Chapter Twenty-Five

1.8K 117 276
                                    

Pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Jay ay bumalik na kaming dalawa sa kwarto para magpahinga. Si Sunghoon nalang at Jungwon ang inutusan niyang magluto dahil nga wala siyang magawa at masakit pa ang sugat niya sa kamay. Bakit ba kasi ang lutang ng isang iyon?

"Hey, wanna go somewhere?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Jay kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo.

"I just want to go somewhere. Wala lang, masyado lang akong nasasakal dito sa bahay lalo na at maraming nakapaligid" he said habang nagkakabit ng belt niya. Kakatapos niya lang kasing maligo and now,he's wearing a simple white shirt and a black jeans. May accessories din siyang inilagay katulad ng kwintas at singsing na nakalagay sa index finger niya.

Tiningnan niya lang ako mula sa reflection ng salamin habang nagaayos ng buhok. Oh my god,may favorite talaga si god. Masyado ng pinagpala si jay,dapat na siyang ipatumba.

"What? Are you gonna stay like that? Titigan ako buong maghapon? Hindi pupunta ang park sa'yo,Samantha." napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Mag-aaya na nga lang gumala,napaka-maattitude pa. Ewan ko ba dito sa jay na 'to.

"Yeah. Wait,kukuha lang ako ng damit okay?" tumayo na ako at tsaka dumiretso sa closet namin ni jay. Kukuha na dapat ako ng damit ko pero biglang pumasok si jay kaya napatingin ako sa gawi niya. May kinuha lang siya sandali na sa tingin ko ay t-shirt niya bago inabot sa akin. Kumuha din siya ng medyo maluwag na short ko na sa tingin ko ay hindi aabot sa tuhod ko bago niya iyon ibinigay sa akin.

"Come on. Faster,I don't like waiting" he said at tsaka ako tinulak papasok sa banyo.

Psh.

Sinuot ko nalang ang short at ang inabot niyang t-shirt sa akin bago itinali ang buhok ko. Nag-iwan ako ng kaunting hibla nito sa harap para naman kahit papaano ay may style at hindi boring tingnan. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na mapangiti habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.

Malaki ang t-shirt niya at umabot na iyon sa ibabaw ng tuhod ko. Para nga lang akong nakapantulog pero sa tingin ko ay ayos naman na rin ito. Hindi ko naman na kailangang magbihis pa ng magarbo dahil hindi naman kami aattend ng prom--charot.

Lumabas na ako sa banyo at nadatnan ko si jay na nagbabasa nanaman ng libro na mas makapal pa sa dictionary sa library ng univerty namin. Ano nanaman ba ang trip ng lalaki to?

Napatingin naman sa akin si Jay at nakita kong sumilay ang ngiti sa labi nito bago lumapit sa akin kaya namula ang mukha ko bago umiwas ng tingin.

Kalma,Samantha. Huwag mong ipahalatang kinikilig ka. Hindi ka kinikilig. Hindi talaga.

"You look cute" he said bago inilabas ang maliit na pulang kahon sa bulsa niya. Nagulat naman ako dahil dito pero hindi ko nalang iyon ipinahalata sa kanya at nanatiling kalmado ang ekspresyon ng mukha kahit na ang totoo ay sa kaloob looban ko ay gusto ko ng sumabog at magbasag ng gamit--dahil sa kilig.

Lord this is it pancit na po ba? Magpapakasal na po ba kami ni jay? Kasi kung oo sana naman po hindi po kami magbatuhan ng gamit araw araw--

"Hey, wear this necklace. Bigay ni mom sa'yo."

Ngi. Akala ko pa naman--sabi ko nga galing nga kay Mrs. Park, asa pa ba akong magbibigay ng ganung bagay 'tong si jay eh mga babae niya lang naman ginagastusan niya.

"Oo na. Akin na nga--" hahabulitin ko na sana sakanya ang pulang kahon pero inangat niya iyon bago pinitik ang noo ko.

"Let me help you,ang bilis mong mapikon"

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now