CHAPTER ONE

332 4 3
                                    

SKY POV:

Hello po ako nga pala si winjhay love martinez pero sanay po ako na tawaging SKY 18 yrs old, nakatira po ako sa caloocan City.

'' goodmorning hays 5:00 na pala ng umaga'', sabay tingin sa relo.

Oyy angie gising na umaga na mag luluto pa tayo ng umagahan, sabi ko sa kasama kung kasambahay.

Oo isa akung kasambahay sa edad na 18 yrs old, mahirap lang kame hindi na kaya ng mga magulang ko na pag aralin pa ako ng kolehiyo,bago pa lang akung kasambahay 1 month pa lang,

Sinunggaban ko na agad ang pag kakataon na pumasok ng kasambahay para makatulong sa mga magulang ko.
Balik na tayo sa kwento ayaw ko na umiyak!!

Oo ito na babangon na nga, sabi agad n angie

Pumunta ako sa kusina at nag saing siya kasi ang magluluto ng ulam para sa mga bata at boss ko.

Habang nag lalagay ako ng damit sa washing machine kinalabit ako ni angie, oy! Sky pupunta pala dito ang anak ng boss natin ha bilisan natin mag linis, sabi sa akin ni angie,

Ha? May anak na iba si sir? Gulat ko na tanong sa kanya.

Oo sa ibang babae malaki na yon at lalaki
,pa sigaw na sabi ni angie sa akin

Grabe namn si Sir cge mag lilinis ako pag ka tapos nito, sabi ko nman sa kanya!!

Habang nag wawashing ng mga damit ay nag lilinis na rin ako ng bahay, mabuti tulog pa sila wala kasing mga pasok ang Mga Bata kasi sabado, kaya babad sila sa tulog,,

Mga ilang oras pa ang natapos at dumating nga ang anak ng boss namin sya lang mag isa, tapus na rin kme mag linis at mag laba,

Magandang tanghali po sir, sabay naming sabi ni angie.

Morning din, sabi ni sir angelo anak ng boss namin,

Naghain na rin kme ng makakain nila, habang kumakain sila ay nandto naman kme sa kusina ni angie, ng si cellphone,.

Angie sumasali kaba sa clan?  Tanung ko sa kanya habang naka upo kaming Dalawa.

Oo dati pero ngayon wala na, ikaw sumasali kaba? Tanung ni angie

Oo kaso umalis ako kasi na hohold ako ng smart, sagot ko sa kanya

Oo tapos gasto pa yan sa load dapat naka unli ka lagi dyan, ano pala pangalan ng clan mo dati?,, tanong ni angie

BHT, madali lang ako dyan umalis din ako hindi nga ako sumali sa ibol nila, sagot ko sa kanya

Sa akin ARC--  hindi nya natapos ang sasabihin kasi tinawag na kme ng boss namin,

Tapos na kme kumain pasuyo pa ligpit ng mga pinggan, sabi ni ma'am Tina sa amin,

Opo ma'am, sabay naming sabi ni angie

Dami namang hugasan nito, sabi ko sa aking isipan,,

Ligpit, punas, hugas ng pinggan ang ginawa namin n angie,.

hayyy natapos rin, sabi ni angie sabay upo,

Kailan uuwi ang anak n Sir angie?, tanong ko sa kanya

Maya-maya uuwi rin yan, sagot Niya

Cge punta muna ako sa tindahan, paalam ko sa kanya

Habang nag lalakad ako papuntang tindahan nakita ko ang anak at boss ko sa loob ng sasakyan, hindi ko alam kung anung ginagawa nila kaya nag patuloy lang ako sa pag lalakad habang sa kanila ang tingin ko..

Ano kaya ginagawa nila sa loob ng sasakyan? Tanong ko sa aking sarili,,

Nahiga agad ako pag ka pasok ko sa tindahan, wala na rin kasing gagawin, wala rin lock ang pinto ng tindahan kung saan kme natutulog pag gabi,,

Habang nag iisip ako ng mga bagay-bagay, biglang pumasok si angie at Nahiga, Naalala ko naman ang nakita ko sa sasakyan, kaya tinanung ko si angie,.

Angie nakita ko kanina sa loob ng sasakyan si Sir at ang anak nya anung ginagawa nila sa loob ng sasakyan? Tanong ko sa kanya

Ahh gumagamit nanaman sila ng drugs, lagi yan sila pag pumupunta dito si sir angelo, sabi sa akin ni angie,


Ha??? DBa bawal yan?, nakakatakot nman ang ganyan angie, ayaw ko na dito, kabado kung sabi sa kanya,

Oo bawal yan nung una takot rin ako pero sympre kailangan ng pamilya ko ang pera pinag tiisan ko, sabi ni angie sa akin

Tawagan ko mamaya si mama aalis ako dito angie nakakatakot tapos ung tulugan natin dto wala pang lock, sabi ko sa kanya na kinakabahan pa rin

Kaya nga mag iingat na lang ako dto, sabi nya

Mag papaalam ako kila ma'am na aalis na ako dto doon nlang muna ako sa tita ko, sabi ko sa kanya sabay kuha ng cp ko sa bulsa

Wag ka mag paalam hindi ka nila papayagan, kasi DBa ikaw sana ang papalit sa akin, mahabang sabi Niya,

Ayaw ko angie takot ako sa gumagamit ng drugs, aalis ako dto magpapaalam ako,, sabi ko sa kanya sabay tayo

Hoy! Sabing Wag Ka mag paalam hindi ka nga nila papayagan nyan, hintayin mo na aalis sila dun ka aalis, sabi nya habang hinawakan nya ang kamay ko para hindi ako maka labas,,

Kailan nman sila aalis? Tanong ko sa kanya

Maya-maya may pupuntahan yan sila sa labas ako na bahala mag sabi sa Kanila pag alis mo, sagot nya sa akin

Tanging tango, nalang ang sinagot ko sa kanya kasi kinakabahan talaga ako,

Nasa loob lang kami nag tindahan Dalawa ni angie naka higa, pero hindi ako natutulog na isipan kung mag ayos na ng gamit hindi na talaga mag babago ang isip ko na aalis na dito..

Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako ginising na lang ako ni angie mga 4 pm ng hapun kasi nag bibihis na daw sila para umalis,,

Angie lahat ba sila aalis? Tanong ko kay angie habang humihikab

Oo, sigurado ka ba tlaga na aalis ka? Tanong nya sa akin


Oo, angie takot talaga ako sa mga ganyan, sagot ko sa kanya

5pm ng umalis ang Mga boss ko at agad na rin akung nag bihis para umalis rin ako naawa ako kay angie kasi siya lang mag isa pero ayaw nya talagang sumama sa akin,

Naka alis na rin ako sa wakas at panay ang tawag at text ng boss ko sa akin habang nasa byahe ako pauwi hindi ko na sinasagot at hindi rin ako nag rereply sa mga text Niya,,,

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon