Pagkatapos ko mag-isip nag-ayos na ako ng mga dadalhin ko papunta sa kanila ni Samz. Naligo at nag umagahan na rin ako para hindi na ako kakain pagdating sa kanila. Hindi naman aabot ng isang oras ang biyahe papunta sa kanila. Hindi na rin ako nagpaalam kay jamz na ngayong umaga ako pupunta kay Samz. Baka kasi pupunta din siya malapit lang kasi ang bahay niya pwede niya lang lakarin or mag tricycle.
Ilang minuto lang ang biyahe ay nandito na ako sa bahay nila Samz. Siya lang at mga kapatid n'ya ang naiwan sa bahay nila nasa trabaho daw ang papa niya.
Wala naman kaming ginawa sa kanila talagang tamang tambay lang kami doon at kwentuhan ng kung ano-anu sa kanila. Pero napapansin ko na parang my ka text si Samz pero hindi na ako nagtanong.
Sky punta daw tayo sa kanila ni jamz nandoon daw si Jomz sa kanila ngayon pumasyal, biglang sabi sa akin ni Samz, kaya na isip ko na si jamz ang ka text niya kanina.
Ayaw ko, dito lang tayo wala kasama mga kapatid mo baka pagalitan ka ng papa mo,
Hintayin nalang natin si papa dumating saka tayo pumunta doon,
Ano ba ginagawa nila daw doon?
Iinom libre daw ni Jomz eh, wala naman pasok bukas, sige na sky,
Alam mo ikaw ang babae mong tao pero daig mo pa ang lalaki kung uminom.
Hahaha, bakit ikaw hindi ba? Pumayag kana kasi nandito naman si papa mamaya para sa mga kapatid ko eh.
Oo na! Ang kulit mo!
Nice! Kaya kita kaibigan eh haha
Utot mo! Sabi ko sabay tawa naming dalawa.
Pagkatapos namin mag-usap napa isip ako bakit si jamz nagawang mag text sa kanya pero bakit sa akin kahit isang goodmorning wala?. Nakalimutan n'ya ba ako or talagang nagalit siya kagabi sa hindi ko pag punta sa kanya kagabi?
Ito ang mga tanong na hindi ko na tinanung pa kay Samz sa sarili ko nalang tinanung kahit alam ko na walang sagot.1message received
Hon, kamusta kana dyan? Ano ginagawa mo? Basa ko sa text ni cloud, kaya nawala ang pag-Iisip ko ky jamz
Okay lang hon, nag-uusap lang kami ni Samz hon, ikaw kamusta ka dyan?
Okay lang ako hon, nagpapahinga wala pa kasi masyadong tao, kumain kana ba?
Oo hon, bago ako umalis sa boarding house kumain po ako, ikaw?
Tapos na rin, kanina pa sa bahay,
Mabuti naman, ay! Hon pwede ba ako uminom mamaya?
Ha!? Dalawa kayo ni Samz Iinom? Huwag lang marami hon ha,
Oo hon, kasama namin yung dalawa naming classmate, doon kami Iinom sa kanila hon,
Hon naman! malayo ba? Ayaw ko naman na pigilan ka kasi ayaw ko magalit ka sa akin,
Don't worry hon, hindi ako Iinom ng marami po, kasama ko naman si Samz promise hindi ako malalasing.
May magagawa ba ako? basta alam mo kung ano ang limitasyon mo hon,
Yes po! Salamat hon😘 I love you😘
Asus! Dami mo namang kiss emoji kasi pinayagan!
Hala, galit ka po? Sige huwag na ako Iinom,
Hindi ako galit hon, nag aalala lang ako sayo,