"You really wanna live without me? Fine. It'll be fine. I'll be okay. I'll give you what you want." Elmo whispered to himself while driving. Hindi niya na alam kung gaano kabilis ang takbo niya. Malakas pa rin ang ulan sa ngayon.
Maya-maya pa ay inihinto niya na ang kotse sa gilid ng kalsada. Kinalma niya muna ang sarili. He's mad at Julie. Hindi niya na alam kung paano susuyuin ito. Para bang 'yung paglayo lang niya rito pati sa mga bata ang tanging magagawa niya. Parang ito lang ang ibinigay na choice ni Julie.
Inabot niya ang extrang damit niya sa backseat at nagpalit. Matapos ayusin ang sarili niya ay dumiretso siya sa bar. Kagaya nga ng paulit-ulit na sinabi niya kay Julie Anne, hindi siya uuwi hangga't wala ang mga ito. Ayaw niya. Pupunta siya sa kahit saan, huwag lang sa bahay nila.
Sa counter agad ang tungo niya pagpasok pa lamang niya sa bar. Kahit na maulan ay marami pa rin tao at karamihan ay teenagers.
Umorder siya ng limang bote ng beer. Habang umiinom ay bumabalik lahat sa isip niya ang mga scenario ng pagtataboy sa kaniya ni Julie. Ayaw niyang sumuko kay Julie ngunit pagod na siya. Gusto niya muna magpahinga kahit saglit. Kukuha muna siya ng lakas at pagkatapos no'n ay kukunin niya na ang pamilya niya. Hindi pwedeng ganito sila habambuhay. Hindi pwedeng si Julie lagi ang masusunod. He's the man of the house. Pinagbibigayan niya lang si Julie sa gusto nito dahil mahal na mahal niya ang misis niya. He'll give her time and space she wants. Iintindihin niya si Julie Anne gaya ng pag-intindi nito sa kaniya nung mga panahon na puro sakit ang idinulot niya rito.
Nakakaapat na bote na siya at nakakaramdam na rin siya ng paghilo. Ilang saglit pa ay nagulat siya dahil may naramdaman siyang kung anong mainit malapit sa leeg niya. Paglingon niya ay saktong may humalik sa kaniya na isang babae.
He was caught off guard. Hindi niya alam ang gagawin.
"Hmm.." Rinig niyang ungol ng babae na humahalik sa kaniya kahit na hindi naman niya ginagantihan ang bawat halik nito.
Naramdaman niya ang paghimas nito sa kaliwang hita niya at parang doon lang nagising ang kaniyang diwa. Agad siyang napahiwalay sa babae.
"H-hey! What are you doing?!" Inis na sambit niya saka pa bahagyang itinulak ng babae.
"Why? Ayaw mo ba?" Nakangising tanong ng nasa harap niya.
Pinagmasdan niya ang mukha ng babae. Hindi niya gaano maaninag ang itsura nito dahil sa dilim sa loob ng bar. Ang alam niya lang ay may kahabaan ang buhok nito at medyo kulot. Matangos ang ilong, tama lamang ang pangangatawan at may katangkaran. Nakasuot rin ito ng nakapaikling dress.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa leeg niya saka hinaplos iyon. "Come on, Babe. Can we go somewhere else?" Malanding tanong ng babae sa kaniya saka pa siya binulungan. "I know you're hard right now. I'm free tonight." And then she bit his ear and suddenly touched his crotch.
Bigla naman siyang kinilabutan sa ginawa ng babae. Kinabig niya ang kamay nito saka tumayo. Kailangan niyang pigilan ang sarili. He loves his wife. Ayaw niya nang dagdagan pa ang kasalanan niya kay Julie at sa mga anak niya. "I'm already married, Miss. Sorry but I have to go." Napapikit siya nang biglang sumakit ang ulo niya.
"Oh come on!" Pigil nito sa kaniya. Hinawakan siya nito sa braso. "Married? Pero nandito ka sa bar. That only means na.. May problema ka sa asawa mo.." The girl smirked at him. "I can help you--"
"Damnit, Miss! Get off before I lose my control! I don't need your fucking help!" Sigaw niya ngunit tila hindi natinag ang babae.
Sa halip ay may kinuha ito sa handbag na dala at inilabas ang isang card. "Here's my number. You can call me anytime." Ang babae pa mismo ang naglagay ng card na iyon sa bulsa niya. "See you, Babe." Bulong nito.