Kasalukuyan akong nakatingin sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding ng kwarto namin sa tapat ng headboard ng kama. Malaking frame iyon ng ginawa naming maternity shoot noong nakaraang linggo. Picture naming dalawa yun ni Jay.
Kung titingnan mo, parang ang saya saya naming nagsasama, kapag hindi mo kami kilala parang mapapasabi ka nalang na ang swerte naman nila at ng anak nila dahil sa hitsura ng litrato pero hindi eh.
Kabaliktaran ng totoong buhay yung nasa litrato, dahil lahat ng nandyan ay isang malaking palabas lang ni Jay.
"Masyado ka namang natuwa sa frame na yan, don't worry next time kita na si baby at wala na sa tyan mo. I'll make sure na we'll have a family photo" he said while rubbing his hair using a small towel.
Edi siya na hot.
"Ang saya lang kasing tingnan, hindi na tuloy ako makapaghintay na lumabas si baby" nakangiting sabi ko at marahang hinaplos ang tyan ko bago tuningin sa litrato.
Naramdaman ko naman ang presensya niya sa likod ko bago niya ako niyakap at hinaplos rin ng marahan ang tyan ko. "Gusto mo hiwain ko na tyan mo ngayon na at ilabas si baby?"
Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Tarantadong 'to, edi kinulang naman sa buwan yung bata tsaka isa pa, hindi niya pwedeng gawin iyon.
"Sira, edi namatay ako" pagbibiro ko. He chuckled a bit before pinching my cheeks. I just glared at him before punching his chest.
"Aray! Nagbibiro lang naman!" reklamo nito kaya napanguso ako bago siya tinulak at umupo na muli sa kama. Lumapit lang siya sa akin bago ako tiningnan na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
"Just tell me if you want me to kiss you hindi yung pout ka ng pout dyan" he said kaya nanlaki ang mata ko.
Ah, ang lakas mo mang-alaska ngayon ah.
Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya bago inilapit ang mukha ko sakanya. I put my hand on his chest bago itapat ang bibig ko sa tainga niya. Mukha naman siyang nagulat dahil sa ginawa ko kaya napatawa ako ng mahina bago bumulong ng
"Gusto mo, pigain ko yang apdo mo?"
Humiwalay na ako sa kanya at tumayo. Hindi ko naman napigilang matawa nang makita ko ang nakabusangot niyang mukha habang nakatingin ng masama sa akin. Oh no, matatakot na ba ako?
"Psh." tumayo na siya mula sa pagkakaupo at dumiretso sa table kung saan siya gumagawa ng mga paper works sa office. Iba talaga kapag anak ng CEO.
Napailing nalang ako dahil rinig na rinig ko pa ang pagbubulong niya ng kung ano ano kasabay ang pagdadabog niya ng gamit. Para talagang bata eh, sisimulan niya akong alaskahin pero kapag inasar siya pabalik napaka-pikunin.
"Hoy! Sorry na! Joke lang naman eh, masyado ka namang seryoso" binato ko siya ng unan mula dito sa kama at nasapul naman siya nito sa kanyang ulo pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya, ipinagpatuloy niya lang kung ano man ang ginagawa niya. Napakapikon akala mo naman talaga ako yung nagsimula eh.
Tumayo na ako sa kama at dumiretsoa pwesto niya bago siya kalabitin. "Oy, sorry na nga!" Wala pa rin siyang sagot at nagbingi-bingihan lang habang nagttype ng kung ano sa laptop niya. Kinuha ko naman ang lya sa isang tabi at umupo doon. Isinandal kong ulo ko sa pader bago siya tinitigan.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanfictionDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021