Gabi na ng matapos ako sa aking ginagawa,kahit pagod okay lang ang importante natapos ko."dennis, ano pa ang hinihintay mo? Kakain na" sabi ng babae kung kapatid, nasa kwarto kasi ako ng papahinga. "papunta na" sabi ko sabay tayo para kumain. Pero bago ako tumayo nagtxt muna ako kay sky, baka kasi mag taka siya na ang tagal ko tumawag.
Pagkatapos kung kumain ay pumunta agad ako sa kwarto, nagmamadali kung tingnan ang cellphone ko kung nagreply na ba si sky. Pero pag tingin ko kahit isa wala akung natanggap na text. Iniisip ko nalang na baka tulog na siya gabi na rin kasi, pero sinubukan ko parin siyang tawagan.
Honey calling.....
Honey calling.....
Honey calling....
Naka tatlong dial na ako pero hindi niya parin sinasagot ang tawag ko.
"ito huling subok ko na pag hindi parin bukas ko nalang siya ng umaga tawagan"
Honey calling....
"hello? Sino to?" tanong ng kabilang linya hindi naman boses ni sky. "hmmm! Gising pa po ba si sky?" tanong ko doon sa boses bata na babae. "tulog na po si ate sino po kayo?" tanong niya na humikab pa parang Nagising pa yata. "dennis po boyfriend ng ate mo ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya pero ang tagal niya sumagot.
"ma, boyfriend daw ni ate"
"ha sinong boyfriend?"
"hindi ko alam dennis daw ang pangalan."
"gisingin mo ate mo, gabi na tatawag pa,"
Natatawa ako sa narinig ko sa kabilang linya, mama at kapatid ni sky ay nag uusap na parang wala ako sa linya at parang hindi ko sila naririnig. Naghintay pa ako sa kabilang linya dahil ginising ng kapatid niya si sky.
" ate, tumawag ang boyfriend mo"
"hmmm! Ano ba? Gabi na eh nang gigising kapa!"
"eh kasi tumawag ang jowa mo ito oh"
"akin na,sabi ni sky sa kapatid niya, hmm hello hon? Sabi ni sky ng makuha niya na ang cellphone." sorry hon na distorbo kita gabi na kasi ako natapos. Paliwanag ko sa kanya. "okay lang hon, nakatulog nga ako sa pag hihintay ng tawag mo" mahinang sabi niya sa akin.
"kapatid mo ba ang sumagot hon?"
"oo hon magkatabi kasi kami at si mama"
"oo nga eh ano pangalan ng kapatid mo?"
"Jiesha Ann, bakit ano sinabi sayo?
" wala naman natuwa lang ako sa kanya ang daldal niya"
"oo madaldal talaga, gusto mo kausapin? Hindi na nga natulog nakikinig nalang"
"sige nga eh loudspeaker mo"
"sige wait lang" huling sabi ni sky saka niya kinausap ang kapatid niya. "ching, gusto ka daw kausapin ng kuya dennis mo" sabi ni sky sa kapatid niya. "hello po kuya?" sabi ng kapatid niya sa akin. "hello po, Jiesha ilang taon kana?" tanong ko sa kanya.
"4 po, mama diba two na ako?"
"oo, matulog kana gabi na"
"4 daw po sabi ni mama"
"hahaha bakit gising kapa? Matulog kana para madali ka lumaki"
"sige, po kuya goodnight po, mama usap ko jowa ni ate"
"alam ko ching, naririnig ko matulog kana"
"sige, bye kuya" sabi niya kaya tumawa nalang ako sa kanya nakaka aliw na bata.
"hello hon matulog na tayo, hindi kasi matutulog ito pag may naririnig pa na ingay"
"sige, hon tulog kana kakantahan kita"
"okay, hon pagkatapos pahinga kana rin alam kung pagod ka, I love you hon"
"oo naman hon, I love you more hon"
Kinantahan ko siya ng lagi kung kinakanta sa kanya sa umaga at bago matulog. Hindi ako magsasawa na kantahin sa kanya ng pa ulit-ulit ang kanta na ordinary song. Natutuwa ako kasi alam kung alam na ng mama niya na may jowa na si sky. Gusto ko na kasi makilala ang pamilya niya.
Kinabukasan pag gising ko ay tinawagan ko kaagad si sky, bago ako nag-ayos para pumunta sa pwesto. Madali lang ang pag-uusap namin kasi mag-ayos pa ako at my gagawin rin siya. Pero kahit busy kami, hindi nawawala sa amin ang text kaya alam namin ang nangyayari sa amin.
Nasa pwesto na ako ng biglang tumawag si naih sa akin, "bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag niya. "wala gusto ko lang sabihin na magkikita daw kami nila ice mamaya hahahha" sabi niya sa akin na tinawanan ko lang. "hindi ka parin nagbabago, akala ko ba nag aaply ka?" tanong ko sa kanya ng maalala ko ang sinabi niya.
"oo, hinihintay ko pa ang tawag mag process pa ako ng mga requirements eh"
"ahh, sure kana ba na susunod ka doon sa mama mo sa Singapore?"
"oo wala naman ako maiiwan dito eh, may kasama naman si papa dito."
"ikaw ang bahala mag-ingat ka nalang doon, sige na nagtetext kasi kami ni sky, text2 nalang din tayo"
"sige, tawagan ko lang si loverboy, bye cloud ingats men hahaha"
"sige, loko kamusta mo nalang ako sa kanila pag nagkita na kayo mamaya"
"sige ayos!" huling sabi niya saka binaba ang tawag.
Mabait naman si naih kahit super kulit lang at ingay pag siya ang kasama mo. Kung hindi ko lang siguro nakilala si sky, baka si naih na ang niligawan ko bago pa kasi pumasok si sky dati sa clan tinutukso na nila ako kay naih. Noong una ay sinasakyan ko lang naman ang biro nila, kaso habang tumatagal parang nahuhulog na si naih sa akin, pero noong time na iyon wala pa akong feelings sa kanya maliban sa pag kakaibigan.
Pero noong susubukan ko na sana siyang ligawan, saka ko naman nakilala si sky at nagkagusto sa kanya. Kaya hindi ko na tinuloy ang panliligaw kay naih at kay sky ko binaling ang aking atensyon. Ayaw ko kasing masira ang pag kakaibigan namin, alam ko naman kasi sa sarili ko na kaibigan lang talaga ang turing ko ky naih. Hindi ko na sinabi kay sky ang bagay na ito kasi alam kung selosa siya at ayaw kung magbigay ng dahilan para mag selos siya kahit wala naman. Alam ko na sobrang close rin nilang dalawa at ayaw kung masira iyon. Mahal ko si sky at iyan ang ayaw na ayaw kung masira.