Chapter 3

88 5 2
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising para maghanda ng pagkain kasi ngayong araw ako mag hahanap ng trabaho. Habang ako ay nagbibihis biglang nag ring ang cellphone ko.

Mama incoming call

Akala ko si cloud ang tumawag, sabi ng isip ko

Hello ma napatawag ka po?, tanong ko sa kanya sa nung sinagot ko ang tawag.

Hello nak may trabaho kana ba dyan sa manila? Kasi kung wala pa pwde ka muna umuwi dto sa bacolod, sabi ni mama sa akin

Wala pa ma maghahanap nga ako ngayon bakit naman ako uuwi dyan ma? Marami dito mahanapan ng trabaho, sabi ko sa kanya na nalilito.

Para ma tulungan mo ako dito nak, wala kasi nagaasikaso sa kapatid mo kasi nagluluto ako ng gulay sa umaga at nilalako, sabi ni mama at naawa ako sa narinig ko

Sige ma pag hindi pa ako nakahanap ng trabaho dito sabihan ko si tita na uuwi ako dyan ma, sabi ko kay mama

Salamat nak, kailangan ko kasi na magtinda para may katuwang si papa mo,sabi nya sa akin

Oo ma uuwi ako, segi na ma patayin ko na to nagaayos kasi ako para mag hanap ng trabaho ma, mamaya kana tumawag ma bye ma ingat kayo dyan, mahabang sabi ko kay mama bago ko binaba ang tawag.

Umalis na ako at naghanap ng trabaho. Habang nasa dyep ako ay nag gm ako o tinatawag nilang GROUP Chat sa clan.

Sino ngayon ang gumagala? Kita tayo,

Gm: hanap ng trabaho, sky

Pag tingin ko kung sino nag reply na ngunguna nanaman si cloud.

Mag ingat ka sa pag hahanap ng trabaho, reply nya sa akin

Ang aga gurl ah, reply naman ni naih

Ang dami rin nag reply na iba pero hindi ko na sila pinag replyan ulit. Kasi pababa na ako sa dyep at dito ako nag simula mag hanap ng trabaho sa divisoria.

Ang dami ko nang pinasahan ng resume pero ang lagi nilang sagot ay tatawagan lang ako. Mag hapon akong naghahanap pero wala Talaga akong mahanap. 4pm na nang magpasya na akong umuwi. Pero dinaanan ko muna ang pinsan ko sa palengke para kunin sa tita ko kasi dinala nila kaninang umaga.

Nahihiya na ako sa kanila ni tito kasi wala man lang akung ambag sa kanila. Kaya na pag isipan ko nalang na umuwi nalang ng bacolod para ma tulungan si mama doon ayaw ko na mag hanap ng trabaho.

Pag karating ko sa bahay nagbihis agad ako habang binigyan ko muna ng laruan ang pinsan ko. Pero habang nag bibihis ako ay tinitingnan ko ang inbox ko kung may text galing kay cloud,

25 unread messages

Ang dami naman

Sa unread messages ay nakita ko nga na nag text sa akin si cloud.

Kamusta ang pag hahanap ng trabaho naka hanap ka ba? Sabi sa text nya

Hindi nga eh, naka uwi na kung na walang trabaho na nahanap.,reply ko sa kanya

OK lang yan maka hanap ka rin wag ka lang titigil sa kakahanap, reply nya sa akin na napangiti ako:)

Ayaw ko na rin kasi uuwi rin ako sa probinsya namin para tulungan si mama kaya ayaw ko na mag hanap,. Reply ko sa kanya

Hala hindi ka pala taga manila? Saan ang probinsya mo?, tanong nya sa akin

Taga bacolod ako pero dto na ako lumaki sa kanila ni tita sa manila., reply ko sa kanya

Wow pareho pala tayo taga bacolod rin ako, pumunta ako dito sa kanila ni mama para tumulong., reply nya na nagpalito sa akin

Paano ka maging taga bacolod eh sabi mo may business ka dyan ng pamilya mo at tumutulong ka sa mama mo, reply ko sa kanya

MAMA kasi ang tawag ko sa tita ko sa kanila ang business na ito pero taga bacolod Tlaga ako at may business rin kme doon, sabi nya sa akin

Ahh ano namn business nyo sa bacolod? Hindi ka uuwi sa inyo? Dyan ka lng sa mama mo tumulong? Eh may business namn kayo sa bacolod':mahaba kung tanong sa kanya.

