CLOUD POV.
Isang buwan na ang nakalipas simula ng huli naming pagkikita ni sky at ng mga kaibigan namin. Dalawang buwan na ang relasyon namin ni sky, hanggang tawagan nalang kaming dalawa. Gusto ko man siyang makita pero hind pwede, ako nalang ang inaasahan sa negosyo namin at malayo ang Lugar ni sky sa amin. Kahit mahirap kinakaya namin, contento na kami marinig ang boses namin araw-araw kahit sa cellphone lang kami nag uusap.
Hindi parin ako makapaniwala na binigay niya sa akin ang iniingatan niya, kaya lalo ko siyang minahal. "Dennis bilis mo dyan maraming naghihintay na customer" biglang sabi ng mama ko. " malapit na ma saglit lang," sagot ko habang tinitingnan ang talaba na pinapakuluan ko.
Araw-araw kami hindi nawawalan ng customer, ang iba kumakain at ang iba ay bumibili at inuuwi nila. Halos ako na ang nag mamanage ng negosyo namin kasi matanda na ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko ay my kanya-kanyang trabaho. Kaya ang balak kung mag trabaho sa Japan ay hindi ko na muna tinuloy, dahil sa aming negosyo.
"ma, pasuyo nga ng lagayan ma luto na" sabi ko kay mama ng maluto na ang pinapakuluan. "ito oh! Buksan mo na ang Iba" sabi ni mama at ngumiti nalang ako.
Naih calling.....
"oh! Hello bakit?" sagot ko sa tawag ni naih, lagi kami ni naih naguusap sa text. Tinuring ko ng matalik na kaibigan si naih. Lagi siyang nagtatanong sa amin ni sky, na kwento ko narin sa kanya ang tungkol doon sa gabing hind ko malilimutan. "hahaha kamusta cloud?" sagot niya sa tanong ko.
"okay lang may ginagawa ako"
"na bobored kasi ako dito wala akong kausap"
"bakit wala ka na ba sa clan?"
"wala na ang clan binuwag na ni ice nag away sila ni jenrose dinamay ang clan"
"pero nag-uusap pa naman siguro kayo?"
"oo, pero tagal na hindi kami nag kikita na uuhaw tuloy ako sa alak hahahahha"
"mukha mo parang alak,parang hindi ka babae"
"wussshuu!! Award nanaman hahah oy mag aaply ako papuntang Hongkong"
"wee? Kailan? Iiwan mo jowa mo?"
"wala na kami, kaya mag apply ako sa Ibang bansa"
"hoy! Maya na tayo usap naih pinapagalitan na ako dito hahaha"
"sige, lalo ka sanang pagalitan bye!!"
Baliw na naih binabaan ako ng cellphone, "ma marami pa bang tira? Magtatanghali na" tanong ko kay mama dahil hanggang 1pm lang kaming bukas. "oo may tira pa pero kunti nalang, ligpitin mo na ang Ibang gamit" utos ni mama.
Habang nagliligpit ako ng kalat naiisip ko ang bilis ng panahon parang kailan lang ako sinagot ni sky, at heto ngayon 2 months na kami at sa loob ng dalawang buwan kahit isa hindi pa kami nag-aaway.
Ang pagiging simple niya ang nagustuhan ko sa kanya, laki ng tiwala ang binigay niya sa akin. Wala siyang pag duda kahit malayo kami sa isa't-isa, marinig niya lang ang boses ko masaya na siya.
Honey calling....
"hello, hon? Kumain kana?" tanong ko sa kanya pagka sagot ko ng tawag niya. "hmmm! Oo hon kakatapos lang, ikaw?" tanong niya sa akin, "kakain pa lang naglilipit pa lang ako, hon tatawagan kita ulit ha tatapusin ko lang itong ginagawa ko." sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit. "sige hon hintayin ko, mag ingat ka I love you" sagot niya na nagpangiti sa akin, "sige, I love you more, ikaw mag ingat ka rin dyan," huling sabi ko at binaba na ang tawag.