Chapter 30

7 0 0
                                    

Kinabukasan maaga kami umuwi ni Samz sa kanila, tulog pa ang dalawa naming kaibigan ng kami ay umalis sa kanila. Ginising ko lang si Samz para makauwi kami takot ako sa papa ni Samz baka pagalitan kami dahil hindi kami nakauwi kagabi.

Sky may sasabihin ako sayo, tanong sa akin ni Samz habang umiinom kami ng kape sa bahay nila, kami at mga kapatid niya nalang ulit ang naiwan sa bahay umalis papa niya para magtrabaho.

Hmmm! Ano 'yon?masakit ulo mo dahil sa hang over?

Loko! Hindi ah, si jomz kasi kagabi habang tulog tayo bigla niya nalang akong muntik halikan

Ha?? Totoo? Baka nagbibiro ka lang? Paano mo nasabi eh diba lasing ka kagabi?

Oo lasing ako pero alam ko naman kung ano ginagawa ko eh, kasi hindi naman ako sobrang lasing

Na halikan ka ba?

Hindi kasi tinabig ko mukha niya, parang ano lang kasi diba kaibigan natin tapos tagal na rin tayo nagkakasama pero bakit ganon siya?

Baka nadala lang sa alak? Pero kahit na, ano ngayon gagawin mo?

Hindi ko alam, parang na iilang na ako sa kanya,

Loko 'yon ah, kausapin ko nga siya

Huwag sky baka sabihin niya nagsumbong ako sayo

Eh ano naman ngayon? Hindi naman tama ginawa niya, hindi naman kayo mag karelasyon

Huwag na, palilipasin ko nalang hindi naman ginawa eh, alang-alang nalang sa pagkakaibigan natin.

Ikaw bahala, hindi naman natin maiiwasan si jomz classmate natin 'yon eh,

Kaya nga, hays!

Napatingin nalang ako kay Samz pagkatapos namin pag-usapan ang ginawa sa kanya ni jomz kagabi. Nagulat talaga ako kasi kahit papano naging close ko na rin si jomz pero hindi ko akalain na muntik niyang halikan si Samz kagabi.

Si Samz pala ay my boyfriend 'yan pero hindi ko alam kung sila pa, kasi lagi sila nag aaway ayaw naman makipaghiwalay ni Samz kasi sobra daw niyang mahal. Hindi ko pa nakita sa personal ang boyfriend niya sa picture ko lang nakita kahit iisang lugar lang naman sila. Minsan lang din sila mag kasama pagpumupunta lang si Samz sa kanila. Kaya nga naawa ako sa kaibigan Ko pero wala akung magawa kasi mahal niya eh.

HONEY❤️CALLING...

Hello hon, goodmorning! Bungad ko sa tawag ni cloud,

Goodmorning rin sayo hon, bakit hindi kana naka reply kagabi? Bigalang tanong niya kasi kagabi magka chat kaming dalawa habang sila Samz ay umiinom.
Sorry hon nakatulog ako na lasing kasi si Samz kagabi Inasikaso ko,

Okay lang hon, tatawagan sana kita kaso naisip ko baka nakatulog ka

Nakatulog nga haha, nagbreakfast kana ba?

Hindi pa, nakahiga pa ako, wala naman kami paninda ngayon kasi nga linggo,

Ay! Oo nga pala no pahinga mo pala ngayon,

Oo hon, magsisimba ako mamaya, ikaw ano ginagawa mo?

Naka-upo lang hon nag-uusap kami ni Samz

Ahh, babangon na ako hon maglilinis muna ako ng bahay

Hindi mag-inom ng kape? Kamusta ang punta mo sa kanila ni mama kagabi hon?

Syempre iinom, pagkatapos ko mag umagahan maglilinis ako, okay lang naman hon nagabihan ako doon kasi nag-usap kami ng mama mo

Naks! Close kayo?

Oo naman ako pa ba!? Hahaha

Eh, di ikaw na, hahaa love you hon

Love you more hon, sige na hon maliligo muna ako, text2 nalang tayo mwuah, miss you

Sige hon, mwuahh, ingat, miss you more

Asus!!!! Ang agang landian naman yan sky, Biglang sabat ni Samz pagkatapos namin mag-usap ni cloud

Alam mo ikaw ang bitter mo my jowa ka naman haha

Sana all my jowa na ganyan

Hmmm!! Bakit ang sa iyo ba? Ano na balita?

Hindi ko alam sky, isa rin 'yan sa dahilan bakit uminom ako kagabi,

Kwento mo daliiiii!! Bagal! Haha

Para kasing nakakasawa na? Alam mo' yon?

Hindi ko alam ang alin ba hahahha

Ewan ko sayo bahala ka dyan,, hirap mo kausap

Hahaha bakit kasi tinatanung mo ako? Eh hindi ko nga alam

Eh hindi naman kasi tanong 'yon duh!

Ay! Hindi ba? Hahha sige na patuloy mo na ano ba nangyari?

Sabat kasi ng sabat eh, kasi nga hindi na siya nag kukusa mag paramdam sa akin, kung hindi ako ang pupunta sa kanila hindi pa kami magkikita

Bakit hindi niya ba alam bahay mo?

Malamang alam niya, tagal na namin no tapos nakapunta na siya dito,

Alam niya pala eh bakit ikaw lagi ang pumupunta sa kanila? Siya ang lalaki dapat siya ang pumupunta sayo

Ganyan rin sabi ko sa kanya, laging sagot niya lang ay busy siya sa work niya,

Bakit hindi mo hiwalayan?parang ikaw nalang kasi may pakialam sa relasyon ninyong dalawa

Hindi ko pa kaya, sobra ko siyang mahal, sky nextweekend nga pupunta ako sa kanila

Hay naku! Samz parang nasasaktan rin ako sayo eh, alam mo hindi mo siya deserved marami kapa makilalang tao na Mahigit pa sa kanya

Alam ko naman 'yon sky pero kasi Iniisip ko pa lang na break na kami nasasaktan na ako eh,

Sa una lang ang masakit Samz, mas lalong sinasaktan mo lang sarili mo sa pagstay sa kanya

Okay lang sky kaya ko pa naman, nandyan ka naman eh na pwede kung sandalan kung sakaling hindi ko na kaya diba?

Oo naman, basta masasabi ko lang sayo pahalagahan mo ang sarili mo, kasi pinapahalagahan ka namin ng mga taong nag mamahal sayo,

Salamat sky! Swerte ko kasi nakilala kita, salamat dahil naintindihan mo ako, sabi niya sabay yakap sa akin habang umiiyak,
Ang aga mo namang ng drama, ganyan ba ang epekto ng hangover?

Loko hindi nga ako hangover gusto ko lang ilabas ang sakit ano kaba,

Biro lang ito naman, sana gumaan ang pakiramdam mo,

Oo sky salamat, Tara punta tayo sa dagat ligo tayo,

Hala siya! Ang aga2 Samz

Masarap kaya maligo pag maaga pa diba? Tanong niya sa mga kapatid niya na tumango rin

Dali na sky tumayo kana dyan baon nalang tayo ng umagahan doon tayo kakain,

May magagawa ba ako? Tatlo kayo ako lang mag-isa hahah

Kitams! Payag ka rin hahaha

Cheee!!

Hahahahha

Pagkatapos namin mag-usap ay nag hahanda na kami ng aming dadalhin sa pagligo.
Hindi ko alam na ganon na pala kabigat ang dinadala ni Samz na sakit dahil sa magaling niyang boyfriend. Pasalamat nalang ako dahil hindi ganon ang taong mahal ko.





YOUR MY PERFECT STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon