"Freaking paper works! Can I just throw this away?!" bulyaw ko kay Sunghoon at Jungwon na kasalukuyang tumatawa lang at naglalaro ng mario kart. Ang kakapal talaga ng mukha, sa kwarto ko pa talaga tumambay.
"Dude, just sign those papers. Lagot ka kay tita kapag hindi mo napirmahan yang 567 pages ng kasunduan ninyo" Jungwon
Mas lalo naman akong napasimangot. At talagang hindi nila ako tutulungan? Are they really my cousin or nah? Kasi kung hindi sisipain ko talaga ang pwet nila palabas ng mansyon na 'to.
"Argh. Kung hindi niyo ako sinumbong kay mom hindi niya ako pipilitin hanapin yung babaeng nabuntis na yon! Edi sana hindi ako pumipirma ng sangkaterbang papel ngayon!" bulyaw ko sakanila pero umiling iling nalang si Sunghoon.
"At kung hindi ka ba naman tatanga tangang hindi gumamit ng condom edi sana wala kang nabuntis" pangangatuwiran pa nito.
Argh. Bakit ba sa lahat ng bagay may naibabato pabalik itong dalawa kong pinsan?! Kung tutuusin, mas malandi pa nga si Sunghoon saakin eh. Parang si Jungwon nalang ang natitirang matino saaming magpipinsan.
Dapat si Sunghoon ang nakabuntis at hindi ako hindi ba?! Kasalanan ko bang lasing ako nun?!
"Stop lecturing me, Sunghoon. Doon ka na nga sa mga babae mo mangistorbo. Huwag saakin" asik ko sakanya pero tinawanan niya lang ako bago ipinagpatuloy ang paglalaro nila ni Jungwon.
Napairap nalang ako bago itinuloy ang pagpirma sa kasunduan namin nila mom and dad. Nakalagay dito sa kasunduan na kailangang mahanap ko muna ang mag-ina ko bago ko makuha ang mana ko, kung hindi ko sila mahahanap wala akong makukuha ni kahit singkong duling man.
Nakakainis, bakit ba kasi ang hilig manggulo nung babaeng iyon? Hindi niya man labg ba naisip ang mangyayari saakin?
"Lumabas na nga kayo-"
"Sige, pero isusumbong ka namin kay tita. Sasabihin namin na kumuha ka ng ibang private investigator para siya ang gumawa ng trabaho" asik ni Jungwon kaya napamura nalang ako.
"Damn"
"Labag sa loob mo?" pangaasar pa ni Sunghoon
"What the... I said Damn. Ang sarap magpirma ng papeles"
Tumalikod nalang sila at narinig ko pa ang tawanan nilang dalawa. Tuwang tuwa sila na nahihirapan ako ngayon ah? Humanda sila kapag nahanap ko na yung anak ko at yung nanay niya.
"Sus, takot ka lang eh"
"Shut up"
Samantha Christine's POV
"Sa wednesday na ang alis natin. Are you sure about this Sam?" tanong ni Heeseung habang itinitklop ang mga damit niya.
Kasalukuyan kaming nagiimpake ng gamit namin na dadalhin papunta sa canada. Sabi ng OB gyne ko, pwede pa naman daw akong bumiyahe dahil hindi naman daw delikado sa ngayon. Ang kailangan lang daw ay mag-ingat kami.
"Oo naman, Heeseung. Wala naman akong ibang magagawa. Basta sa ngayon, gusto ko lang makalayo kay Jay. Gusto kong ilayo sakanya ang anak namin. Deserve niya naman iyon, tutal sarili niya lang naman ang iniisip niya. Tsaka sigurado naman akong wala na iyong pake ngayon" pangangatuwiran ko.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
Hayran KurguDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021