Dumating ang lunes at kailangan kung pumunta ng bayan kasama si mama para sa enrolment. Napapayag ni mama si kuya mark na ipasok ako sa scala (tesda) kaya tuwang-tuwa ako, isa ito sa gusto ko mula pa noon ang maka-pag aral ng computer. Boung araw kami sa bayan marami kasi ang kailangan na requirements para maka pag-enrol ako.
Hapon na ng kami ay natapos sa lahat ng mga dapat gawin, tinapos na namin lahat para hindi na kami babalik. Nakahanap na rin kami ng magiging tirahan ko na mura lang ang renta at harap lang siya ng paaralan namin. Excited na ako para doon kasi may makilala nanaman akung bago at magkaroon ng bagong kaibigan sa clase.
Kailan mo eh hahatid ang mga gamit mo sa boarding house mo? Tanong sa akin ni mama habang sumasakay kami ng bus pa-uwi.
Pagmalapit na magsimula ma ang clase hindi pa nga ako tinatawagan, sagot ko sa tanong ni mama.
Sigurado naman na tawagan ka kasi nalista na ang pangalan mo doon
Oo nga ma, pero ang sabi august pa daw ang simula ng klase at hintayin ko nalang daw ang tawag nila.
Oo nga eh, pagbutihan mo ha para makapasok ka doon sa tinatrabahoan ng kapatid mo.
Oo naman ma 6months lang naman pagkatapos pupunta ako agad doon sa kanya para makatulong ako sa inyo.
Oh siya! Bumaba na tayo nandyan na ang sa atin oh,
Pagbaba namin sa bus ay dumiretso na agad ako sa kwarto para magpahinga,.
Dala na rin siguro ng pagod sa mag hapon ay nakatulog ako hindi na rin ako ginising nila mama para sa hapunan.Honey calling...
Goodmorning hon, bungad niya pagkasagot ko ng cellphone.
Goodmorning din hon, yawn!
Mukhang antok kapa hon ah?
Oo nga hon eh, tumawag kaba kagabi? Maaga kasi akung nakatulog.
Oo si mama mo nga ang nakasagot eh sinabi nya sa akin na tulog kana daw napagod ka daw sa pagpunta nyo sa bayan.
Oo! pero worth it naman kasi nakalista na ang pangalan ko doon at maghintay nalang ako ng tawag nila.
Mabuti naman, bakit ang aga yata ng enrolment eh diba sa august pa daw ang simula ng klase n'yo?
Marami kasing brgy hon kaya mas mabuti nang maaga ang listahan.
Kunsabagay para hindi na husle, baka pag nagsimula na ang klase wala ka ng oras n'yan sa akin ha,
Asus! Ikaw pa ba? Sympre walang pagbabago mahal kita eh hahaa
Mahal din kita, bumangon kana dyan at kumain kana ng umagahan.
Opo! Ikaw kumain kana ba?
Opo kanina pa papunta na nga ako sa talabahan eh.
Mag-iingat ka ha, nga pala ano tutuloy kaba sa april dito?
Oo naka pag-paalam na ako kay mama basta tatlong araw lang ha alam mo naman na walang magbabantay dito.
Yes!! Oo naman hon salamat i love you,
I love you more, see you on april haha, sige na dito na ako mag-iingat ka dyan ha, papakasalan pa kita hahaha
Asus! Ang aga-aga eh, opo mag-iingat ako kasi papakasal pa ako sayo hahaha bye hon!