Ang daming tanong ah hahaha talabahan ang business namin doon. Uuwi nga ako sa susunod gusto mo sabay tayo umuwi? Gusto ko lang kasi tumulong dito sa kanila ni mama, reply nya sa akin.

Segi ba uuwi rin ako kaso hindi ko pa alam kung kailan,. Segi na text kita maya kasi mag sasaing pa ako eh, reply ko sa kanya sabay Iwan ng cp ko.

Naglinis ako ng bahay habang nag sasaing mabuti nalang at na aliw ang pinsan ko sa laruan kaya hindi siya ng gugulo.

Ano kaya ang mangyayari sa anniversary ng clan? Nakakahiya pumunta wala namn akung masyadong kilala doon, si naih at cloud lang ang kilala ko, bigla akung napa isip ng ganyan.

Oo nahihiya ako kahit na matagal na ako sa clan na yan kasi simula nung una ay hindi ako pumupunta sa meet up ng clan ngayon pa lang kasi gusto ko man lang may ma kilala in person, at ewan ko ba kung bakit ngayon lang ako pumunta sa meet up ng clan.

Natapus na ako sa aking gawain saka dumating sila ni tita sa bahay na may dala ng ulam kaya nag handa na ako para mag hapunan.

Kamusta sky ang pag hahanap mo ng trabaho naka hanap ka na ba? Tanung ni tito sa akin.

May na pasahan ako ng resume tito kaso ang sabi lagi tatawagan lang daw ako para sa interview. Sagot ko sa kanya habang naglalagay ng kanin sa pinggan

Huwag kana dyan umasa sa tawag na iya, tska pala tumawag si mama mo kanina. Sabi nya sa akin

Ano daw sabi nya tito? Tanong ko sa kanya

Uuwi ka daw nag bacolod kung wala kapa daw mahanap na trabaho dito, para ma tulungan mo daw sya doon sa inyo, sabi ni tito sa akin.

Oo nga daw to tumawag rin sya sa akin kaninang umaga, uuwi nlang po ako tito matagal ko na rin po kasi sila hindi nakita po, mahaba kung sagot sa kanya

Segi ikaw bahala kailan mo ba gusto? Para makakuha ako ng mura ng ticket pa bacolod, sabi nya sa akin

Sa susunod na linggo tito kung pwde lang? Tanong ko sa kanya

Segi bukas mag pa reserve na ako ng ticket, basta sigurado ka ha na uuwi ka? Sabi nya sa akin

Opo tito sigurado na po ako salamat po tito, tita sa tulong nyo po sa akin mula noon po, sabi ko sa kanila

Okay lang sky basta tulungan mo mama mo doon ha huwag kang gala ng gala lang doon ha? Sabi ni tito

Opo hindi namn ako pala gala po, sabi ko kay tito na tinanguan lang ni tito.

Natapos ang hapunan na hindi na ulit kami nag usap ni tito at tita. Pumunta na ako ng kwarto ko para matulog pero bago ako ng tulog ay tiningnan ko muna ang cellphone ko. Marami naman akung na tanggap na message pero delete ko ito lahat na hindi ko tinitingnan.


:// sorry sa bagal na update matagal kasi ako ulit naka load kaya ngayon lng naka pag update:) :)

Comment nga kayo kung gusto nyo pa na Ituloy ko ang story po???? :)

Sa susunod na kwento sa bacolod na sila pero tagalog lang ang gamitin ko baka kasi hindi ma intindihan ng Ibang nagbabasa:))

Salamat don't forget to share ang votes guyss::))) //

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon