Baby Magalona number four ka dyan?!" Sabay palo sa dibdib nito. Umalis siya sa pagkakaibabaw kay Elmo saka tinungo ang closet.

Bumangon naman si Elmo at naupo nalang sa kama. Pinagmamasdan niya si Julie habang kumukuha ito ng damit.

"Don't you want to have another baby? Malaki na yung twins, Hon. I'm sure, ready na silang maging Ate at Kuya." Pahayag ni Elmo.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon