Chapter Twenty-two

1K 48 15
                                    

Naging maayos ang pagba-bonding ng mag-anak sa mall. Walang ibang ginawa ang tatlong bata kundi ang mag-arcade. Si Am naman ay buong maghapon na nakadikit sa mommy niya at walang pinapansin maliban kay Julie.

Ngayon ay parehong abala ang mag-asawa sa kusina. Dinner na kasi at napagpasyahan nila na silang dalawa ang magluto para sa mga bata.

Nag-aayos na ng mesa si Julie samantalang si Elmo ay inaasikaso ang mga nilutong putahe.

"Should I call the kids, Hon?" Tanong ni Julie sa asawa matapos niyang iayos ang mga baso sa mesa.

"Yes please, Honey. Tapos naman na ako dito."

Tumango lang si Julie Anne saka dumiretso sa playroom ng mga bata. Nadatnan niya ang tatlo na abala sa paglalaro ng just dance. Natatawa siya habang pinapanood ang kambal at si Marcus na sumasayaw. Todo indak ang unica hija niya samantalang ang dalawang lalaki ay sumusunod lang sa kapatid. Minsan pa ay napapakamot ng ulo ang mga ito. Natutuwa siya dahil close agad si Marcus sa kambal.

"Yes! I'm the winner!" Sambit ni Jayanne saka pa dinilaan ang mga kuya niya.

"You were just the one who enjoyed the game." Naiiling na sambit ni Ej. "I really don't like it."

"Me too." Marcus agreed. "Let's play another--"

Julie cleared her throat. Bigla naman tumingin ang mga bata sa kaniya. "Pwede bang mamaya na kayo maglaro ulit? Dinner is ready, Kids. Kain muna tayo." Yaya niya. "Where's Kuya Am?" Tanong niya sa mga ito.

"He went out, Mommy." Sagot ni Ej.

"I think he's in his room." Jayanne added.

"Alright. Go to the kitchen na. Tatawagin ko lang si Kuya."

Tumango naman ang tatlo saka nagsibabaan. Nagpunta siya sa kwarto nila Ej at Am. Nagtataka siya dahil tahimik ang buong kwarto. Madalas kasi na bukas ang tv roon kapag mag-isa lang si Am sa loob. Inisip niya tuloy na tulog ang bata.

Nakita niya ang panganay na nakatalukbong ng kumot kaya naisipan niyang silipin ito. Hindi pa siya gaanong nakakalapit sa kama ng bata nang marinig niya ang hikbi nito.

"Am? Baby?" Tawag niya.

Halatang nagulat si Am dahil bigla itong gumalaw at inayos ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

"Hey.. Why are you crying?" Tanong ni Julie nang makaupo sa tabi ng anak. Pilit niyang tinatanggal ang kumot pero mahigpit ang hawak doon ni Am. "Baby, what's wrong?" Hindi naman sumagot ang bata. Lalo lang lumakas ang paghikbi nito. "Miguel.. Sweetheart.." Tawag niya ulit.

"I'm.." He sobs. "I'm not feeling well.." Sabay hikbi ulit.

Kahit pa hindi iyon ang isagot ni Am ay alam niya naman na hindi talaga maganda ang pakiramdam nito.

"Why? Bakit hindi mo sinabi sa amin ni Daddy kaagad?" Sinubukan niyang iangat ulit ang kumot at hindi nan siya nabigo. Napapikit siya nang makitang basang basa ng luha ang mukha ng anak niya. Inakay niya si Am para makabangon.

"Daddy wouldn't care.." Am cried. "Kay M-marcus lang naman siya nagke-care eh pati po kina Ej.. I think he doesn't want me to be with you po kanina sa mall.."

Para namang pinipiga ang puso ni Julie dahil sa nararamdaman ni Am. Alam niyang nagseselos ito kay Marcus. She couldn't deny the fact na kay Marcus at sa kambal nga lang may pakialam si Elmo kanina dahil ramdam at kita niya naman iyon. Para bang silang apat lang ang magkakasama at naleft-out silang dalawa ni Am. Hindi sila masyadong pinapansin ni Elmo. Nasa kambal lang at kay Marcus ang atensyon nito maghapon. Ni hindi man lang nito naka-bond ang panganay nila.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon