Cloud pov.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng sagutin ako ni sky. Araw-araw kami mag ka chat at tawagan, hindi ako nagsasawang pakinggan ang boses niya pag kami ay nag-uusap. Gusto ko sana pumunta sa kanila pero ayaw niya kasi hindi pa daw alam ng tita niya kaya hinayaan ko nalang kung ano ang gusto niya.
Sa loob ng isang linggo wala naman kaming away, alam ko naman kasi na bago pa siya sa isang relasyon kaya iniintindi ko siya. Si sky ang pangalawa kung naging gf, hindi kasi ako Yong tipo na lalaruan lang ang isang babae kasi mayroon din akung kapatid na babae. Pag ako kasi ay nagmahal seryoso, hindi na ako humahanap ng iba contento na ako sa isa, kaya pag mahal ko ang isang tao mahal ko talaga at walang kahati.
Naih calling...
Bakit kaya to bigla tumawag?
'' oh! Hello napatawag ka? "
" kamusta ang may jowa? Haha"
"tumawag ka Talaga para itanong lang yan? Hahaha"
"gagi! Hindi may na kwento kasi si sky sa akin nung unang meet up nyo"
"ano iyon?"
"hinalikan mo daw siya pag patay ng ilaw sa lagoon? Hahaha"
"hala! Bakit niya sinabi sayo? Ano pa ang sabi sayo?"
"tawa ako ng tawa kasi ang sabi niya ang lambot daw ng labi mo pag halik mo sa kanya hahaha"
"totoo? Sinabi niya yan? Inosenti pa nga siya, bakit sinasabi niya sayo ang mga bagay na yan dapat sa amin lang iyan eh"
"gulat nga ako eh nag text siya tapos sinabi niya yan sa akin kaya tinawanan ko siya hahahah"
" hahaha loko talaga 'yon si sky, hindi na nga kami ulit nagkita eh"
"eh! D yayain mo ulit, ay! Nga pala diba masskara na dyan next month? Sa bacolod pwde ba kami pumunta dyan?"
"oo naman pwede dito kana mag celebrate ng birthday mo October 21 ka diba? Highlights pa yan ng masskara"
"dyan kame matulog sa inyo ha, pag-usapan muna namin ulit sa sunod na meet up"
"walang problema tawag or sabihan mo lang ako pag tuloy kayo, cge na baba ko na to marami pa kasing customer, bye naih." binaba ko na ang tawag pag ka tapos niyang mag babye rin.
Napailing nalang ako sa sinabi ni naih na nagkwento sa kanya si sky ng tungkol sa halik. '' Hi ano ginagawa mo?" text ko kay sky habang nag lalaga ng talaba."ito nagpapatulog sa pinsan ko ikaw?" basa ko sa reply niya. "ito naglalaga ng talaba, nga pala bakit mo sinasabi kay naih?" tanong ko sa kanya hindi kasi talaga mawaglit sa akin ang sabi ni naih sa tawag. "ang Alin doon?" reply niya. "doon sa halik, sabi mo pa malambot ang labi ko, sa sunod huwag mo na eh kwento 'yan sa kanya o kung sino man. Atin lang dapat yan privacy natin' yan" mahabang reply ko sa kanya.
"hala! Sorry hindi ko naman kasi alam na bawal pala, sorry na." reply niya na hindi ko na muna ni replyan kasi nag asikaso na ako sa talaba.Pagkatapos namin sa talabahan saka ko lang binuksan ang cellphone ko. Hanggang tanghali lang kami kasi konti lang naman ang stock ng talaba at na ubos agad ito. Pagtingin ko sa aking cellphone ang daming text galing kay sky.
"sorry na cloud"
"galit kaba? Hoy!"
"magreply ka naman oh"
"sorry na nga sabi hindi na ako uulit"
"cloud naman eh! Mag reply ka naman"Natawa nalang ako sa mga text sa akin ni sky akala niya siguro na galit ako kasi hindi na ako naka pag reply sa kanya.
"hindi ako galit sayo sorry kung hindi ako naka pag reply naging busy kasi ako sa talabahan." reply ko sa kanya habang naka higa para mag pahinga.
"akala ko nagalit ka hindi kana kasi nag reply" reply niya kaya tinawagan ko nalang siya.
"hello! Anu ginagawa mo? Bungad ko sa kanya pagkasagot niya ng tawag ko.
" ito nakahiga kakatulog lang ng pinsan ko eh, ikaw? "
" nakahiga rin pahinga lang"
"ahmm! Cloud gusto ko sana umalis sa clan, hindi naman kasi ako masyadong active sa clan."
"cge ako na ang magsabi kay ice, dalawa na tayo aalis hindi nga rin ako active kasi naging busy na"
"salamat, hmm kamusta naman ang araw mo?"
"pagod pero okay naman, ay nga pala! Baka pupunta sila naih sa sunod na buwan mag masskara daw sila hindi ko alam kung sino kasama niya"
"di'nga? Totoo? Eh d makikita ko sila ulit saan naman sila matutulog kung sakaling matuloy sila?"
"dito sa amin, kita tayo sa linggo simba tayo"
"cge mag papaalam lang ako kay tita"
"hindi mo pa rin nasabi kay tita mo? Para dyan nalang sana ako pupunta,"
"hindi pa eh baka pagalitan ako, eh dahilan ko nga lang sa Sunday na mag hahanap ako ng trabaho"
"kailan mo naman balak sasabihin? Diba uuwi kana pagkatapos ng masskara?"
"oo eh nagagalit na nga si mama, kaya naman natin mag LDR diba?"
"oo namn ang importante hindi tayo mawalan ng communication sa isa't-isa, huwag ka mag alala mahal naman kita"
"naks! Kiligin na ba ako n'yan? Haha mahal din kita, hindi sana tayo mag sawaan sa isa't-isa"
"oo naman, basta mag ingat ka lang sa inyo huwag mo pa bayaan ang sarili mo ha,"
"opo! Sana ikaw rin."
"oo naman, cge na mag pahinga kana muna dyan matutulog muna ako tatawagan kita pag gising ko, eh pm ko na si ice ha na mag quit na tayo sa clan"
"cge, I love you"
"I love you more" sabi ko sabay baba ng tawag.
Pagkatapos namin mag-usap ni sky ay nag-pm agad ako kay ice na aalis na kami sa clan. Noong una ay ayaw pa sana ni ice pero pinilit ko kaya wala siyang magagawa.
Habang nakahiga naiisip ko kung kaya ba namin ang LDR? Malayo ang bahay nila sky sa amin 5hrs pa ang byahe ng bus. Pero gusto ko pa rin sumubok kasi mahal ko siya. Hindi naman siguro sa distansya nasusukat ang isang relasyon, kahit malayo kayo kung mahal n'yo ang isa't-isa ay magtatagal kayo.
Sa kakaisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.