Chapter 2

133 1 3
                                    

Isang linggo na simula ng umalis ako sa huling trabaho ko. Dito ako ngayon nakatira sa bahay ng tita ko sa caloocan rin,. Ako ang nagbabantay sa anak ng aking tita na dalawang taong gulang na habang si tita ay nagtitinda ng isda sa palengke.

Isang umaga habang gumagamit ako ng aking cellphone ay nakita ko ang isang contact number ng dati kung kasama sa clan  hindi ko alam kung bakit naiwan pa sa contact list ko ang kanyang number kasi nakaraan ko pa binura lahat ng number nila.

Hindi ako ng dalawang isip na eh text sya.

Hi kamusta?, sabi ko sa kanya sa text,.

Pero dumating na ang hapun hindi pa rin sya nag reply kaya akala ko hindi na ginagamit ang number na yon.,

Sky dumating na ba si tito mo? Tanung ni tita sa akin pag dating nya galing palengke,

Wala pa tita akala ko mag kasama kayo umuwi, wala rin ulam na luto tita, sagot ko sa kanya habang kandong ko ang pinsan kung makulit.

Bumili ako ng manok ito nalang ulam natin naka pag saing ka naman siguro, maghanda kana ng plato kakain na tayo,  sabi ni tita

Cge po ta, sagot ko sabay tayo at binigay sa kanya ang pinsan ko.

Pagkatapos namin maghapunan ako na nag hugas ng aming pinagkainan. Pagkatapos ko gumawa ng mga gagawin ko ay pumasok na ako sa kwarto. Tiningnan ko agad ang aking cellphone kung may text at meron nga akung text.

2 message receive,

Sino naman kayang nagtext sa akin, tanong ko sa aking isip

Pag bukas ko ay nakita ko ang pangalan na CLOUD  siya ang nagtext sa akin na dati kung kasama sa clan. Akala ko hindi nya na ginagamit ang number kasi ang tagal nya nag reply.

Hello, sino to?
Bakit hindi kana nag reply?

Magpakilala ba ako? Baka hindi nya na ako ma alala,, tanong ko sa aking sarili,

Hello sorry late reply kumain pa kasi kame si sky ito ang kasama mo dati sa clan, naalala mo pa ba ako? Reply ko sa kanya,

1 message receive

Ang bilis nya naman magreply

Sa bht na clan ba? Sorry hindi kita ma alala eh, pero baka gusto mo ulit sumali? Reply nya  sa akin.

Bakit hindi pa ba nabuwag ang clan? Tibay naman hanggang ngayon nandyan pa, cge Sali ako. Reply ko sa kanya

Cge wait lang pa welcome lang kita ano pala code name mo? Reply nya sa akin

Sky nalang ilagay mo na code salamat hintayin ko nalang ha, reply ko sa kanya

Cge sky😊, Reply nya sa akin

Hindi na ako nag reply sa huli nyang text sa akin. Nagpunta na ako sa CR para mag linis ng katawan,.

Habang nasa loob ako ng cr ay nag iisip ako kung saan ako mag apply ng trabaho, para makatulog rin ako sa kanila ni tita.

Sa bacolod nakatira ang pamilya ko pero dito ako nakatira sa caloocan sa tita ko kasi bata pa lang ako ay kinuha na ako ng tita ko at pinag aral. Pero hindi na nakayanan hanggang koleheyo kaya nag trabaho nlang ako pero wala rin.

Pangingisda ang trabaho ng papa ko at s bahay lang si mama. 4 kaming magkakapatid pangtlo ako. Ang bunso namin ay nag aaral pa ng elementarya. Naintindihan ko naman kung bakit dito nila ako pinatira sa kanila ni tita sa manila.

Kalahating oras rin pala akung nag babad sa tubig. Pagkalabas ko ay narinig ko ang cellphone kung tumutunog,.

Hello, kanina kapa tumatawag?, Sagot ko kay cloud kasi naabotan kung tumatawag siya.

Hindi naman masyado na pa welcome na kita akala ko ayaw mo kasi hindi ka nag reply sa mga text ko, mahabang pa liwanag nya.

Nag linis lang ako katawan, cge na ibaba ko na ang call baka maraming GM na dito salamat ha,, sabi ko sa kanya

Cge, sabi nya sabay baba ng call.

Napailing nalang ako sa kanya,

35 unread messages

Hala grabe ang dami namn nito, gulat akung na patingin sa inbox ko

Welcome, sky I'm Naih 23 enjoy sa clan.
Welcome, sky I'm killer smile 20, enjoy
Hi sky welcome sa clan, hellboy pala 19

Ang dami pang nag welcome sa akin na paulit ulit lang naman kaya na pagod ako sa kaka reply sa kanila magdamag,.
Pero hindi naputol ang text namin ni cloud, nag welcome rin sya sa akin. Sana daw makasama ako sa anniversary ng clan nila kasi sa sunod na linggo na daw gagawin sa isang Lugar sa Manila naisipan ng founder na gagawin.

Sama ka ha para makilala naman kita, ako na ang magbabayad ng ambag mo,sabi niya isang araw sa text

Susubukan ko lang mag paalam kay tita kasi walang bantay ang pinsan ko eh. Reply ko sa kanya

Cge basta text mo lang ako pag sigurado kana ha, paninigurado nya sa akin.

Oo nga hahaha, ilang taon kana pala? Tanong ko sa kanya kasi hindi ko pa alam ilang taon na sya.

23 na ako mag ka edad lang kme ni Naih, sabi nya sa akin

Oo nga grabe ang tanda nyo na pero mahilig pa rin kayo sa clan no? Curious kung tanong sa kanya

Oo, pantanggal boring lang sa bahay, tumutulong lang kasi ako sa mga magulang ko, sabi nya sa akin;

Ahh may business kayo? Ako nga na bobored na rin eh kaya bumalik ako sa bht, sabi ko sa kanya.

Oo, mga milktea ang tinitinda ng pamilya ko tumutulong lang ako, cge na matulog kana maaga na bukas naman ulit, ;reply nya sa akin.

Cge goodnight cloud thank you sa oras mo,😊 huling reply ko sa kanya saka pinatay ang cellphone ko.

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon