Chapter 28

20 0 0
                                    

Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng magsimula  ang pag-aaral ko ng tesda. Nagkaroon ako ng barkada, na sina samz, Jamz, at Jomz. Araw-araw kaming mag kasama na apat sa mga kalokohan. Pero hindi naman namin pinapabayaan ang pag-aaral. Kung saan-saan kami pumupunta pag walang pasok. Minsan kasi hindi na ako umuuwi sa amin pag-araw ng weekened nasasayangan kasi ako sa pamasahe.

Sa loob ng tatlong buwan na 'yon  ay Nagkaroon ako ng ibang karelasyon at 'yon ay si Jamz, hindi ako tinigilan ng panliligaw ni Jamz kahit alam niya na may boyfriend na ako. Sinagot ko si Jamz kasi gusto ko magkaroon ng boyfriend na kabaliktaran ni Cloud. Kung si cloud ay hindi nagyoyosi, at umiinom lang pag may okasyon, si Jamz naman ay baligtad mabisyo si Jamz minsan nalaman ko rin na ng marijuana siya. Pero kahit ganon hindi ko pa rin siya hiniwalayan, kasi mabait naman siya ang problema lang talaga sa kanya ay mabisyo siyang tao, kilala na rin ako sa kanila kasi doon kami madalas tumambay na apat sa kanila pag walang pasok.

Hindi alam ni cloud na mayroon akung boyfriend bukod sa kanya, takot akong malaman niya kasi alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko naman siya, okay lang na mawala si Jamz huwag lang si cloud. Ganon pa rin ang ginagawa namin ni cloud araw-araw,nagtatawagan sa umaga at gabi bago matulog. Minsan parang nagsasawa na rin ako sa ganong gawain namin, minsan pag nagtetxt siya hindi ako agad nag rereply  sa kanya. Minsan pag tumatawag siya sa breaktime namin nandyan rin si Jamz nakikinig sa amin, alam na kasi ni cloud ang oras ng breaktime namin hindi naman kasi ng babago ang oras, naaawa nalang ako kay Jamz pero ginusto niya eh kahit ilang beses ko sabihin na mahal na mahal ko ang boyfriend ko.

Honey ❤️ calling....

Hello hon, sagot ko sa tawag ni cloud habang nakahiga na sa higaan.

Hello hon, magandang gabi kamusta ang araw mo?

Okay lang hon pagod sa school pero okay lang ikaw kamusta ka? Kumain kana ba?

Hindi pa hon, papunta ako ngayon ng hospital

Ano gagawin mo sa hospital? gabi na ah,

Tumawag kasi si mama mo nagpapahatid ng pagkain ayaw niya daw kasi kumain ng pagkain na bigay ng hospital, mahabang paliwanag niya sa akin. Nasa city kasi si mama at siya ang nakabantay sa tita ko na bagong panganak,

Oo sinabihan niya ako kahapon na pagpapahatid nalang daw siya sayo ng pagkain

Doon na rin ako kakain hon samahan ko si mama mo, mamaya na ako tatawag sayo bibili pa ako ng prutas para kay tita mo eh

Hon, baka wala kana pang gastos d'yan ha, nakakahiya naman sayo.

Okay lang hon ano kaba, sige na tatawag ako sayo pagdating ko ng hospital, bye I love you hon

Okay hon! Ingat ka ha! At salamat sa pag hatid ng pagkain kay mama, I love you more!

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni cloud naglinis na rin ako ng katawan ko para makatulog ng maaga. Maaga pa kasi ako pupunta bukas sa bahay ni samz, niyaya niya ako kahapon na doon ako tumambay. Sabado kasi bukas kaya walang pasok ayaw ko rin umuwi sa amin may bigas pa naman ako na stock sa boarding house. Lagi ako pumupunta doon sa kanila ni samz, naawa nga ako sa sitwasyon nila wala silang kuryenti tapos ang bubong nila ay hindi gawa sa yero. Parang siya na rin ang naging bestfriend ko sa school.

1message received

Jamz❤️
Partz gandang gabi ano ginagawa mo? Text sa akin ni jamz na akala ko si cloud na ang nag text, naghihintay kasi ako ng text or tawag niya.

Ito kakatapos lang mag linis ng katawan ikaw ano ginagawa mo?

Nandito ako ngayon malapit sa boarding house mo dito sa kabilang tulay.

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon