After 15 minutes of driving, finally nakarating na rin ako sa hospital na pinagdalhan nila kay Samantha. Fvck it. I don't know kung ano na ang magagawa ko kapag nakita ko pa ulit si Crystal. Baka mapatay ko siya dahil sa ginawa niya sa mag-ina ko.
"Gago!" sinuntok ako kaagad ni Heeseung ng makarating ako sa room kung saan nagsstay si Samantha ngayon. She's lying on the bed-- walang malay. Baka dahil iyon sa pagkakabagsak niya. Fvck it, ang haba ng hagdan namin. I wonder what happened to the baby?
Tumayo ako kaagadmula sa pagkakabagsak ko sa lupa pero bago pa ako muling makatayo ay sinuntok akong muli ni Sunghoon. Sinamaan ko siya ng tingon dahil sa ginawa niya.
Why is he punching me? Hindi ba dapat ako ang dapat sumapak sakanya for touching Sam and for pretending that he's the father of our baby?! Fvck it! Ako lang ang ama ng anak ko!
"That's for punching me earlier!" he yelled before punching me again kaya tuluyan na akong napahiga sa sahig.
"And that's for hurting Samantha!" umalis na siya sa ibabaw ko at inis na umalis papalabas ng kwarto at padabog na isinarado ang pinto. Sumunod naman sakanya si Heeseung pero bago pa siya tuluyang makalabas ay tiningnan niya ako ng masama.
Pinahiran ko nalang ng panyo ang dugo sa gilid ng labi ko bago ako tumayo habang si Jungwon at Sunoo naman ay nakatingin lang sa akin at wala man lang ibang gustong sabihin.
"Kamusta na siya? Yung b-baby?" tanong ko kay Jungwon na tahimik pa rin hanggang ngayon. Oo na, kasalanan ko na. Alam ko naman eh, dapat hindi ko na ginawa yun. Dapat hindi ko nalang siya ginantihan lalo na at nagdadalang tao siya. Pero masisisi niyo ba ako? Hindi ko lang talaga matanggap na may taong nakagawa sa akin nun.
"The baby is fine"
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Jungwon. Thank god the baby is fine. Akala ko ay kung ano ng nangyari sa baby. Akala ko mawawala siya sa akin-- sa amin ni Samantha.
"The baby is fine pero si samantha hindi" dagdag nito kaya napatingin ako kay samantha na nakabenda ngayon ang ulo at walang malay. I ruffled my hair because of frustration. I know, it's my fault.
"Mabuti nalang at matindi ang kapit ng bata sa sinapupunan ng asawa mo" sabi ni Jungwon bago tinusok ang tagiliran ko. Ugh, this is a serious situation, hindi ba niya kayang seryosohin?
"Seriously? She's not my wife" I rolled my eyes at him before sitting on the couch next to samantha's bed.
"Sus. Dun din papunta yun eh. Pero aminin mo, nagselos ka kay Samantha at Sunghoon hyung noh? Pati kay Heeseung hyung?" sabat naman ni Sunoo kaya pinandilatan ko siya ng mata. Psh. We're not even close, bakit ba siya nakikisabat?
"I'm not jealous. Stop teasing me dimwit"
He just rolled his eyes before playing with his phone again. What the actual fvck? Did he just roll his eyes? Bakla ba 'to? "Yeah, yeah. You're not jealous. So trip mo lang na sapakin si Sunghoon hyung nung hahalikan na dapat niya si Samantha. Yeah, you're not jealous." sarkastikong dagdag pa nito.
Why so sassy?
Binalot nalang kami ng katahimikan at wala ng ibang nagsalita pagkatapos magsalita ni Sunoo. Hindi ko nalang din siya pinansin dahil masyado na siyang maraming sinasabi. Hindi naman totoo. Psh.
Me? Jealous? Anong pake ko sakanila? Magsama pa sila eh.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sunghoon at Heeseung na may dalang plastic bag. Malamang ay bumili sila sa super market ng pagkain para sa magbabantay kay Samantha. Hindi sila kumibo at dumiretso sa lamesa dito sa room ni Samantha.
YOU ARE READING
Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]
FanfictionDaddy Series #01. PJS ── ❝ You changed everything about me, Sam. ❞ completed @takonikii2021