CHAPTER 11

38 1 0
                                    

Dumating ang araw ng pagkikita namin ulit ni sky simula naging kami pangalawang beses pa lang kami magkita. Nag aayos na ako kinuha ko na rin ang guitara, gusto ko kasing kantahan mamaya sa lagoon si sky.

Habang nasa dyep ako ay hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti kapag maalaala ko na magkikita nanaman kami ulit. Dumaan muna ako sa bilihan ng kwentas gusto ko siya kasing bigyan ng kwentas kahit mura lang basta binigyan ko siya.

"magkano to miss?" tanong ko sa isang tindera.
"200 lang po sir bagong labas lang po yan" sagot naman ng tindera sabay tingin sa hinahawakan kung kwentas.
"ano ba to miss? Bakit number 8 ang pendant?" tanong ko sabay pakita sa isang kwentas na ang ganda tingnan. "ay! Infinity po ang sign na yan sir, maganda po yan 200 lang din po yan" explain sa akin ng tindera. "cge miss ito nalang kunin ko pa balot nalang salamat." sabi ko na binalot niya rin at umalis na rin ako pagkatapos.

Sky calling....

"hello! Nandyan kana ba? Tanong ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya.
" oo eh, nasaan kana? "

" papunta na my dinaanan lang ako"
"cge hintayin kita dito."sabi niya sabay baba ng tawag.

Nagmamadali na akung mag lakad papunta ng plaza kung saan kami unang ng kita. Malayo pa lang ay kita ko na siya sa upuan habang tumitingin sa mga taong dumadaan sa plaza. Hindi muna ako lumapit sa kanya tinitingnan ko muna siya sa malayo habang malaki ang ngiti sa labi. Sana ngayon hindi na siya yuyuko na parang pipi, baka mahihiya pa rin siya. Excited na akung kantahan siya kaya binilisan ko na ang lakad papunta sa kanya.

"kanina kapa ba?" tanong ko sa kanya pag dating ko.
"kakarating ko lang noong tumawag ako sayo,bakit my dala-dala kang guitara?"

"ah! Ito ba? Wala gusto ko lang mamaya kumanta haha, Tara na" sabi ko sa kanya at kinuha ang kamay niya, subrang lamig nanaman ng kamay niya kinakabahan nanamn siguro to.

Pumasok kami sa simbahan na magkahawak kamay,dumiretso na agad kami sa prayer House. "cge na pumasok kana dito ako sa kabila." sabi ko sa kanya at binitawan ko na rin ang kamay niya.

Tiningnan ko muna siya bago ako nagsimulang magdasal. Nagpasalamat ako sa panginoon sa mga biyaya na binibigay niya sa amin. Nagpasalamat rin ako dahil hindi niya pinapabayaan na magkasakit ang aking mga pamilya, at Nagpasalamat rin ako dahil my isang sky na binigay niya sa akin.

Pagkatapos ko magdasal tumayo na ako at nakita kung si sky na naghihintay sa akin, bigla siyang ngumiti ng makita ako na naka tingin sa kanya. "Tara na? Kain muna tayo ulit" sabi ko sa kanya pagkarating sa tinatayuan niya, kinuha ko rin ulit ang kamay niya. "libre mo ulit?" maya-maya sabi niya ng malapit na kami sa labasan ng simbahan. "oo bakit ayaw mo?" sagot ko sa kanya na tumatawa. "hindi naman nagtatanong lang eh" sagot niya habang naka ngiti.

"ano sayo? Tanong ko sa kanya pag dating namin sa jolibee, "kahit ano, kung ano sayo ganon din sa akin" sabi niya habang ang mga mata ay naghahanap ng ma-upuan namin. "cge, hanap ka nalang ng ma-uupuan" sabi ko sa kanya at binigay ang guitara para madala niya sa pwesto namin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay kumakain na kami, hindi ko ma pigilan na hindi tumingin sa kanya, kaya tuloy hindi nanamn siya mapakali kung saan titingin.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa lagoon kung saan kami tumambay noong una naming date. Hawak ko pa rin ang kamay niya habang nakasakay sa dyep, hindi naman siya umaangal. Lagi ko rin siya nahuhuli na tumitingin sa akin,, pero pag tumingin ako sa kanya bigla siya tumingin sa labas ng dyep kaya napatawa nalang ako sa kanya.

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon