Chapter 15

47 9 2
                                    

Dumating ang araw ng birthday ni naih, kagabi pa lang ay excited na akong makita sila. Maaga pa lang kanina ay tumawag na si cloud para sabihin kung saan kami magkikita at anong oras. Kaya todo ako linis ngayon ng mga kalat sa bahay para mamayang pagkatapos ng tanghalian maka pag ready na ako.

Mahigit dalawang buwan kami siguro hindi nagkita ni naih at ang Ibang kaibigan namin sa clan dati. Katapusan ngayon ng masskara at manonood daw kami ng electric masskara sa lacson mamayang gabi. Sulitin ko ang araw na ito habang magkakasama pa kami kasi uuwi narin sila sa sunod na araw.

Pagkatapos ko magligpit ng mga kalat sa bahay pinaliguan ko ang pinsan ko para mahatid ko na siya sa kapatid ng tito ko. Siya ang magbabantay sa pinsan ko ngayon kasi nga may pupuntahan ako.

Nasa dyep na ako ng tumawag si cloud sa akin "nasaan kana hon?" tanong niya sa akin ng sinagot ko ang tawag niya. "nasa dyep na papunta na dyan, bakit nandyan na ba kayo? Tanong ko rin sa kanya." oo kakarating lang namin, sige na mag ingat ka sa byahe hon ha, I love you, sabi nya sa akin. "oo hon salamat I love you more, sabi ko sabay baba ng tawag.

Mga ilang minuto ang lumipas ng makarating ako sa plaza na kung saan kami magkikita. Malayo pa lang ay nakita ko na sila na nagtatawanan kaya nag madali akong puntahan sila.

" hoy kamusta kayo? Tanong ko sa kanila ng dumating ako.

" hoy, sky waaaa kamusta ka? Tanong ni naih sabay yakap sa akin.

"namiss ko kayo, kanina pa kayo dito? Tanung ko sa kanila sabay beso kay cloud.

" hindi naman masyado naks going strong kayo n cloud ah"

"kaya nga, mabuti sky pinayagan ka ng tita mo?"

"oo, buti nga pumayag kapatid ni tito eh"

"ano Tara na? Pagabi na kasi"

"Tara na, sabi ko sabay hawak sa kamay ni cloud.

Habang nasa daan kami ay panay kwento sila pero kami ni cloud ay tahimik lang habang tumatawa sa kanila. Nag lakad lang kami papunta sa lacson kung saan ipalabas ang electric masskara.

" bakit ang tahimik mo yata hon? Tanong ko kay cloud dahil kanina ko pa napansin na ang tahimik niya.

" wala naman hon, talaga bang uuwi ka kaagad pagkatapos ng electric masskara? "tanong niya na may lungkot ang boses.

" opo hon, iyan kasi ang paalam ko sa kanila ni tito at tita eh"

"hindi ba pwedeng sa amin ka matulog? Gusto pa kitang makasama kasi sa sunod na araw uuwi kana rin."

"hon, naman eh huwag ka nga malungkot dyan, sige magdadahilan nalang ako bukas sa kanila ni tita" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"salamat hon, gusto ko lang kasi sulitin ang araw na kasama kita namiss kita sobra"

"namiss rin kita hon,pero ayaw ko mag sleep sa bahay ninyo ayaw ko pa magpakita sa mga magulang mo"

"ayaw mong ipakilala na kita sa kanila?"

"diba na pag-usapan na natin na gusto ko ikaw ang unang magpakilala sa pamilya ko bago ako"

"sige doon tayo matulog sa bahay ni tito kasi walang natutulog doon sa baba sila ice nalang doon sa bahay" sabi niya sabay akbay sa akin, kaya ngumiti nalang ako s kanya.

"hoy kayong dalawa dalian nyo aba kayo ang taga dito tapos kayo pa ang nahuli dyan"

"saan na tayo dadaan cloud? Ang daming tao"

"doon tayo iikot sa kabila hindi tayo makakadaan dyan"

"hoy Christian backride mo nga ako sakit na ng mga paa ko eh hahaha"

"gago!! Ang bigat mo bahala ka dyan"

"dito naka sumakay sa akin naih"

"buti pa sayo si ice hahah"

"ikaw ayaw mo sumampa sa likod ko? Baka pagod ka na sa kakalakad hon? Sabi ni cloud sa akin na kina gulat ko, nakikinig kasi ako sa kanila ni naih habang ng bungangaan sa gilid ng daan.

" huwag na hon kaya ko naman eh, malapit naman tayo"

"sige basta sabihin mo sa akin kung pagod kana ha" sabi niya sabay pisil ng pisngi ko kaya nahihiya ako sa tao na naka kita.

Nang makarating kami sa lacson ay pumasok agad kami sa lagoon. Nakipagsisikan kami sa tao marami na kasi ang mga tao na nag aabang ng electric masskara. Pumuwesto kami sa isang sulok ng lagoon, kung saan maluwag pa at kita rin ang mga contestant ng electric masskara.

"wow! Ang ganda ng mga damit nila"

"kaya nga naih! Ilan ba silang mga contestant cloud?"

"10 yata or 7"

"anong oras mag sisimula? Hoy! Picture tayo dali na"

"sige selfie na hahahah"

"ang gaganda Tlaga ng damit nila ang sarap tingnan"

Patuloy parin sila sa pag-uusap habang pinapanood ko sila, nakikisali rin ako minsan sa usapan nila. Hindi mawawala ang masaya nilang mukha habang kumukuha ng litrato sa mga contestant.

"hoy! Tahimik na kayo magsisimula na" sabi ko sa kanila ng magsalita ang emcee.

Nagsimula na nga ang show iba't-ibang sayaw at tunog ang maririnig sa bawat contestant, habang nanonood kami ay bigla nlang ako niyakap sa likod ni cloud kaya sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nanonood kami ng Sayaw at tugtug.

Malapit ng matapos ang palabas ng magsalita si ice, "saan pala tayo iinom pagkatapos nito?" tanong niya sa amin na tinawanan namin. "sa foodpark nalang kasi malapit lang dito yon," sagot sa kanya ni cloud habang naka yakap parin sa likod ko.

"bakit ka ba nagmamadali ice?"

"nagtatanong lang eh"

"hindi pa nga tapos ang palabas inom na agad ang sa isip mo hahaha!"

"patapos na siguro, alis na tayo baka wala na tayong pwesto doon"

"bakit, naih uhaw kana ba? Hahaha"

"hanggang dito ba naman naih lasenggera ka pa rin hahaha"

"mga gago! Umiinom lang hindi lasenggera"

"Tara na? Alis na tayo baka hindi na tayo makalabas dyan mamaya ang daming tao"

"Tara na!"

Habang palabas kami ng lagoon at hindi ko maiwasang tumingin sa mga tao, taon taon ganito karami ang mga tao dito minsan mas marami pa dito. Kadalasan sa kanila ay mga foreigner na gustong manood ng masskara.

Hawak kamay parin kami ni cloud habang palabas ng lagoon, ang sarap sa pakiramdam na matagal ko siya nakasama ngayon, pero hindi ko alam kung kailan ito ma uulit.

YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon