HONEY❤️ CALLING...
Hello hon, morning po, sagot ko sa tawag ni cloud kina umagahan, na gising lang ako sa tawag niya kaya nakapikit pa ako ng sumagot sa tawag niya.
Hon morning, na gising ba kita? Tanghali na hindi kapa gising, sabi niya kaya na patingin din ako sa relo at 8 na nga ng umaga.
Sorry, hon anung oras na kasi kami natapos kagabi ng breakfast kana ba?Oo dito na nga ako sa tindahan, tinawagan lang kita kasi kanina pa ako text ng text sayo hindi ka naman nagrereply
Kasi tulog ako kaya hindi ako naka pagreply, buti nalang pala ginising mo ako uuwi kasi ako ng maaga sa boarding house maglalaba pa ako,
Eh, paano lasing ka kagabi, hindi kaba nag laba kahapon bago ka pumunta dyan sa kaklase mo?
Hindi hehehe,! Hayaan mo na hon matutuyo din nman ito agad eh, huwag kana magalit ang aga-aga eh,,
Hay naku sky! Bangon kana dyan at kumain para maka uwi kana, dyan ka ba kakain or doon sa boarding house mo?
Dito na hon, para sabaysabay kami dito kakain lahat, sagot ko sa kanya na nakahiga pa rin, parang ayaw ko pa kasi tumayo inaantok pa kasi ako. Wala pa rin kasi kahit isa sa amin ang tumatayo, lahat kami nakahiga pa rin ang iba natutulog pa.
Katabi ko matulog si vilms, kahit anong pilit kagabi ni jamz na tabi kami hindi ako pumayag, ginising pa siya kasi ni jomz para lumipat sa loob ng bahay kaya sinabihan niya ako na tabi kami, pero hindi ako pumayag. Ayaw kung mangyari ulit ang hindi dapat mangyari, kaya ang katabi ni jamz ay si jomz dahil kahit anong pilit niya hindi ako pumayag.
Oh ano hon, nakatayo kana ba dyan sa higaan mo? Tanong ni cloud na ikinabigla ko hindi ko alam na nasa kabilang linya pa pala sya. Akala ko hon binaba mo na ang tawag, Hehe hindi pa tatayo pa lang. Sagot ko sa kanya habang tumatayo na sa higaan.
Tsk! Kailan ba ako ng baba ng tawag na hindi nagpa paalam sayo? Sagot niya Inisip ko rin kung meron bang ganon na ginawa niya. Talagang nag-iisip pa siya, ang aga mo namang pasaway hon.Sorry na nga hon, pero hindi naman ako lasing kagabi naka inom lang, huwag kana dyan magalit sige ka papangit kana n'yan haha
Kung pangit na ako ayaw mo na sa akin ganon?
Syempre hindi, sobra kitang mahal para pakawalan
Asus! Iniiba na agad ang usapan eh no? At alam ko naman 'yon, at saka hindi naman ako pangit no, gwapo ko kaya,
Ay, buhat ng sariling upuan, hahaha totoo naman' yon hon, sobra kitang mahal para pakawalan.
So hindi ako gwapo ganon? Mahal din kita hon, higit pa sa sobra,
Sige nga kung mahal mo ako kantahan mo ako, miss ko na mga kanta mo sa umaga at gabi hon, sabi ko sa kanya habang naka upo sa papag ng bahay nila Sam. Ako pa lang ang tumayo sa higaan, at oo namiss ko na talaga ang ginagawa niya sa akin dati na kumakanta sa umaga at sa gabi,.hindi ko na ma tandaan kung kailan niya natigil ang ganong gawain, nawala na rin sa isip ko siguro dahil sa sobrang busy sa school, ngayon ko lang ulit na alala.
Sorry hon, lagi kasi akung pagod sa tindahan at sa pag gym, pero kahit hindi ko na nagawa 'yon mahal naman kita eh, at dahil dyan sige kakantahan kita habang wala pa kaming customer,
Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you