Chapter 31

6 0 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang inuman sa bahay nila jamz. Hindi na nasundan kasi busy na kami araw-araw sa pag-aaral, hindi na rin ako pumupunta sa kanila ni Sam.

Tuloy pa rin ang pagkakaibigan naming apat mas lalo lang kami napalapit sa isa't-isa. Nawala na rin ang awkward sa kanila ni Sam at jomz, hindi na rin namin pinag-usapan ang nangyari.

Pero habang tumatagal napapansin ko na mas lalong naging close si jamz at Sam, may tawagan na rin sila sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko kasi minsan pagnakikita ko sila na nagbibiruan ay nasasaktan ako na dapat naman sana hindi, kasi kaibigan ko si Sam.

Naramdaman ko ito simula noong my pumasok sa room namin na bisita, kaya kailangan muna namin tumigil sa lesson namin at pinaupo kami sa upuan kung saan daw kami comportable. Pero bago ako ng hanap ng upuan ay pumunta muna ako ng cr para umihi, pagkatapos ko mag cr ay naghanap agad ako ng pwedeng upuan gusto ko sana tumabi kay jamz pero ng tingnan ko ay mag katabi na silang dalawa ni Sam.
Kaya doon nalang ako umupo sa table ng teacher namin at kitang-kita ko silang dalawa.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng bisita namin kasi wala sa kanya ang atensyon ko doon ako nakatingin sa kanila ni Sam na masayang nag-uusap, at nakita ko rin na magkahawak sila ng kamay habang nag-uusap. Ayaw kung kausapin si Sam tungkol doon sa nakita ko kasi baka isipin niya na binibigyan ko ng ibang dahilan ang closeness nila. Hanggang sa araw na ito ay ganon pa rin silang dalawa minsan hindi na ako sumasama sa gala nila pag niyaya nila ako kasi sa tingin ko sila na ang magjowa.

Hanggang sa isang araw ay niyaya ako ng isa kung classmate na gumala pero hindi niya sinabi kung saan. Uuwi sana ako sa amin pero hindi na natuloy kasi pumayag ako na sumama sa kanya na gumala. Habang sakay kami ng tricycle ay napatanong ako sa kanya.

Grace pupunta ba tayo sa kanila ni jamz? Bigla kung tanong sa kanya kasi ang Daan na tinatahak namin ay daan papunta sa kanila ni jamz

Oo sky, nagchat kasi si jamz nagyaya eh wala ako kasama kaya niyaya kita hahaha

Ayaw ko kasi pumunta doon niyaya rin nila ako kanina sabi ko uuwi ako sa amin

Bakit nag away ba kayo? Nandun silang tatlo ah, nagiinom daw

Oo nga iinom daw sila, hindi naman kami nag away gusto ko lang sana umuwi,

Wee!!? Bakit sumama ka?

Sira, niyaya mo ako eh pinilit mo ako

Hindi kita pinilit ha tinanung kita hahaha

Siraulo ka talaga, uwi nalang tayo

Huwag na nandito na tayo eh tapos sabi mo diba hindi naman kayo nag-away

Hindi nga baka kasi sabihin nila na pag sila nagyaya hind ako pumayag tapos sumama ako sau

Huwag ka mag-alala sabihin ko sa kanila na pinilit kita habang nagaabang haha

Ewan ko sayo, sagot ko sa kanya na tinawanan niya lang.

Habang nasa biyahe kami ay kung ano-anu ang naiisip ko, kung ano ang gagawin ko pagdating sa kanila ni jamz nahihiya ako kasi tinanggihan ko ang pagyaya ni Sam sa akin tapos makikita niya ako na kasama ni grace. Ayaw ko kasi muna sumama sa kanila lalo na pag kasama si Sam at jamz kasi ayaw ko ang nararamdaman ko, para kasing nahuhulog na rin ako kay jamz at natatakot ako.

Oh sky! Akala ko ba ay uuwi ka? Tanong sa akin ni jomz pagdating namin sa bahay ni jamz.

Pinilit ko siya na sumama uuwi na sana 'yan eh, biglang sabat naman ni Grace

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon