Today is monday at sobrang busy si Julie sa pag-aasikaso sa mag-aama niya.
Isang araw na ang nakalilipas simula nang maglayas si Am. Mula nang makita nilang mag-asawa ang panganay ay mas lalo nilang ipinaramdam sa mga bata na buo ang pamilya nila.
Ang pinuproblema ngayon ni Julie ay ang kaniyang ama. Noong binalikan nila ni Elmo ang kambal sa bahay ng mga magulang niya ay hindi nagpakita sa kaniya si Jonathan. Ni hindi man lamang nito kinumusta si Am. Alam naman ni Julie na labag sa loob ng ama niya ang pakikipag-ayos niya kay Elmo. Hindi rin siya masyadong kinikibo ni Christian. Eh ano bang magagawa niya? Asawa niya si Elmo at may mga anak sila. Mahal niya ang kaniyang pamilya at hindi niya na hahayaan na mangyari ulit ang ginawa ni Am.
Kahapon ay sa mga bata lang nakatuon ang buong atensyon nila ni Elmo. Laro dito, laro doon ang ginawa nila. Movie marathon pati na foodtrip. Yesterday was a wonderful day for them. Inalis na muna nilang mag-asawa sa isip nila ang mga problema.
Kasalukuyan siyang naghahain ng agahan. Kakapasok lang ni Elmo at ng mga bata sa kusina.
"Good morning, Mommy!" The kids greeted her.
Isa-isang lumapit sa kaniya ang mga anak at saka humalik.
"Good morning, Babies." Balik niya. "Good morning, Honey." Bati niya naman kay Elmo na ngayon ay nag-aayos ng necktie. Nilapitan niya ito at tinulungan.
"Morning, Hon. What's for breakfast?" Elmo asked as he kissed his wife.
Natawa naman bigla si Julie. "Fried rice, egg, bacon, hotdog and pancakes." Sagot niya saka bumalik sa paghahain.
"Hm.. Mukhang masarap ah." Pambobola ni Elmo. Sinundan niya si Julie. Niyakap niya ito mula sa likuran.
"Sus. Kailan ba hindi naging masarap yung niluluto ko?"
"Haha. Sabi ko nga. Lagi naman, Hon." Natatawang sambit ni Elmo. "Let's eat, Kids!"
Humiwalay siya kay Julie saka umupo sa sariling pwesto. Sumunod naman sa kaniya si Julie. Nakaupo na rin sina Jayanne at Am ngunit wala si Ej.
"Where's Ej?" Tanong ni Julie sa dalawa.
"I don't know, Mommy. Nandito lang po siya kanina." Jayanne answered.
Nagkibit-balikat naman si Am sa kaniya.
"Justine!" Tawag niya sa bunsong lalaki. "Baby, come on! Malelate ka na!"
Ilang segundo pa ang nakalipas ngunit wala naman siyang naririnig na boses ni Ej. Maya-maya pa ay narinig nila ang boses nito sa ilalim ng dining table at humahagikgik pa.
"Justine?!" Tawag ni Elmo saka sinilip ang anak.
"Ej, Baby, anong ginagawa mo dyan?" Pagtataka naman ni Julie.
Nakita nila si Ej na nakaupo at nasa harap nito si Ruskin. Pinapakain nito ng tinapay ang alagang aso.
"Mommy, he's hungry na po." Pigil-tawang tugon ng bata.
"Aish! Justine, 'lika na. Malelate na kayo oh!" Inis na sambit ni Julie. "Saka baka marumihan pa yang uniform mo."
Hindi naman siya binigo ng anak. Agad itong umalis sa ilalim ng mesa. Pagkatayo nito ay agad na humalik sa kaniya.
"Sorry, Mommy. I love you!" Malambing na sambit ni Justine saka umupo sa tabi niya.
Nagkatinginan nalang sila ni Elmo saka nangiti.
"Dad, ikaw maghahatid samin sa school?" Tanong ni Am.
"Yep." Tipid na tugon ni Elmo saka nilagyan ng bacon ang plato ni Jayanne.