Sky pov.
Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone, "ang aga-aga eh tumatawag na" sabi ko na nakapikit pa rin.
"just an ordinary song"
"to a special girl like"
"from a simple guy who's so Inlove with you"
"hala ano nangyari sayo? Ang aga ng harana mo ah hahah"
"wala gusto lang kita kantahan sa umaga, gising kana dyan"
"ito na nga! Tatayo na ganda ng gising ko ah my harana agad"
"oo namn ikaw pa, gusto mo Araw-araw eh ahhaha,"
"Asus huwag ka mag salita ng ganyan baka umasa ako haha, nasa talabahan kana ba?"
"opo! Kakarating ko lang, ay goodmorning pala I love you"
"hmmm! Goodmorning din I love you more"
"cge na mag umagahan kana dyan, mag laga muna ako ng talaba, text-text nalang muna tayo bye,"
" cge bye ingat ka dyan" sabi ko at pinatay na ang tawag.
Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi sa lagoon, ang ganda talaga ng boses niya lalo akung nahulog sa kanya. Ang gwapo niya habang nagtitipa ng guitara, hanggang ngayon pag naalala ko kinikilig pa rin ako sa kanya. Papa God salamat po at binigay po ninyo si cloud sa akin.
"sky, bangon kana dyan bantayan mo muna pinsan mo may pupuntahan lang kami ng tito mo"
"babangon na po, saan po kayo pupunta tita?"
"sa palengke lang titingnan ko kung nandun na ang mga paninda para bukas"
"cge, po tita ako na po bahala sa pinsan ko"
"cge, alis na kami."sabi ni tita na kumaway pa sa anak niya.
Dalawa lang kami ng pinsan ko sa bahay, kaya ang ginawa hinayaan ko siyang maglaro ng mga laruan habang ako naman ay naglilinis ng bahay.
Habang ng pupunas ako ng mga bintana ay biglang tumawag si naih sa akin.
"hello, sky balita?"
"okay lang napatawag ka?"
"bakit masama na ba ngayon tawagan ka? Hahaha pupunta kami dyan"
"ah!! Oo sinabi sa akin ni cloud tuloy ba kayo?"
"oo, kami lang nila Christian, ice, killers mile, lover at hellboy, ayaw sumama ng iba eh"
"naks daming pera ah hahaha, ilang araw kayo dito?"
"isang linggo lang dyan ako mag birthday haha,"
"tanda mo na ah 24 kana hahaha"
"gago! Bata pa ako haha sumabay ka sa amin ha huwag kana mahiya"
"titingnan ko, ako kasi nag babantay sa pinsan ko, oy may kwento ako sayo hahaha"
"para itong timang! Hindi pa nga ng kwento kinikilig na"
"eh kasi naman nag date kami ulit ni cloud, shocks!! Ang galing niya mag guitara at kumanta"
"sus! Kinilig ka naman, oo maganda boses n'yan ni cloud kumakanta yan sa videokehan eh"