"J-jay"
Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa pagkautal ko. Sabi ko na nga ba, hindi ko pa rin siya kayang harapin ng hindi nauutal o kinakabahan.
"H-hindi ka u-umalis?" he said making me shock. First time ko siyang nakitang mautal, at first time ko rin makita na sobrang putla niya at halatang may nangyari nga talagang masama sakanya.
"Hindi hyung, umalis talaga si Sam. Namamalikmata ka lang" pagsingit ni Jungwon sa usapan. Itong batang to ang hilig sumabat sa usapang hindi naman siya kasali. Kung hindi lang talaga cute 'tong si Jungwon kanina ko pa 'to binalibag eh.
Tiningnan lang niya ako ng mabuti at sinenyasan akong lumapit sakanya. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nainis sakanya. Ewan ko ba, bigla nalang nagbago ang mood ko nang makita ko kung paano niya ako senyasan na parang tauhan niya. Eh hindi naman ako ganito dati, tuwang tuwa pa nga ako noon na napapansin niya ako kahit na nagmumukha akong alipin niya. Dala lang siguro ito ng pagbubuntis ko.
"If you're just going to pinch my cheeks para masigurado kung totoo ba ako o hindi then huwag mo ng ituloy dahil ako na mismo ang magsasabi sayo na totoo ako at hindi mo ako imagination" mataray na sambit ko sakanya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Jungwon at Sunghoon sa likuran ko sabay bulong ng 'ohh, tiklop si jjongsaeng'.
Inirapan ko siya and he did the same. Aba ang kapal ng mukhang magmaldito, akala mo talaga bakla itong si Jay eh. Wagas kung makairap, akala mo wala siyang kasalanan saakin.
"Why didn't you go?" seryosong tanong ni Jay habang nagbabalat ng orange na nakalagay sa mesa sa gilid ng kama niya. Psh, namumutla lang pala hindi naman pala nanghihina at malala yung kundisyon. Dapat pala hindi.nalang ako nagpadala sa kunsensya ko dahil pakiramdam ko ako ang may kasalanan dahil hinabol niya ako. Psh, ang hirap maging marupok.
"Nakunsensya lang ako dahil sinabi nitong pinsan mo na naaksidente ka dahil nagmamadali kang mahabol ako-- I mean ang anak ko"
"Stop that 'anak ko' thing. Hindi mo naman yan mabubuo ng magisa ka lang so basically anak natin. Psh" he said
Aba't may nalalaman pa talaga siyang basically basically ah? Kung tadyakan ko kaya yung tagiliran niya na nabangga ng kotse. Ewan ko nalang kung hindj siya mamilipit sa sakit.
"Hindi ba't sinabi mo saakin na hindi naman totoo ang sinasabi ko at nagsisnungaling lang ako? Bakit parang nag-iba ata ang ihip ng hangin at bigla mo akong hinabol?" mapang-asar na tanong ko sakanya. Hindi ko n talaga alam kung ano bang nangyayari saakin, nabuntis lang ako tapos biglang lumakas ang loob ko na asarin si Jay.
Hindi nakasagot si Jay pero sinenyasan niya ang dalawa niyang pinsan sa likod ko na kasalukuyang kumakain na ng popcorn. Ang mga walanghiya. Akala ko pa naman matino 'tong dalawang 'to--akala ko lang pala talaga yun.
"What? Gusto mong umalis kami? Pero bilin ni tito dito lang kami, so bakit kami aalis?" binato ni Jay si Sunghoon ng unan na nasa kama niya kaya biglang bumagsak ito sa sahig. Hindi ko ineexpect na ganito pala sila.
"F*ck Sunghoon, hindi mo ba alam ang salitang privacy?!" bago pa sila tuluyang magkainitan at magbatuhan ng mga gamit ay pumagitna na si Jungwon at hinila na palabas si Sunghoon. Ang lakas din kasi mang-asar nitong si Sunghoon, si Jay naman napaka-pikon akala mo hindi mahilig mang-asar.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanfictionDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021