Honey calling.........
Hello hon, goodmorning, sagot ko sa tawag ni cloud na medyo antok pa.
Good morning din hon, gising kana umaga na pupunta na ako sa talabahan hon, sagot niya sa akin,
Ito na nga tatayo na po cge hon mag iingat ka I love you po, sagot ko sa kanya na nakahiga pa rin.
Cge hon ikaw ingat ka rin dyan tatawag nalang ako mamaya pag walang masyadong tao hon I love you more mwuahhh😘, sabi nya sabay baba ng tawag.
Pagkatayo ko sa higaan ginawa ko ulit ang pagtulong kay mama sa araw-araw na gawain.
Nakakapagod rin na ganito lagi pero wala akong magagawa kasi ako lang ang katuwang ng mama ko sa araw-araw minsan lang kasi umuuwi ang kapatid ko galing sa trabaho.
Sky bilisan mo na dyan magbihis tanghali na, sigaw ni mama sa akin habang ako ay nag bibihis.
Ito na ma pa tapos na po, sagot ko habang palabas na ng kwarto.
Hinihintay niya kasi ako matapos magbihis kasi sasamahan ko siya maglako ng mga lutong gulay sa aming brgy. Umaga pa lang ay naglalako na kami para maubos agad ang mga paninda.
Ganito kami palagi sa umaga pero minsan hindi rin nauubos ang lutong ulam kaya inuulam nalang namin sa boung araw.
Minsan naawa na ako sa mama ko palagi nalang naka bilad sa araw para lang ma ubos ang mga paninda sa umaga. Pero wala akong magagawa kasi kahit ako ay walang trabaho para makatulong man lang sana sa kanila ni papa.
Sky daan muna tayo sa kuya mo Mark para matanong ko siya tungkol doon sa pag aaral mo sa tesda, sabi ni mama habang naglalakad na kami pa uwi.
Umaga pa lang ay ubos na ang lutong ulam na nilako namin kunti lang naman ang naluto ni mama kasi kulang ang budget ni mama.
Bakit ma umuwi ba si kuya sa kanila?,tanong ko kay mama minsan lang kasi umuuwi si kuya Mark sa bahay nila.
Oo, daw kahapon lang,sabi ni mama habang papalapit na kami sa kanila ni kuya mark
Tumahimik nalang ako habang naka sunod kay mama sa paglalakad. Sana makapasok man lang ako sa tesda para maka pag aral naman ako.
Goodmorning Mark, bati ni mama pagka dating namin sa kanila ni kuya mark.
Morning din nay, ang aga ninyo ah anong meron?, tanong ni kuya habang nakatayo sa labas ng bahay nila.
Nakatayo lang kasi si kuya Mark sa labas ng bahay nila kaya binati agad ni mama pagkadating namin.
Hehehe tanong ko lang sana Mark kamusta yong sa tesda ni sky?tanong agad ni mama
Ahh OK na 'yon nay naka pasok na si sky pero mga June pa ang simula, pupunta nalang kayo doon.
Salamat naman kung ganon, kailan kami pupunta?
Sa June pa nay, eh text nalang kita kung kailan ka pupunta.
Cge Mark salamat ha, iyan lang ang sadya namin hehe
Walang ano man nay, basta eh text lang kita,
Cge hihintayin ko nalang text mo salamat ulit, huling sabi ni mama
Salamat din kuya Mark mauuna na po kami, sabi ko kay kuya Mark
Cge sky, balita ko ikaw daw miss para sa fiesta ah, goodluck sky!
Salamat kuya kakahiya nga eh baka hindi naman mananalo haha
Okay lang kung hindi manalo atleast sinubukan mo,
Kaya nga eh salamat ulit kuya alis na po kami,sabi ko sabay lakad
Cge ingat kayo, sigaw ni kuya Mark na tinawanan ko lang.
Pagdating namin sa bahay nag pahinga lang kami ng mama ko. Saka nagluto ng ulam para sa tanghalian. Ako naman ay nag walis ng mga dahon ng mangga.
Masaya ako kasi sa wakas ay maka pag aral na ako ulit kahit tesda lang. Gustong-gusto ko talaga I.T o kahit ano basta related sa computer.
Marami akong naririnig na kahit tesda lang ang iyong natapos ay pwde ka rin maka pagibang bansa para doon magtrabaho. Pero ang sabi computer literate lang ang meron sa bayan okay lang naman siguro pag computer literate parang I. T naman siguro ang ganyan.
Parang gusto ko na tuloy bilisan ang mga buwan para maka pag-aral na ako kaagad at maka pagtrabaho.
1 message received
Hello hon, mamaya na ako tatawag marami pa kasing tao, basa ko sa text ni cloud habang naka upo.
Cge hon, hihintayin ko nalang mamaya ang tawag mo ingat ka dyan
Opo hon, cge na mamaya na tayo mag usap kain ka dyan ha, I love you 😘
Ikaw rin huwag ka magpalipas ng gutom dyan I love you more😘 huling reply ko sa kanya hindi na rin kasi siya ng reply sa text ko.
Napatingin nalang ako sa cellphone ko at napaisip hanggang kailan kaya kami ganito ni cloud? Gusto ko rin sana makaranas ng isang relasyon na hindi ldr,yong lagi mo siya makakasama, nakikita at nahahawakan. Sana darating kami sa punto na ganyan, yung hindi lang puro txt at tawag.
Elciara zeynins calling........
Oh bakit? Sagot ko sa tawag ni naih.
Waaa sky, bukas ko na makukuha ang visa ko my god sky tuloy na talaga to huhuhuhu
Hala totoo? Congrats naih ngayon pa lang mamiss na kita huhuhu,
Hahha ang saya ko ngayon matutuloy na Talaga ako,
Totoo ba talaga na bukas na darating ang visa mo?
Oo sabi ni mama bukas daw may aayosin lang daw tapos eh, makukuha ko na bukas
Hahhaha wala pang kasiguradohan yan bukas naih hahaha hindi pa yan matutuloy magkikita pa tayo hahaha
HOY huwag ka namang ganyan panira ka talaga
Hahaha joke lang happy ako naih sa wakas matutuloy ka na rin iyan lang naman ang hinihintay mo.
Kaya nga sky, hindi pa rin ako makapaniwala
Ingat ka pag nandon kana ha, tanga ka pa naman haaha
Salamat ha! Maka tanga naman to hahaha ikaw ingat ka rin,
Cge na matutulog muna ako ang ingay mo hahaha
Mamiss mo rin ang ingay na ito hahaha bye my friend hahahaha sabi niya sabay baba ng tawag.
Napangiti nalang ako sa wakas dumating na rin ang hinihintay ni naih ang makasunod sa mama nya,...
SA WAKAS NAKA PAG UPDATE RIN, SORRY NGAYON LANG ULIT NAKA PAG UPDATE SOBRANG BUSY NA RIN KASI.
HINDI KO ALAM KUNG KAILAN AKO ULIT MAKAKAPAG UPDATE WALA KASING KURYENTI DITO SA AMIN DAHIL SA BAGYONG ODETTE.
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NA NAGBABASA KUNG MERON MAN HAHHAHA😂
COMMENT NGA KUNG MY NAGBABASA BA SA STORY NA TO??