Isang buwan na ang nakalipas simula ng pumunta si cloud sa aming lugar. Sa loob ng isang buwan ang relasyon namin ni cloud ay masaya, walang away nag kakaintindihan sa isa't-isa. Ganon parin ang ginagawa namin text, usap sa call tapos lagi niya pa rin akung kinakantahan sa umaga at bago matulog sa gabi. Ganyan lang ang ginawa namin pa ulit-ulit man pero pareho kaming hindi nagsasawa sa isa't-isa.
Ngayong araw ay nandito ako ngayon sa kanilang lugar, ako naman ang pinapunta niya dito kasi fiesta din sa kanila. Nakilala ko na rin ang mga magulang at kapatid niya. Mababait naman sila, sinasama nila ako sa kanilang talabahan at tumutulong din ako sa kanila.
Hon, mauna na ako doon sa plaza ha, baka kasi mag simula na ang laro namin. Sabi sa akin ni cloud sa gitna ng hapunan namin.
Hala, hon sino kasama ko pupunta doon? Hindi ko alam saan ang plaza eh, sagot ko habang kumakain, si cloud kasi tapos na kumain.
Ate, sasamahan nalang kita mamaya pupunta din kasi ako doon,sabi ng isa niyang kapatid.
Huwag mo siyang Iwan bro ha hanggat hindi tapos ang game namin, sabi ni cloud at tumango lang ang kapatid niya.
Pagkatapos namin kumain ako na sana ang maghuhugas ng mga plato pero ayaw ng mama ni cloud. Bisita daw ako kaya huwag na daw ako maghugas. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami umalis ng kapatid ni cloud papuntang plaza.
Pagdating namin sa plaza ay nagsisimula na ang laro nila ni cloud.Kakasimula pa lang nila maglaro, tama lang ang dating natin ate, sabi ng kapatid ni cloud pagdating namin sa plaza.
Oo, nga eh buti naman, sagot ko sa kanya na ang tingin nasa kay cloud na naglalaro.
Hey, bro jowa mo? Tanong ng isang kaibigan ng kapatid ni cloud,
Loko, hindi bro jowa ni kuya dennis 'yan, sagot ng kapatid ni cloud na tumawa rin.
Habang nag-uusap silang dalawang kaibigan ay biglang ng vibrate ang cellphone ko kaya nagulat din ako.
1 message received
Elciara zeynins
"hey, sky kamusta? Balita ko nandyan ka daw sa kanila ni cloud? Ayeeee!!"
Natawa ako sa natanggap ko na text kay naih."oo, baliw nagkwento siya sayo?"
"oo magkatext kami kanina, totohanan na ba yan? Hahaha"
"hahaha oo naman alangan naman na lokohan, kamusta ka naman dyan anu na balita sayo?"
"okay lang humihinga pa naman"
"saklap niyan paghindi kana humihinga hahhaa"
"sira ka talaga, cge na usap tayo sunod na araw ha, enjoy ka dyan, huwag agad magpabuntis hahahaha"
"hoy, abnormal ka anung buntis pinagsasabi mo dyan hahaa ingat ka dyan ha"
"hahaha ikaw din," huling text niya na hindi na ako ng reply.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago natapos ang laro ni cloud, pero hindi pa rin ako umaalis sa tinatayuan ko. Tinitingnan ko lang siya sa labas ng plaza habang nakikipag kamay sa mga kakilala niya. Sila ang nanalo sa laro kaya marami ang bumati sa kanya. Kinawayan pa niya ako na tinugon ko rin naman ng kamay. Nakita ko nalang siya na nagliligpit na ng mga gamit niya at naglalakad na papunta sa akin.
Hi hon, panalo kami, bungad niya sa akin sabay halik pagdating sa pwesto ko.
Congrats hon, galing naman, sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang natirang pawis niya sa noo.
Sino ka text mo kanina hon nakita ko kasi na may ka text ka habang naglalaro ako,.tanong niya habang naglalakad na kami pa uwi sa kanila.
Hala! nakita mo pa 'yon? Si naih lang ka text ko kanina na ngangamusta lang, sagot ko sa kanya.
Oo naman nakita kita, nagkatext nga rin kami kanina, sinabi ko na nandito ka sa amin
Oo, nga daw eh hindi na nga tumatawag yon sa akin eh
Baka busy siya hayaan mo na hon
OH!, sino panalo nak? Tanong ng mama ni cloud pag dating namin sa bahay nila.
Syempre kami, wala ka bang bilib sa anak mo hahaha
Asus, nagyayabang nanaman, sabat ko naman kay cloud
Bakit hindi ba? Ha? Hon? Haha
May sinabi ba ako?
Wala naman kaya love kita eh haha
Ano ang connect doon? Sagot ko sa kanya na tinawanan lang niya pati mga kapatid niya.
Nagpahinga na kami sa loob ng kwarto niya,hindi na kami bumalik sa plaza para sa Sayawan kasi na pagod siya sa kanilang laro.
Sarap pala sa pakiramdam pag alam mong tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo. Ito ang una kung pag-ibig kaya bago sa akin ang ipakilala sa pamilya ng taong mahal ko. Noong una ay kinabahan at nahihiya pa ako sa kanila pero nawala rin kasi kinakausap nman nila ako, kung ano-ano naman ang itinatanong nila na ikinatuwa ko rin.
Hon? Baka itutuloy ko ang pagpunta ng Japan. Biglang salita ni cloud habang nakahiga kami sa higaan.
Akala ko ba hon ayaw mo na ituloy? Bakit Biglang nag bago?
Napa-isip kasi ako na kapag nandito lang ako sa pinas wala akong maiipon, para din naman ito sa atin sa huli.
Ikaw kung ano ang gusto mo hon, basta dito lang ako naka suporta sayo.
Salamat, hon meron naman Skype pag natuloy ako.
Baka pag nandoon kana makakalimutan mo na ako?
Hindi mangyayari yon hon mahal na mahal kita eh,
Asus baka ngayon lang yan hon kasi nandito kapa sa pinas maraming maganda doon
Hindi mangyayari yan hon ano kaba huwag ka mag isip ng ganyan okay? Hindi kita ipagpapalit
Okay, basta kakapit ako sa mga salita mo ha, alam mo naman na mahal na mahal kita. Sabi ko sa kanya na tinugunan niya lang ng yakap at halik sa buhok ko.
Parang ngayon pa lang ay nasasaktan na ako, hindi ko alam kung hanggang kailan kami na ganito, simulang nagkarelasyon kami ay LDR na. Ngayon plano niya pa na pumunta ng Japan, ang layo niya sa akin, pero magpakatatag lang ako para sa Aming relasyon. Dito namin malalaman kung hanggang saan kami tatagal sa isang LDR na relasyon.
Hindi pa nga siya umaalis parang iiyak na ako, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sinabi niya sa akin ng maaga. Sana magtagal pa kami sa ganitong relasyon. Hindi ko alam kung mag mamahal pa ako kung mawawala siya sa akin.Sorry ang tagal ko mag update😊 thank you sa mga nagbabasa kung meron man😊