Ilang araw na matapos kong makalabas sa ospital, bumalik nanaman kami sa dati ni jay--puro bangayan.
Ay joke, wala namang pinagkaiba since palagi din naman kaming nagbabangayan sa ospital-- pero noong nasa ospital kami, sweet pa siya sa akin.
"Putcha Samantha, ayan na turon mo. Pambihira, nung isang araw ka pa nanghihingi ng turon ah?! Bakit kailangang luto ko pa kung pwede namang bumili nalang" iritadong reklamo ni Heeseung bago inilapag ang plato na puro turon. Kukuha na sana si Niki at Sunoo ng isa pero tinapik ko ang mga kamay nila.
"Akin lang 'to!" sumimangot lang sila sa akin bago bumulong ng 'ang damot, tumaba ka sana'
Inirapan ko nalang sila bago sinimulan ang pagkain ko ng turon na niluto ni Heeseung. Jusko, mukhang sa turon pa ata ako maglilihi.
Bigla namang kumulo muli ang tyan ko, ano ba yan? Gusto ko ng pagkain ulit? Hindi pa ata sapat lahat ng turon na 'to para sa amin ni baby.
"Jay!" sigaw ko pero wala pa ring sumasagot. Ay tanga. Nasa 4th floor nga pala ang kwarto naming dalawa kaya malamang sa malamang ay hindi niya ako maririnig.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng short na suot ko at idinial ang number niya. Subukan niya talagang hindi sumunod ilalaglag ko siya sa kama mamayang gabi.
Wala pang isang minutong nagriring ang phone ni jay nang sagutin niya na kaagad ito.
"Hello?--"
"Hoy Jay! Bumaba ka nga dito gusto ko ng caldereta lutuan mo ako huhu" wala ng intro intro hingi kaagad ng gusto. Bakit pa ako magpapaligoy ligoy pa eh dun din naman papunta yun.
"What? Akala ko ba nagluluto na si Heeseung--"
Napasimangot ako bago ko putulin ang sinasabi niya. "Oh edi wag mo, di ka naman pinipilit! Magpapaluto nalang ako kay Sunghoon, wag kang kakain ah?!"
"Damn! Wait! I'll be there in 3 minutes!" nakangiti kong ibinaba ang tawag dahil nga ngayon ay nanalo ako sa pakikipagtalo ko kay Jay. Kung hindi pa ata siya binugbog ni Mr. Park, hindi ata siya magtitino.
"Grabe ang tindi mo, Samantha. Pati si Jay napasunod mo" natatawang sambit ni niki habang nginunguya ang turon na niluto ni Heeseung. Aist! Sabi ko sa akin lang yun eh!
"Akin yan eh!"
"Bakit may pangalan mo ba?! Wala naman diba? So basically, para sa lahat 'to!"
"Niki naman, kulang pa sa akin yan eh!"
"Sam, huwag kang halot. Dalawa lang kayo ni baby na kakain, hindi naman triplets ang anak mo para maging ganyan ka katakaw" pambabara sa akin ni niki at masayang kinain ang turon na inagaw niya sa akin.
Mabulunan ka sana!
"Sam!" napaangat ako ng tingin at napatingin kay Jay na hingal na hingal na dumating dito sa kusina. Ayon, pupunta din naman pala ang dami pang dada.
"Oh, akala ko ba ayaw mo? Tatawagan ko palang sana si Sunghoon para paglutuin--" naputol ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Heeseung habang nakaakbay sa akin.
"So wala kang tiwala kapag ako ang nagluto ng caldereta?" tanong nito habang nakapout pa. Pinisil ko ang noo niya bago ngumiti, "Sorry, wala eh. Baka mamaya lagyan mo pa ng lason"
Napasimangot naman si Heeseung habang kami naman ay tawa ng tawa sa naging reaksyon ni Heeseung sa sinabi ko. Ramdam ko ang mga titig ni jay sa aming dalawa ni Heeseung pero ipinagsa walang bahala ko nalang iyon.
"Psh. I'm going to cook na. Excuse me" dumaan si Jay sa gitna naming dalawa ni Heeseung kaya natanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Heeseung. Muntik pa akong ma-out of balance pero buti nalang at mabilis ang reflexes ni Jay at nahawakan niya ako kaagad sa bewang.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanfictionDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021